Monster ♂ Chapter 35

Chloe's POV

Ngayon na ang araw para makilala ko ang tunay kong mga magulang. Ang araw na pinakaayaw kong harapin at mangyari, hindi dahil sa ayaw kong makilala ang tunay kong mga magulang pero dahil sa takot na malaman na ni Saturn at makita siyang nasasaktan.

Maraming tao ang dadalo sa Welcome Party. Hindi lang sila basta tao, parte sila ng business society. May malaki kasi silang business na kilala din sa ibang bansa kaya naman malaki ang parte nila sa business society. Pinaghalong kaba, takot at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na magawang mag-isip nang maayos.

Pinakamasakit na sa lahat ay ang malaman kong kadugo ko ang taong pinakamamahal ko. Doble ang sakit nito kaysa  nang malaman kong ampon lang ako. Tanggap ko nang ampon ako pero ang hindi ko matanggap-tanggap ay ang kapatid ko si Saturn. Ilang beses akong nagdasal na sana hindi totoo ang lahat ng ito pero kapag nagigising ako sa umaga ay napapaiyak na lang ako dahil imposibleng matakasan ko ang lahat ng ito.

Sinimulan na akong lagyan ng make-up ng baklang nag-aayos sa akin. Nandito ako sa may guest room ng bahay nila Saturn. Napahinga na lang ako ng maluwag dahil hindi pa kami nagkikita.

“Bebe girl! Umiiyak ka na naman! Nasisira ang beauty mo!” bulalas ng baklang nag-aayos sa akin. “Teka, ire-retouch ko muna ang fes mo. Wiz ka dapat umiyak! Smile ka lang dyan!”

Ngumiti lamang ako sa kanya kahit na pilit lang. Kahit pagngiti ay nahihirapan na akong gawin. Muli niyang inayos ang make-up kong kumalat dahil napapaiyak na pala ako nang hindi ko namamalayan.

Nang matapos na siya ay napatitig na lang ako sa aking sarili sa may malaking salamin sa aking harapan. Ang ganda ko ngayon pero tanging lungkot lang ang nakikita ko sa sarili kong mga mata. Kahit anong pilit kong ngumiti ay hindi ko magawa dahil nangingibabaw pa rin sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. 

“Ayan! Ang gorgeous mo, eh! At dahil pinuri kita, ibigay mo na lang sa akin ang isa mong Kuya!” biro niya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi si Xander sa kanya nung panahong nababakla pa siya. Ngayon kasi ang manly na ni Xander at hanggang ngayon sinasanay ko pa rin ang sarili ko.

“Joke lang ‘yun, bebe girl. Taken na ang beauty ko!” aniya. “Sige, maiwan na muna kita dyan at pupuntahan ko muna ang jowa ko.” tapos ay lumabas na siya ng pinto.

Humarap na lamang muli ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Kulot ang mahaba kong buhok at may puting ribbon sa tuktok. Ang damit ko naman ay simpleng cocktail dress na cream ang kulay. Nakakalat pa din sa sahig ang sapatos kong sinukat.

Nasaan kaya si Saturn? Wag sana siyang umiyak kapag nalaman niya. Ayoko na ulit siyang makita na umiiyak. Kapag nakikita ko siyang umiiyak ay nadudurog ang puso ko.  

Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Ate Shanna.

Kapatid ko nga pala siya. Hindi ako makapaniwala na isang mukhang Dyosa na katulad niya ay kapatid ko pala. Swerte sana ako kung siya ang Ate ko kaso naging malas ako sa part na Kuya ko si Saturn dahil mas matanda siya sa akin ng isang taon.

"Ate Shanna." mahinang usal ko. Ni hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Medyo naiilang kasi ako dahil alam kong siya ang tunay kong kapatid.

Ngumiti siya sa akin. Humila siya ng isang upuan at dinala sa harapan ko. Doon siya umupo. 

"Alam kong kapatid kita Chloe. Mom and Dad told me." panimula niya.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Alam ko ding nagpapanggap kang may amnesia para layuan ka na din ni Saturn pero makulit talaga siya at mas lalo ka niyang nilalapitan." malungkot na sabi niya.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!