Sir Lorenzo said that I have fifteen days to spend in this world called the parallel world, he also said that I should atleast forget all my problems and enjoy my stay here. I couldn’t really, but I’m doing so. So of all that happened, this is be a vacation?
Knowing that this reality is just a pigment of what I don’t have on my original one stings me, and to encounter a man like Sir Lorenzo is the most remarkable and fantastical thing that I experienced. Dito’y mas lumalim ang pag-iisip ko patungkol sa iba’t ibang mga bagay nang dahil sa kapangyarihan niya.
“Everything about you was altered here, Gael. Unlike what you have in the original world, you have more on your financial needs. Iginagalang ka ng lahat dahil ang Papa mo ang principal, and ikaw rin ang pinakamagaling sa lahat ng mga students dito.” Panimula ni Sir Lorenzo nang muli ko kaming natagpuan sa loob ng classroom.
Hapon na nang makabalik kami dito sa school mula sa mga ipinakita sa ’kin ni Sir Lorenzo, it was right after the chime bell rang. Marami nang mga estudyante sa classroom ngayon at nagsisi-labas na sila, ’di naman napansin ng mga kaklase ko ang biglaan naming paglitaw ni Sir Lorenzo sa loob ng room. Nang makalabas na ng classroom ay saglit pang nagsalita si Sir Lorenzo.
“’Wag ma munang umalis, Gael. I’ll tell you a few more details before going home and freely enjoying your stay in this world.” Bulong niya sa ’kin, napangiti naman ako sa kan’ya at simpleng tango na lang ang itinugon ko sa kan’ya.
Naiwan nga kaming dalawa ni Sir Lorenzo sa loob ng classroom matapos makalabas ang mga kaklase ko. Nauna na rin si Armin sa pag-uwi, umuwi na rin ang ngayo’y bati nang sila Austin at Klarense. Tropa-tropa na ulit sila, malamang ay naayos na kanina sa office ni Papa ang alitan nilang dalawa.
Habang iniisip ko ang mga ’yon ay narinig kong nagsalita si Sir Lorenzo kaya saglit akong napatigil sa mga iniisip ko, nakinig ako sa kan’ya. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan dito sa classroom habang si Sir Lorenzo naman ay na sa harap ko. Nagmimistula ba akong isang estudyanteng may remedial class habang nagsasalita siya.
“Your bestfriend, Armin. He’s an introvert here unlike on the other side, hindi alam ng lahat ang kasarian niya dahil itinatago niya ito sa marami.” Yes, I knew that already. Alam ko na ang mga katangian ng best friend ko rito sa parallel world. At alam ko na rin kung anong buhay ang mayro’n siya rito.
“Hindi rin understanding ang parents niya when it comes to his sexuality, kaya gano’n na lang siya ka-takot na malaman ng marami ang tunay niyang pagkatao. Sa oras na malaman nila, tiyak ding malalaman ng mga magulang niya. At kapag nalaman ng mga magulang niya, patay siya.” Sir Lorenzo explained in a least serious manner, I understood what he meant by it.
I guess Armin does have some issues regarding to his identity.
Maybe it’s time to fix some wrongs.
“The Austin you knew is totally—as in totally different in this world, he’s smart, yeah pero basagulero siya. Suki ng guidance at principal’s office kasi madalas siyang napapa-away sa kahit-kanino. It’s up to you if you want to befriend him.” Saad pa ni Sir. That’s not a shock, kasi no’ng una ko pa lang siyang makita rito’y alam ko na kaagad na may nagbago.
“Pressy is now a loner, siya na ngayon ang mahirap at ang kumakayod na scholarng St. Anthony’s. She’s the salutatorian, parang ikaw lang dati. Wala ring kaibigan si Pressy dahil ang akala nila ay feeling superior siya, alam mo naman na siguro na titigil siya sa pag-aaral next year because of financial needs.” Nang sabihin ni Sir Lorenzo ’yon ay bigla akong napaisip.
“So if she has my life here, eh ’di ako ang nandaya—” hindi ako muling nakapagsalita nang kaagad tumugon si Sir Lorenzo.
“You’re not, silly. There are some alterations but the world’s completely revolving on the same dynamics as the original one. Since dinaya ka sa tunay na mundo, sa parallel world ay ikaw talaga ang nagwagi—a d it was on a fair and clean manner, unlike on the other side.” Ngiti ni Sir, tumango naman ako dahil naintindihan ko naman siya kaagad.
YOU ARE READING
15 Days In My Parallel
Teen FictionREVISING Revised version is until Chapter 13. How deeply do you believe in the existence of a world that stands in complete contrast to your own? And for how long can one endure the yearning for an end to the pain and sorrow, and instead seek the em...
