SIMULA

4 0 0
                                    

Simula

Sabado, Hila-hila ko ang maletang dala. I took a deep breath and look around. Hinihintay ko ang mga sundo ko pero five minutes na silang late and I'm starting to get worried and annoyed. Hindi sila nag rereply sa mga message ko.

I quickly checked my phone when it vibrated. Napabuntong hininga ako nang hindi parin iyon ang reply na inaabangan ko. Group chat iyon ng buong section namin noong highschool. Nagtatanong si pres kong may magpapa t-shirt pa. Ako lang naman ang hindi pa nakapag confirm na a-attend.

Mabilis na nagtipa ako ng reply at tinanong kung magkano ang bayarin.

Napakunot-noo ako nang makita na nag seen sina Allison sa message.

Online naman pala pero hindi ako nirereplyan?

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang magreply si pres na 1,500 daw ang T-shirt. Tangina. Bakit ang mahal ng presyo ng t-shirt? May gold ba yan?

Mabilis akong nagreklamo. Parang hindi makatarungan eh.

Ipinaliwanag naman ni pres ang iba pang kasamang mga bayarin sa 1,500. Hindi lang pala iyon t-shirt, kaya pinagtawanan ako ng dati pa naming mga kaklase.

Anton being the bida bida that he is, was the first to make fun of me. Sinundan ni Mark at ng iba pa.

I stamped my feet in frustration.

Bakit ba ko umuwi? Siguradong pauulanan lang ako ng tukso sa reunion.

"Joy!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may yumakap sa likuran ko. Lumingon ako at ang nakangiting si Allison ang bumungad sa akin.

Nasa likod nya sila Ava, Maggie, at katarina na inambahan rin ako ng yakap. Tumitili sila at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi dahil sa lakas ng boses kaya gumanti nalang ako ng yakap habang nagrereklamo.

"Hindi ako makahinga ano ba!"

"Sus! Napaka arte!" si Allison nang bumitaw na kami sa yakap.

"Na miss kita kaligayahan!" niyugyog naman ni Rina ang braso ko.

"Anong meron sa hangin ng korea? Bakit ang ganda mo?" si Ava.

"Dati na akong maganda." I flipped my hair.

Humalakhak lang si Maggie nang mangasim ang mukha ng tatlo dahil sa sinabi ko. Maya-maya ay nawala ang ngiti ko nang may maalala. Mahina kong hinila ang buhok ni Allison.

"At bakit niyo nga pala ako pinaghintay?!"

"Aray naman Joy!" madramang sigaw niya.

Ang OA, mahina lang naman ang pagkakahila ko.

"At bakit din hindi kayo nagrereply sa messages ko!"

"Oh ngayon alam mo na ang feeling ng ma seen?" saad ni Ava.

Aba't!

Inabot ko ang braso n'ya para kurutin pero tumawa lang sila.

"Ang ganda ng buhok mo Joy, Ang sarap sabunutan!"

Tinampal ko ng mahina ang kamay ni Maggie na humahaplos sa dulo ng buhok ko. Humagikhik sya at kung ano-ano nanamang panunukso ang sinabi.

"Na miss talaga kita Ligaya!" muli akong niyakap ng mahigpit ni Rina. Tumawa ako at gumanti ulit ng yakap.

Sandali pa kaming nag usap. Nang maalala ay mabilis na nagsabi si Allison na mag-picture daw kami.
Agad kaming umayos nang magtawag sya ng kung sino para makiusap na kuhanan kami ng litrato.

A Letter For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon