Nagulat ng husto si Sofie nang mapanood ang balita sa TV tungkol sa pagkabaril ni Queenie na ngayo'y nag-aagaw buhay.  Kinabukasan ay nagtungo siya sa ospital kung saan siya naka-confine. 

Pagbaba ni Sofie ng kotse ay nakita niya si Alice na kababa lang din ng kotse kasama nito sina Geroge at Trisha.

"Sige na hon, mauna na kayo, susunod na lang ako."  Sambit ni Alice, pagkatapos naiwan na silang dalawa ni Sofie sa parking lot.  "Long time no see."  Bungad nito.  "Don't tell me nandito ka para dalawin si Queenie?"

"Yeah, I'm here para alamin ang kalagayan niya."

"Or gusto mo lang malaman kung patay na siya o buhay pa."  Nakataas ng husto ang kilay ni Alice habang sinasabi 'yon.  Maya-maya ay dumating sina Elsa at Julius na sakay ng kotse.

"What?"  Imbiyernang sabi naman ni Sofie.

"Kung hindi ko pa alam, kagagawan mo kung bakit siya nabaril."  Saad pa ni Alice.

Kaagad ay pinagtinginan ng masama nina Julius at Elsa si Sofie sapagkat narinig nila ang sinabi ni Alice.

"Wala akong ginagawang masama kaya huwag niyo akong tingnan ng ganyan."  Sita ni Sofie sa tatlo. 

"Siguraduhin mong wala kang kinalaman sa nangyari kay Queenie dahil hindi kita patatawarin 'pag nagkataon."  Napapaiyak nang sabi ni Elsa.  Kitang-kita ang pag-aalala niya sa kaibigan. 

Nagkasabay-sabay na silang lahat sa pagpasok ng ospital ngunit ni isa sa napakadaming bisita ni Queenie ay walang nakapasok sa kuwarto nito.

"May namimigay ba ng bigas dito?  Bakit ang daming tao?"

"Dadalawin sana namin dito 'yong nabaril na babae na binalita sa TV kagabi."

"Si Queenie?"

"Oo."

"Siya din ang dadalawin namin.  Classmate niya kami nong high school."

"Kami naman, classmate niya nong college.  Nong nabalitaan namin 'yong nangyari nagpunta agad kami dito.  Ang sama ng may gawa nito, sana mahuli na 'yon at mabitay!  Ang daming taong masama bakit si Queenie pa 'yong ginanito.  Ang bait-bait nong tao."

"Oo nga eh, naiiyak na naman tuloy ako."

"Huwag kang maiyak, kaya 'to ni Queenie makaka-survive siya I'm sure."

Nasa malapit lang si Sofie kung kaya't naririnig niya ang usapan ng mga dating classmate ni Queenie.

Napailing si Sofie dala ng pagkadismaya, dahil nong siya 'yong laging na-oospital ay wala sa mga dating classmate niya ang nag-abalang dumalaw.

"Hi Faye."  Bati ni Sofie nang mapadaan si Faye.

"Hello po."  Tugon ni Faye at naupo sila ni Lyndon sa malapit na upuan.

"Papunta na daw sina Krystel dito.  Nag-aalala din sila sa kalagayan ni Ate."  Saad ni Lyndon.

Nang mapalinga si Sofie ay namataan naman niya sina Sara at mga staff ng kompanya nina Francis.

"Nandito din sila."  Bulong na lang niya sa sarili.

"Ang daming bisita ni Ate Queenie, iba talaga kapag mabait kang tao.  Maraming nagmamahal at mag-aalala sa'yo.  Sana gumaling na siya."  Sambit ni Faye. 

Dahan-dahang tumayo si Sofie at lumakad palabas ng ospital.


***

Nakahinga ng maluwag ang lahat ng ihayag ng doktor na stable na ang lagay ni Queenie.  Bagaman wala pa rin itong malay ay tiyak namang wala na siya sa peligro.  Ang hihintayin na lang ang kanyang pagising.

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!