HINDI alam ni Cindy kung ano ang susunod na gagawin. Gusto na niya na matapos ang lahat, hindi na niya alam ang gagawin sa buhay niya. Pwede bang maawa ang Diyos ngayon sa kanya at kunin na siya? Wala na siyang lakas ng loob humarap sa buhay at lumaban. Wala nang kwenta ang buhay niya. Sino ba pa ang magmamahal sa kanya ngayon? Sa isang drug addict na mula sa broken family.
Hindi mapigilan ni Cindy na humagulgol tuwing naalala ang mga oras na kasama niya si Stepthen. Akala niya ay pagmamahal ang ipinakita ng lalaki un pala ay di ito seryoso sa kanya. Ginamit lang pala siya nito sa sariling interes, napakasama niya. At ngayon ay para na siyang isang laruan na napagsawaan na itinapon na lang. Everything that happened between them was pure lust nothing else. Kaya pakiramdam ni Cindy ay marumi siyang babae.
Bago niya makilala si Stephen ay nangarap siya na may makikilalang lalaki na magmamahal sa kanya at tatanggapin siya maging sinuman siya at katayuan niya sa buhay. Nangarap siya ng isang responsableng asawa at mga anak; at siya bilang isang maybahay. Kumpleto at masaya.
Ngunit nabura at gumuho ang lahat ng iyon nang makilala niya Stepthen. Tinuruan siya nito na gumamit ng drugs. Dahil sa lalaki, inisip ni Cindy na ang boring pala ng buhay niya. Walang kabuluhan ang pangarap niya. Her dreams were too perfect. Masyadong perpekto para hayaan ng mundo na mangyari. Inisip niya na life was an adventure.
Kailangang ma-experience niya ang lahat para mas marami siyang alam compare sa iba. Pero ang laki ng pagkakamali niya. Ang pagsunod niya kay Stephen ang lalong nagpalugmok sa kaniyang buhay na matagal nang sira.Nanliliit si Cindy. Hindi niya sukat akalain na hinayaan niya si Stepthen na gawin sa kanya ang mga bagay na iyon.
Pumayag siya na uminom ng kung anu-anong gamot para lang maging pleasurable ang pagtatalik nila. At lahat iyon ay para kay Stephen dahil para siyang sex slave nito.At sa nangyari, may lalaki pa bang tatanggap sa kanya? May lalaki pa kaya na gagalang sa kanya?
Walang matinong lalaki ang magmamahal sa katulad niya. Wala. Wala na siyang magagawa para maibalik ang lahat. Wala na siyang matatakbuhan. Bakit ba walang gustong magmahal sa kanya? Ano ba ang kasalanan niya kung bakit ganito nangyayari sa buhay niya?Nakita niya ang isang baso na nasa bedside table. Kinuha niya iyon at inihagis. Nabasag ang baso. Kumuha siya ng isang bubog mula roon. Alam niyang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan niya. Kailangan lang na matapos ang buhay niya. Wala naman mawawala kung mamamatay siya.
Walang manghihinayang sa pagkawala niya. Akma na niyang hihiwain ang pulso nang biglang bumukas ang pinto." Cindy! " sigaw ng isang boses.
Hindi niya alam kung sino iyon. Hindi na niya maaninag ang tao dahil sa hindi matapos na luha ng kanyang mga mata. Hinablot ng taong iyon ang kanyang kamay kaya nabitawan niya ang bubog na hawak." Ano'ng ginagawa mo?! " sigaw nito, hinawakan ang magkabila niyang balikat nang mahigpit.
Unti-unti niyang nakilala ang tao. Si Lester. Niyakap siya nito at hinaplos ang ulo niya.
Natakot siya bigla. Pinilit niyang kumawala sa yakap ni Lester. Hindi na niya hahayaan na may isa pang lalaki ang pumasok sa buhay niya." Huwag mo akong hahawakan, " galit na utos niya.
Itinaas ni Lester ang magkabilang kamay na animo sumusuko. " Sorry, Cindy, " hinging paumanhin nito.Nawawala na sa sarili si Cindy. Hindi na siya nakakapag-isip nang matino. Umiikot lang sa kanyang isip ang lahat na nangyari sa buhay niya----ang pag-iwan sa kanya ng mama niya, ang pagkakaroon nito ng sariling pamilya, at paglimot sa kanya; ang pakiramdam niya na pabigat siya sa bawat bahay na tinutuluyan; ang pagkaiinggit niya sa mga kaklase na merong ama; at ang pagkakakilala nila ni Stephen, ang panggagamit sa kanya, at ang pagkapahiya niya sa ginawa nito.
At ang mundo na siya lang mag-isa, walang iba....
Bigla na lang siyang sumigaw at umiyak.
Napasalampak siya sa sahig kaya sinundan siya roon ni Lester." CINDY... "
Hindi na pinigilan ni Lester ang sarili na yakapin uli si Cindy. At sa bawat pag-iyak ng dalaga ay naririnig niya ang hinagpis nito. Ilang sandali pa ay nanlupaypay ito at umiyak nang umiyak.
" Sshh... Umiyak ka lng, " pang-aalo ni Lester, hinaplos ang ulo ni Cindy.
" Bakit? Bakit? Bakit? " humahagulhol na tanong nito.
Kumapit ang dalaga sa kanyang T-shirt. Later on, she was pounding her fist against his chest. Hinayaan lang ito ni Lester. Nadudurog ang kanyang puso sa nakikita rito.Ano ba ang pinagdadaanan ni Cindy? Bakit ganito ang pagdurusa nito?
" Bakit sila gano'n? Bakit ganito? Ano ba'ng nagawa ko? " Humagulhol uli ito.
" Ano bang meron sa dalaga? Dahil sa nasaksihan ni Lester ngayon, mas nagkaroon siya ng compassion para dito. Kailangang may gawin siya at matulungan ito.
" Everything will be okay, Cindy. "
bulong niya.
" I'm here no one can hurt you. "

BINABASA MO ANG
You Changed Me
RomanceDapat bang ibigin ni Cindy si Lester Cervantes? dahil ang isang tulad niya ay walang direksiyon sa buhay at hindi nababagay sa tulad ng binata na gwapo at higit sa lahat galing sa mayamang angkan.Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig kahit mah...