Napuno ng hiyawan ang loob ng arena mula sa mga fans niya. Bawat minuto ay napapatatakip ako ng tenga gamit ang banner na hawak ko na ako mismo ang nagpagawa sa kapatid ko. Gusto ko na lamang maglaho na parang bula. Hindi ko kaya ang ganito ka ingay.
"Kuya, ayosin mo! Itaas mo ang hawak mo!" utos sa 'kin ni Gab. I glared at her. Nakakainis, bakit ba ako napasama dito? Matamis siyang ngumiti sa 'kin kaya parang nanlambot naman ang puso ko. I sighed and raising the banner with her name and face on it. She's a good singer, I can say that.
"Ang ganda mo, Ate Sie!" my sister shouted.
Kitang-kita sa mga mata niya ang saya. Paano nagagawa ng babaeng 'yan na pasayahin ang kapatid ko? Tumaas ang gilid ng labi ko at nagpakawala ng ngiti. I stared at her while singing and jams through the music. Nagtaas siya ng dalawang kamay pagkatapos kantahin ang isang stanza. Muling sumigaw ang kapatid ko ng paulit-paulit. Lumingon siya sa 'kin at tumawa.
Nadala ako sa emosyon na pinakita niya kaya napasigaw na rin ako, "Ang ganda mo, Sie!" I shouted loud as I can. Pero natigilan ako ng wala na akong marinig na musika. I stared at her while my jaw drop.
Nanlaki ang mga mata ni Sie at napatakip ng bibig para takpan ang ngiti na lumalabas sa mga labi niya.
"This is not what you think," I whispered, shaking my head. Oh no! I glanced at Gab and I saw how surprised she is. Nakaawang ang mga labi niya habang nanatiling nasa taas ang LED tablet. Tumahimik ang lahat at hindi ko alam kung bakit, "Gab, ginagaya lang kita," I explained.
Umiling siya, "K-Kuya," she called me and laugh.Kumindat siya. Namula ang mukha ko at hindi alam kung ano ang ibig sabihin no'n. Nagulat ako ng may biglang tumulak sa 'kin.
"What the? Gab!" I extended my hands towards her, to get her. Baka mawala siya.
I heard laughed from that woman, "Stop, don't push me!" sigaw ko. My brows knitted. Pero hindi natigil ang tumalaka hanggang sa makalabas ako ng barrier. Pinagpag ko ang damit ko saka umayos ng tayo. Doon ko napansin na meron palang nakatutok sa 'kin na ilaw, "Damn it," napamura ako ng mahina kung ano ang ibig sabihin nito. I roamed my eyes and saw how many people are here. Ang daming tao at ngayon ay nakatingin sila sa 'kin. Para akong naging maliit.
"Come here," she said sweetly. I turned my gaze at her, she flashed a smile at me. Kumunot ang noo ko. I don't have plan to talk to her, "Hi," dagdag pa niya. Nagsimulang maghiyawan ang mga tao, napakalakas. Sinisigaw ang pangalan niya. Napalunok ako ng malaki. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, kaya napayuko ako. Nagtakip ako ng mukha.
May biglang dumating sa tabi ko na guards at hinawakan ako sa braso, "Sir, tara na po sa taas," sabi ng lalaking nakasuot ng kulay itim na shirt.
"W-What?! I'm not interested, you can ask other people here," sabi ko. Nagpupumiglas ako sa kanila para makawala pero hindi ko kayang alisin ang braso ko. Napamura ako sa isip ko. Habang papalapit ay lalo kong gustong makaalis sa hawak nila.
"Sir, pagkakataon niyo na po ito," bulong naman ng isang kasama niya. I almost puke. Mukha ba akong fans niya? No way.
Pagdating ko sa tabi niya ay inayos ko ang coat na suot ko. I heard shouts from them. Never in my dream to be in front of everyone but now, I am here with this popstar. I looked at Gab directly, pinanlakihan ko siya ng mga mata. She's taking a video of me.
"So, what's you name?" she asked.
"Kane," tipid kong sagot. I crossed my arms together. I can't look at her. I took underbreath. Ano ba 'tong pinasok ko? Dapat tumakbo na lang ako palabas.
"Let's give him around of applause!" she said, so her fans followed her. Sumabog ang palakpakan including my sister. Sobrang tuwa niya. Umirap ako.
"Can you talk to my sister instead? She's the one who idolize you, not me," I said hardly. I rolled my eyes.
Sandali siyang natahimik. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nagbulung-bulungan kaagad sila. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa kaniya. She's smiling with a little hurt in her face. Napayukom ang kamao ko.
"Uhmmm..." I was about to take it back when she cleared her throat.
"That's okay! So, can I have on stage the sister of Mr. Kane?" she asked trying to be joyful. I licked my lips. Nakita kong nagtatalon si Gab mula sa puwesto namin kanina.
"I'M HERE! I'M HERE! KUYA KO SIYA!" sigaw niya. Mahina akong tumawa, sinundo ko siya mula sa maliit na hagdan. Nagtawanan na rin ang lahat sa kabibohan niya, she is bubbly when she's still a kid. Agad siyang yumakap kay Sie, "Idol na idol kita, alam mo ba? Nagpunta kami ni kuya pagkatapos ng trabaho niya," kuwento niya dito. People around us feel touch na akala nila ay fan talaga niya ako.
Mabilis akong umiling.
"Really? Kaya pala nakasuot pa siya ng tuxedo," nagtawanan silang dalawa.
"I'm not your fan," I whispered. I gritted my teeth.
Pagkatapos ng concert ay feeling ko nawala na ang pandinig ko. I rubbed my ears while we are walking.
"Puwedi ba sa labas na lang ako maghihintay? I don't want to see her, Gab," sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ako sa braso at hinila.
"Kuya, naman e! magpapa-authograph ako!" angal niya. Wala na akong nagawa hanggang nakarating kami sa backstage. I roamed my eyes, wala akong nakikitang Sie dito. Nanatili kaming nakatayong dalawa habang nakatitig sa mga nagliligpit ng mga gamit, "Mukhang wala siya dito," bulong niya.
"Hindi ba siya 'yong nagsabi na hindi daw siya fan pero naka-VIP?" pumantig ang tenga ko sa bulung-bulungan na 'yon.
"Oo, siya 'yan. Halata namang may gusto siya kay ma'am, tara na nga," sabi ni kuyang nakasuot ng bonet at headphone sa leeg. Kumunot ang noo ko. Pinag-uusapan ba nila ako? Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Hinawakan ko ang kamay niya saka hinila sa kung saan naglakad ang mga 'yon, "Tara na, hindi na 'yon pupunta pa dito at pag-aksayahan ka ng oras," sabi ko.
Hinila niya pabalik ang kamay niya, "Pero, kuya! Sabi niya dito tayo maghintay sa backstage," tugon niya. She pouted her lips. I sighed heavily and nod my head.
"Okay, fine," I crossed my arms together. Napaupo si Gab sa kakahintay. Naglakad-lakad muna ako para hanapin ang babaeng 'yon, how dare she? Papaasahin niya lang ba ang kapatid ko dahil sabi ko hindi niya ako fan? Napailing ako at umismid. Tiningnan ko bawat kwartong nadadaanan ko. Nakita ko ang lalaking kinantahan siya, hindi ko nga matandaan ang pangalan.
"What?! What happened? Mom, nasaan siya ngayon?! No! Oh no, no!" sunod-sunod ko 'yong narinig. It's her voice. She started to cry. Natigilan ako sa labas ng kwartong 'yon, nakatitig lang ako sa pintuan niya, nakalagay ang pangalan niya sa pinto.
"PUPUNTA NA AKO NGAYON! YOU SHOULD'VE TOLD ME!" she yelled, "WALA AKONG PAKIALAM KUNG HINDI AKO NAKAPAG-PERFORM! Tell her na papunta na a-ako."
Malakas na bumukas ang pintuan. Nagtama ang paningin naming dalawa. Sandali siyang tumigil at tiningnan kung may kasama ko. I saw her tears rolling.
"She's waiting for you," I said.
She wiped her tears and look down, "I'm sorry. I have an e-emergency. I-I have to go!" she replied. Nanginginig ang boses niya. Aalis na sana siya ng bigla ulit siyang tumingin sa 'kin, "I'm really sorry," she said. Agad siyang umalis at rinig na rinig ko ang hagulgol niya.
Bumuntong-hininga ako at hinakbang ang mga paa ko paalis sa harapan ng room niya. Pagbalik ko ay nakita ko si Gab na tumitingin sa likuran ko na tila ay hinahanap ang presensya niya.
She pouted her lips, "Nakita mo siya, kuya?" agad niyang tanong. Inakbayan ko siya sa balikat at hinila paalis.
"Madami kanang picture diyan, Gab. Hindi mo na kailangan ng autograph," sabi ko at hinalikan siya sa ulo.
I yawned.
BINABASA MO ANG
DS #5: Sienna x Kane
RomanceSienna is a sassy girl. A daughter of a CEO and Engineer. She loves singing and never been in her dream to become one of her parents. All of her performance are dedicated to the person who always sick- Phoebe, she is her sister and number 1 fan. He...
