Chapter 1

153K 3.9K 1.1K
                                    

= 1 =

SCARLET IN WONDERLAND

*** SCARLET'S POV ***

"If I had a world of my own, everything would be nonsense. Nothing would be what it is, because everything would be what it isn't. And contrary wise, what is, it wouldn't be. And what it wouldn't, it would."

Sinara ko na ang hawak kong libro nang maramdaman ko ang sikat ng araw. Papagalitan nanaman ako ni Tita kasi maaga nanaman akong umalis sa bahay at pumunta dito.

"Scarlet?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Lyka, bakit ka nandito? Lagot tayo kay Tita kapag nakita niya tayo dito!" sabi ko.

"Ikaw lang ang malalagot kasi pinatawag ka niya sa akin. Ihanda mo na daw yung almusal," sabi ni Lyka. Siya ang pinsan ko. At ang Mama niya ang nag-alaga sa akin as long as I remember.

Parents ko? Hindi ko din alam. Ang sabi ng Tita ko, bumangga daw ang kotse nila at namatay. Sabi naman ng Tito ko, iniwan daw ako sa kanila at di na binalikan. Sabi naman ng Lola ko, nandyan lang daw sila palagi at binabantayan ako.

"Nakikinig ka ba Scarlet? Lagot ka kay Mama!" Tumakbo na siya pabalik sa bahay. Ito ang paboritong lugar ko para magbasa. Beside the apple tree.

Pagtayo ko ay may biglang lumapit sa akin. Isang... white rabbit?

"Hi." Napangiti nalang ako kasi mukha akong tanga na kinakausap 'tong rabbit. Nagblink siya ng tatlong beses at tumalon din ng tatlong beses. Weird.

Nagbago yung kulay ng mata niya. Kanina red, ngayon ay blue. Double weird.

"Halika," sabi ko at akmang kukunin siya pero bigla siyang tumakbo. "Teka!"

Ewan ko kung bakit pero hinabol ko siya. Kawawa naman eh. Baka wala siyang amo. Baka wala siyang tirahan.

Tumitingin pa siya sa akin at parang nagpapahabol talaga. Napangiti nalang ako kasi ang cute niya. Sana payagan ako ni Tita na alagaan siya.

Bigla siyang lumiko at pumunta sa parang puno. Sa isang iglap ay nawala siya. Paglapit ko sa puno ay may... parang hole? Siguro nahulog siya?

"Rabbit?" tawag ko. Mukha akong tanga. Maiintindihan bako ng rabbit na 'to?

Lumuhod ako at sinilip yung butas. Ang dilim at parang ang lalim kasi hindi ko naaaninag yung dulo ng hole. Nakakatakot.

The next thing happened ay ang katangahan ko. Nadulas ako bigla at nahulog sa butas.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ako nang sigaw pero parang nag-eecho yung boses ko.

This hole seems endless.

Wala bang katapusan 'to? Forever na ba ako mahuhulog?

Napapikit nalang ako nang may makita akong liwanag. This is it. Heaven na yata. I felt the pain nang bumagsak ako sa parang matigas na surface. At nakarinig ako ng parang mga boses.

Binuksan ko na ang mga mata ko at puro mukha ang nakita ko. I mean, puro tao. Na mukhang kaedad ko lang.

Napatingin ako sa paligid. Parang nasa malaking room ako. Parang hall or something. Basta malawak siya. May nakaukit sa ceiling na sun, clouds, snow flakes, leaves, birds at moon. Ang weird. Tapos maroon ang floor at may gold lining yung walls.

"And who are you?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa harapan. Lahat ng nasa paligid ay lumayo sa akin.

Tumayo ako at pinagpag yung dress ko. "S-Scarlet Cress po. Nasaan po ako?"

"Pumunta ka dito pero hindi mo alam kung ano at saan 'to?" tanong nung babae.

"O-Opo?" nagtataka kong sagot. "May hinabol po kasi akong--"

"I think she's a threat," singit nung isang lalaki. Blonde ang buhok at nakakaasar yung smirk.

"I agree. I think maganda kung dalhin muna siya sa dungeons at kapag mukhang harmless naman siya ay doon na siya pakawalan," dugtong ng isa pang lalaki na katabi nung blonde guy.

Wait, what? Dungeons? Nasaan ba ako? Bakit may dungeons dito?

Ayun. Dinala nga ako sa dungeons at kinulong. Ew. Ang dilim dito. Ang wet. Ang baho. Amoy patay na daga. At torches lang sa walls yung nagbibigay ilaw.

Tatlo yata o apat ang kulungan dito. Sa isa ay may parang matandang nakahiga. Sa isa naman ay may lalaking nakaupo sa sulok at parang may binubulong.

What the hell happened? Bakit ako nandito? Saan ako dinala ng butas na 'yon? Kasalanan 'to ng rabbit.

Kapag nahuli ko 'yon, hindi ko na siya aalagaan. Lulutuin ko talaga siya -_-

Lagot ako kay Tita. Dapat kasi dumiretso na ako sa bahay. No, dapat kasi hindi na ako gumising ng maaga at pumunta sa apple tree para magbasa. Dapat nagstay nalang ako sa kama ko. This is so wrong. Why am I here?

Ang dami pang lamok. Nakakaasar! Ang tanga ko kasi! Bakit ba kasi ang nadulas at nahulog?! Katangahan mo talaga Scarlet!

Umupo nalang ako sa sulok at pinikit ang mga mata ko. I can't stay here. I have to get out of here.

***

"Scarlet?" Napadilat ako sa tumawag sa akin. Nakatulog pala ako?

Tumayo ako bigla at lumapit sa babaeng nakatayo sa labas ng kulungan ko. Maganda siya. No, hindi siya maganda. I think wala pang naiimbentong word para madescribe yung itsura niya. Mas maganda pa sa maganda. Nakakarelax kapag nakatingin ako sa ngiti niya. Sino siya?

"I'm Thelessa," sabi niya.

"H-Hello po," sabi ko. Pati boses niya ay ang ganda.

"Paano ka nakarating dito?" tanong niya.

Nagdalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi. Baka kasi hindi sila maniwala sa akin.

"May hinabol po kasi akong rabbit. Tapos bigla siyang nawala. Tapos may nakita akong butas sa lupa. Kaya inisip ko na baka nahulog yung rabbit doon. Pagsilip ko sa butas, nadulas ako. Which is weird kasi hindi naman madulas. Nahulog ako sa butas for like 5 minutes hanggang sa bumagsak ako sa floor amidst the people that brought me here." Sa kabila ng kahabaan ng sinabi ko ay nakinig siya. Thank God.

"I see," sabi niya. "Well I want you to meet someone. Nasa Assembly Hall sila ngayon kung saan ka bumagsak."

Ah, Assembly Hall pala tawag sa binagsakan ko kanina.

"Sino naman po sila?" tanong ko.

"Queen Emerald and King Matt."

King? Queen? What the hell?! Nasaang lupalop ng bansa ba ako?

______________________________________________________________________________

I'm back!

-O

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon