LETTING YOU GO

92 11 2
                                    


Nag mamahal, nasasaktan, bumabangon.........pero kaya ko nga bang bumangon sa lahat ng sakit na aking naramdaman?

    "Aking sinta
     Ikaw na ang tahanan at mundo"

Ako ang babaeng kanyang sinisinta. Akala ko ako nga pero hindi pala. Ang mundo niyang akala ko ay ako ngunit iba pala.

     "Isa, dalawa tatlo
      Ako ay nabigo
      Sa pag-ibig kong ito
      Saya sa aking puso'y naglaho"

Funny right? Gaano ka kaya katanga sa pag-ibig? Malalaman mo lang yan kapag nagmamahal ka na.

    "Mahiwaga
     Pipiliin ka
     Sa araw araw
     Mahiwaga
     Ang nadarama
     Sayo'y malinaw"

Matatamis na mga salita na naging tila patalim na paulit-ulit sumasaksak sa aking puso dahil sa mga pangako niyang tila naglaho. Ang pangako niyang pipiliin niya ako ay nawala nalang ng parang bula.

    "I'll hold the door
     Please come in
     And just sit here for a while
     This is my way of telling you
     I need you in my life"
    
Dapat kapag nagmamahal ka ay handa ka ring masaktan. Kambal ang dalawang yun eh. Eto lang ang buy one, take one na ayaw ko.

I sighed.

Nakatungtong ako ngayon sa railings ng rooftop ng school build namin. Ang sarap ng hangin dito. Malamig. Para kang niyayakap pero ramdam mo yung lamig.

"Demi bumaba ka dyan!" narinig ko ang pagbubukas ng pintuan ng rooftop at ang mga yabag ni King papalapit sa akin.

"Demi please……"

Lumingon ako sa likod at natawa ng makita ang itsura niya.

"Bakit sa tingin mo ba magpapakamatay ako?" natatawa kong sinabi ngunit alam kong nahahalata niya ang pilit na tawa at mapait kong mga ngiti.

"Bumaba ka nalang. Magsisimula na yung show mo," mahinahon niyang sabi. Tinalikuran ko siya at muling tiningnan ang magandang tanawin sa aking harapan.

"Just give me one minute"

"I'll give you five minutes but promise me na hindi ka tatalon," tumango lang ako. Nagtagal pa siya ng ilang segundo na parang nag-aalangang iwanan ako ng mag-isa. Ngunit nang ako'y napabuntong hininga ay sumuko siya at unti unti kong narinig ang yabag ng kanyang paa papalayo sa akin.

"Be there. Everyone is waiting for you,"

Mapait akong ngumiti sa kalangitan.

Kulay puti at asul. Simple lang pero masarap sa matang tignan. Parang siya at ako.

"Love you Aj," nakangiti kong sinabi at sumandal sa kanyang balikat.

Natatawang hinaplos niya ang aking buhok.

"Naglalambing ka nanaman. Love you to  Demi ko."

He used to call me Demi ko. Dahil ako ay  sa kanya at siya ay sa akin pero hindi na ngayon. Iba na ngayon. Katulad ng mga kulay sa kalangitan ay unti unting naglaho ang kulay puti at iniwang nag-iisa ang kulay asul sa malawak na kalangitan.

They say that crying is the best way to relieve the pain.

"I'm done with that,"

Dagat na ang niluha ko nang dahil kanya, dahil sa mga pangakong di natupad, sa mga salitang lumabas sa bibig pero hindi nanggaling sa puso, at lahat nang ito ay dahil sa lalaking pinakamamahal ko.

"A--Aj ko," napakagat ako sa aking labi ng isa isang naglabasan ang mga luha mula sa aking mga mata na akala ko ay naubos na.

We're same year and same course. We're almost the same. Laging nagkakasundo sa mga bagay bagay. Normal na away bati lang but no serious fights.

I LOVE YOU - LETTING YOU GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon