"SANDALI ITIGIL ANG KASAL!"  Isang malakas na sigaw ang umugong sa kasalan.  Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng tinig.

"Wife, anong problema bakit mo pinapatigil ang kasal?"  Tanong ni Francis.

"Ang sakit ng tiyan ko."  Daing ni Queenie habang sapu-sapo ang malaking tiyan.  "Manganganak na yata ako!" 

Nataranta naman kaagad si Francis.  "Oh my God!  Lalabas na ba Wife?"

"Francis, dalhin mo na si Queenie sa ospital."  Bulalas ng bride na si Sofie.

"Oo nga pare."  At ng groom na si Wilson. 

Nong mga panahong lugmok si Sofie dahil sa pagkabigo sa pag-big ay siya namang dating ni Wilson.  Sila'y naging maka-klase noon sa Amerika. 

Si Sofie ay isang babaeng nagmahal, nasaktan, nag-move on, ikinasal at naging masaya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Francis at mabilis na isinugod ang asawa sa ospital.


Samantala ay katatapos lang din ng kasal nina Arriane at Jojo. 

Makalipas ang tatlong taon ay pumayag din si Alice na maikasal ang kapatid.  Naunawan na rin niyang nagmamahalan ang dalawa at alam magiging mabuti silang magulang sa kanilang anak.

Nasa reception sila nang makatanggap si George ng phone call mula kay Trisha.

"Akin na, kargahin mo muna si Baby."  Kinuha ni Alice mula kay George ang dalawang taong gulang nilang anak na si Calum.  "Kay Mommy ka muna Baby, may kakausapin lang si Daddy mo."

"Oh anak kumusta..."  Pagsagot ni Geroge sa tawag.  "Talaga?"

[Opo Dad, were now at the hospital.  Sana lumabas ng ligtas 'yong kapatid ko, at sana maging okay lang din si Mommy.]

"Don't worry, I'm sure your mom will be alright.  Nasaang ospital ba kayo, pupunta kami diyan after dito."

"Nanganak na si Queenie?"  Usisa ni Alice kay George matapos ang phone call nito.  "Pangatlong anak na nila 'yon ng tama?"

"Yeah, kambal kasi 'yong una.  So pangatlo na nga 'yong lalabas ngayon."

"Bilib din ako diyan kay Queenie, matanda na pala-anakin pa."  Humarap si Alice kay George.  "Hon gusto ko rin ng anak na kambal."

Ngumisi ng malapad si George.  "Eh di gumawa tayo." 


Pinalad na madaig ni Queenie ang kamatayan noong siya ay mabaril.  Nang tuluyang gumaling ay agad silang nagpakasal ni Francis. 

Nagbuntis agad ng kambal si Queenie at nang lumabas ay pinangalanan nila itong Francine at Quincy na sunod sa pangalan nilang mag-asawa.

Habang ang kalalabas lang na sanggol  ay pinangalanan nilang Armandy na sunod sa pangalan ng ama ni Francis na si Armando.


Sa bahay ng mag-asawa ginanap ang party para sa first birthday ng kanilang bunso.  Dumalo ang lahat ng mga malalapit nilang kamag-anak at kaibigan.

"Pa mabigat po ba si Francine?  Ako naman po."  Gustong kunin ni Queenie ang anak sa Lolo nito.

"No iha, okay lang gusto ko pa kargahin ang apo ko."

"Kayo po Ma, okay lang po kayo?"  Karga naman kasi ni Sandra si Quincy.

"Okay lang din iha.  Sige na i-greet mo na 'yong ibang bisita."  Sabi ni Sandra.



Nilapitan ni Queenie ang mag-asawang Roland at Andrea.

"Buti naman at nakapunta ka, akala ko iindiyanin mo birthday party ng anak ko."  Nakataas ang kilay na sambit ni Queenie kay Andrea.

"Nandito lang ako sa Manila para sa party ng baby mo, pero babalik din akong Camuigin."

Nagkunoot ang noo ni Queenie.  "Hay naku Andrea, hindi ka pa rin nagbabago.  Tuwing magkakalabuan ba kayong mag-asawa ay lalayas ka at pupuntang Camiguin?  Tapos ano, hinhintayin mong sunudin ka ni Roland?  Pano kung dumating ang araw na magsawa na siya nang pagsundo sa'yo anong gagawin mo?"  Halatang natigilan si Andrea sa narinig.  "Kung may problema pag-usapan niyo, hindi 'yong lalayas ka.  Hindi ka man lang ba natatakot na baka mapagod na si Roland sa'yo?"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan Queenie?"  Si Andrea.

"Hindi mo kaya 'no?  Kaya please lang, huwag ka nang maglalayas, lumalaki na ang anak mo kaya magpakatino ka."  Binalingan ni Queenie si Roland.  "At ikaw Roland, wala lang.  Alam kong mabait ka, sana huwag mong pagsawaan si Andrea ah.  Kawawa naman eh."

"And you!"  Si Brent naman ang itinuro ni Queenie.  "Kailan mo balak mag-asawa?  Pakasalan mo na si Pauline at nang magkalahi ka na."

"Huli ka na sa balita."  Tugon ni Brent.  "Hindi ko na girlfriend si Pau, fiancee ko na siya.  We're getting married next year."

"Talaga?!  Ang daya mo bakit ngayon ko lang nalaman.  Anyway, basta invited kami sa kasal ah."

Maya-maya'y dumating ang isang package na si Queenie mismo ang nag-receive.  Dinala niya iyon sa loob at nakisama kina Elsa at Julius.

"Uy, galing kay Sofie."  Ani Queenie nang mabasa kung kanino galing ang padalang regalo para kay Armandy.

"Ang hilig mag-travel ni Sofie at ng asawa niya 'no?  I heared the'yre in Bangkok."  Tanong ni Elsa.

"Hon ikaw na nga dito sa anak mo nag-wawala na."  Daing bigla ni Julius sapagkat panay ang tantrum ng two year old baby nilang si Jacob.

"What's wrong honey sama 'yan kay Mommy."  Sabi ni Elsa.  "Queenie apat na babae na 'yang anak mo.  Gawa pa kayo ng isa para may girl's basketball team ka na."

"Ano?  Ayoko na 'no.  Ang hirap kayang manganak kaya tama na 'yon."  Kinuha ni Queenie si baby Armandy mula kay Aling Celia.  Kinuha nila ulit itong kasambahay.

"Oo nga naman, tama na."  Sabi ni Francis tapos ay umakbay sa asawa.  "Tama na ang girl, boy naman."

"What!  Gusto mo pa talaga ng isa.  Ano ka siniswerte!"

"But I want a boy.  Naiinggit ako dito kay Julius kasi lalaki ang anak niya.  Sige na."  Niyapos bigla ni Francis si Queenie.

"Goodluck friend."  Ani Elsa at saka nila iniwan ni Julius ang mag-asawa.

"Francis bumitaw ka nga ang bigat eh.  Karga ko na nga 'tong anak mo.  Tapos nakayapos ka pa sa'kin diyan."

"Payag ka di ba?  Isa pa?"

"Seryoso ka?"

"Oo naman.  Promise isa na lang."

Nag-isip muna si Queenie.  "Sige na nga.  Tutal hindi pa 'ko Manang di ba?"

"Oo naman, hindi ka Manang.  I love you my wife.
"I love you too, my hubby."

~ THE END ~

A/N

Hello WINNERS!

Matapos ang ilang ulit na pag-eedit at revise, sa wakas natapos ko rin ang story na ito.  Muli ay maraming salamat sa inyong lahat na tumangkilik ng storyang ito na kauna-unahan kong naisulat ko rito sa Wattpad.

Sorry pero wala po itong book 2.  Kung gusto niyo pang magbasa, try niyo po ang iba ko pang story.

Thank you ulit WINNERS!  Mahal ko kayo.

Winry

Edited: Jun 19, 2018

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!