Chapter Twenty - Movie Marathon

Magsimula sa umpisa
                                    

"Well Mama, gusto kong pahirapan muna siya no."

"Grabe ka naman, ngayon ka lang nagpaligaw ng ganyan katagal ah, iba na talaga yan. Basta huwag ka lang papabuntis!"

"Mama naman, of course no." tugon ko ng natatawa.

"Mamaya tumuloy ka na lang muna sa date mo at ako bibisita doon sa Lolo mo."

"Kamusta na po ba siya Mama?" tanong ko dahil these past few days nga, kahit sembreak ay hindi ko nabibisita si Lolo na matagal na ding naka- confine sa hospital dahil dumadalas ang pagatake nito sa puso. Sana nga lang ay gumaling na si Lolo.

"Ayon, ganoon pa din. Laging nagkwe- kwento tungkol sa Lola mo, alam mo na." Ganoon naman talaga si Lolo na walang ibang bukambibig kundi si Lola at ang kabataan nila. Napangiti ako sa naisip ko, ako kaya pag tumanda ako? Kaninong pangalan ang magiging bukambibig ko?

"Dadaan naman ako doon mamaya, isasama ko si Gene kung okay-"

"Anak okay lang yun no. Huwag kang magalala, basta wala ang Dad mo, alam mo naman yun."

"Opo." Pagkatpos ng ilang minuto ay nagpaalam na ako kay Mama para pumunta sa meeting place namin ni Gene and to my suprised kahit maaga ako ng five minutes ay nandoon na siya, nakaupo sa isa sa mga benches. Kumaway sya sa akin hanggang sa makalapit na ako sa kanya.

"Sana hinintay mo na lang ako na makatawid."

"Okay lang, ano ka ba? Kaya ko namang tumawid at hindi naman kalayuan."

"So ano, game?"

"Well, sabi mo magiging memorable ang araw na ito para sa atin di ba?"

"May isang pabor lang akong hihingin sana." aniya.

"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" 

"Uhm, okay lang." nawi- wirduhan kong sagot. Ano naman kaya ang pakulo ng lalakeng to? 

"And our adventure will start here." madrama niyang sinabi.

Rainier Lacosta

Pagkatapos na pagkatapos ng unang movie na pinanood namin ay nagkaroo ng short break, nag toilet ang ilan at kumuha naman ng makakain ang iba. Ang katulad naman ni Mia ay nakikitismis. "So kayo na ba talaga ha Kyle?"

"Pwede ba Mia huwag mo ngang harasin ng ganyan si Kyle." saway ko kay Mia na daig pa ang ilan sa mga showbiz talk show. 

"Pwede ba Rainier, di naman ikaw ang tinatanong ko ah." sakto namang bumalik na ang ilan sa kanya kanyang inuupuan at hinihintay na lamang ang pagsagot ni Kyle. 

"Okay, nakakapagod na itong pagtatago namin kung halata naman di ba?" simula ni Kyle, magsasalita na sana ako nang pinigilan ako ni Kyle at sumenyas na siya na ang bahala. "Kami na ni Rain for I think mahigit isang buwan na." Nakita ko kung paano nagulat ang lahat.

"Sorry sa reaction Kyle and Rain ah, kahit kasi halata kayo ay iba pa din pag inaamin niyo, you know?" sabat naman ni Candy na ka-holding hands si Mart.

"It's fine." Kyle said calmly at muli siyang nagsalita. "Alam namin na ikapapahamak namin pareho pag nalaman ng school, alam niyo naman na conservative ang school di ba? Di rin pwede malaman ng mga parents namin so sana atin atin na lang. It's just that I wanted to protect Rain, and for the information for all of you, mahal ko na si Rain." Lalakeng lalake magsalita si Kyle, akala mo babae ang pinagtatanggol, ako lang pala. Sobrang na touch ako sa ginawa niya, siya ang unang lalakeng nagpahalaga sa akin, di ko inaakala na may magmamahal sa akin ng ganito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Campus StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon