Monster ♂ Chapter 36

Saturn's POV

Hinalikan ko siya kahit na alam kong mali. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit na mali. Puro ‘mali’ ang lahat ng ito pero masasabi pa rin bang mali kung hindi ko kakayanin na wala siya? Mali ba kung sabihin ko na kapag nawala siya sakin hindi ko na alam kung paano ako uusad?

Nakababad pa rin kami sa ulan at pareho kaming nakatayo habang nakaharap sa isa’t-isa.

Tumagal pa kami ng ilang minuto hanggang sa bumahing na siya. Napansin ko ding nilalamig na siya. Binuhat ko siya dahil mataas ang takong ng suot niyang sapatos kaya mahihirapan siyang maglakad at masyado na siyang pagod para maglakad pa. May malapit namang hotel dito. Doon na lang kami magpapalipas ng gabi. Hindi na naman siguro uulan ng ganito kalakas bukas.

Nang makarating na kami doon ay agad akong nagcheck-in. Sa banyo sa loob ng kwarto ko siya ibinaba para diretso na siya sa pagligo. Nakatingin lamang siya sa akin. Sobrang namumukto ang kanyang mga mata. Ilang minuto din kaming nagtitigan, pawang may malalim na iniisip. Hindi naman kami magkamukha ni Chloe, eh.

Umiwas siya ng tingin. “U-Umm, m-maliligo lang ako.” bulong niya.

“A-Ah! S-Sige.”

Lumabas na ako ng banyo para makaligo na siya. Buti na lang ay may ukay-ukay sa labas kaya nakabili pa ako ng pamalit na damit. Inihanda ko na lang iyon sa may kama para sa kanya. Umupo na lang ako sa may couch para manood ng TV nang nakapagpalit na ako ng damit. May bagyo pala kaya sobrang lakas ng ulan.

Maya-maya ay lumabas na siya ng banyo habang nakatapis lang ng tuwalya na hanggang sa itaas ng tuhod niya. Napalunok ako at iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil uminit bigla ang pakiramdam ko. Sh_t, this is not good. I need to control myself.

Kita ko sa gilid ng aking mga mata na kinuha na niya ang mga damit na nakapatong sa kama. Pumasok ulit siya sa loob para magbihis at nang matapos na siya ay dumiretso siya sa aking tabi. Ang awkward.

"Magkamukha ba tayo, Chloe?" pagbasag ko sa katahimikan.

Bigla siyang nataranta. “H-Huh? H-Hindi nga, eh.”

Napansin kong namumuo na naman ang luha samga mata niya kaya naman niyakap ko na lang siya.

"Masakit." sabi ko sa kanya at narinig kong humikbi sya. "Sobrang sakit."

“Alam ko, Saturn. A-At kahit anong gawin natin. H-Hindi talaga pwede. Itigil na natin ‘to.”

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ayoko siyang pakawalan. Kahit pa magkapatid pa kami, mahal ko siya. Mahirap bang intindihin ‘yun?! Ano kung magkapatid kami?! Wala akong pakealam!

"No. Magiging kagaya pa rin tayo ng dati.” I cried.

Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na pwede pa, na wala lang lahat ng 'to, pero unti-unti na ding lumilinaw ang lahat dahilan kung bakit unti-unti ding nahahati ang puso ko.

“Saturn, makinig ka naman, please. Hindi pwede. Hinding-hindi. Mas lalo lang tayong masasaktan. Hindi lang tayo kundi ang pamilya natin.”

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Kahit punong-puno ang luha ang kanyang mga mata ay tiningnan niya ako sa aking mga mata. Pareho kaming umiiyak pero nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak. Gusto ko nang matapos ang lahat ng drama na ‘to pero ayokong matapos ang meron sa aming dalawa ni Chloe.

"Let's stop this.”

“Ayoko. Chloe, mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat ‘yun para ‘wag mo akong iwan?!”

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!