42 "Split personality?"

42K 749 26
                                          

42

"Split personality?"

Monday morning na. Nagising ako na may kumot na ako. Siguro kinumutan nya ako. Sinilip ko sya. Natutulog pa din.

Hindi na ako nakapasok. Iintayin ko na lang sina tita na makauwi.

"Masakit pa kaya ang tyan nya?" bulong ko sa sarili ko.

Lalabas na sana ako ng kwarto para magprepare ng breakfast ng bigla nya akong hinigit. Napahiga naman ako sa tabihan nya.

"Tonsi!" nahihiya kong sabi.

"Dito ka lang sa tabi ko." Sabi nya habang nakapikit pa din.

"Ayoko nga. Sira ka ba." Patayo na ako ng bigla nya akong niyakap.

"Dito ka lang. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkasakit eh." Nakapikit pa din sya. Pero nakangiti na at parang nang-aasar.

Tama naman sya eh. Kasalanan ko kaya hindi na din ako gumalaw.

"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" nakatingin ako sa kisame habang nagtatanong.

Iniharap naman nya ako sa kanya at tsaka nya ulit ako niyakap. Magkalapit kaming dalawa at halos magkadikit nya. Bumibilis yung tibok ng puso ko.

"Okay naman ako kapag nandyan ka eh." Seryoso nyang sabi sabay dilat at titig sa'kin.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Nahihiya ako kaya umiwas ako ng tingin.

"Sorry huh." Yun lang ang nasabi ko.

"Torrence, Torrence." Tinatawag nya lang yung pangalan ko at hinalkan nya ako sa noo.

"Bakit?" hindi ako makatingin kaya yumuko na lang ako.

"Wala naman. Gusto ko lang tawagin yung pangalan mo. Ang panget naman kasi kung pangalan ko yung sasabihin ko di ba? Tonsi, Tonsi. Para akong baliw." Tapos tumawa sya. Agang-aga inaasar nya ako. Magaling na nga sya.

"Bitiwan mo na nga ako. Magaling ka na. Nang-aasar ka na eh." Tinulak ko sya para makabangon na ako.

Pero ang harot talaga. Hinigit pa ako at kiniliti. Pinaghahampas ko naman sya kasi ang kulit-kulit. Tumayo ako at tatakbo na sana. Pero tumayo din sya at hinabol ako. Binuhat pa ako.

"San ka pupunta? Dito ka lang!" sabay buhat sa'kin. Pero bigla kaming na-out of balance kaya sabay kaming bumagsak sa bed at nadaganan nya ako.

Biglang nawala yung tawanan namin. Naging seryoso yung mga mukha namin at nagkatitigan kami ng matagal. Parang tumigil yung oras.

"Torrence." Sabi nya ulit sa'kin habang titig na titig sya sa'kin.

Hahalikan na sana nya ako ng biglang may sumigaw.

"Oh my gosh! What's going on?" si tita Leticia biglang sumulpot sa kwarto.

Nagulat kami ni Tonsi kaya naitulak ko sya at mabilis naman syang tumayo.

Nakatakip ng mata si tita at biglang tumalikod.

"Tita, let me explain. Hindi po tulad yun ng iniisip nyo." Nauutal kong sabi. Hinigit ko si Tonsi para tulungan ako sa pag-eexplain.

"Mommy, wala yun. Binuhat ko kasi si Torrence, eh ang bigat. Kaya natumba kami." Nakangiti nyang sabi na parang natutuwa pa sya.

Humarap si tita sa'min at lumapit. "Parang close na close na agad kayo ah. Dati na ba kayong magkakilala?" nakangiting tanong ni tita.

Nagkatinginan kami ni Tonsi.

"Kamusta ang business trip mommy?" inakbayan nya si tita.

Lumabas naman ako ng kwarto para hanapin si papa. Naiwan silang nagku-kwentuhan sa loob. Si papa naman ipinapasok ang mga gamit nila.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon