Sully's POV

"Dito mo talaga ako naisipang dalin, ha?" taas kilay kong tanong kay Rain. Napakamot nalang siya ng ulo.

"Eh, wala na kasi akong maisip e. Atsaka madalas na nasa bahay lang tayo at nagmo-movie marathon noon. Kaya bago lang to sakin." sabe niya.

"Bakit, wala ka bang dinate nung nakaraang taon?"

"Ha? Wala ah! Alam mo namang ikaw lang ang hinihintay ko e. Atsaka tanong mo pa sila Jiro at Lucas. I never dated again after nung break up naten." nakayuko niyang sabe.

I sighed. "Wala ka pa bang balak sabihin sakin ang totoong nangyari noon? You do know na gusto kong malaman diba?" he sighed.

"Okay. Wala naman akong choice e. Pero pede kumain muna tayo? Habang kumakain ikwe-kwento ko sayo." I nodded.

Pumunta kami dun sa mga kainan. Yung stands lang.

Umupo ako dun sa chair at hinintay nalang siya.

Matagal ko ng hinihintay na sabihin niya sakin ang nangyari noon. Siya lang talaga ang hinihintay ko.

Tsk. Pero kapag naiisip ko yun, na bwi-bwiset ako. Ikaw ba naman makita mo ang boyfriend mo na may kasamang hipon sa condo niya.

Kainis talaga. Pero iintindihin ko naman ang magiging paliwanang ni Rain. I just wish hindi ganun kasama ang ikwe-kwento niya. Baka kasi di ako makapag pigil e masapak ko na siya.

"Okay. Eto kasi nangyari...." ayan na sisimulan na niya.

FLASHBACK

Rain's POV

Nakwento nanaman sainyo ni Lucas ang nangyari diba? Ikwe-kwento ko nalang yung part ko.

Tintamad na akong ulitin e.

Okay. Sisimulan ko na....

Nalasing kami ni Lucas. Di naman talaga namin itensyong maglasing e. Kaso, pinainom kami ng pinainom nila Mark.

"Nahihilo na ako." mahina kong sabe. Napapailing nalang ako.

Natigilan ako ng maramdaman kong may tao sa harap ko.

Triny kong linawin ang paningin ko pero di ko magawa. Naaninag ko pa naman siya at alam kong babae ang nasa harap ko.

Bigla nalang niya ako hinawakan sa braso at tinayo.

"T-Teka... san mo ko... balak dalin?" mabagal kong sabe.

"Sa... langit?" napakunot naman noo ko sa sagot niya.

Tae! Papatayin ata ako nito e. Shit. Baka isa to sa mga flings ko na di parin makagetover sakin.

"Teka... b-bitawan mo k-ko." sabe ko. Pilit kong pinabibitaw yung babae pero ayaw niya. Atsaka, nanghihina na din ako.

Inakyat niya ako sa hagdanan. Hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto.

Hiniga niya ako sa higaan. Napapikit naman ako at medyo inaantok na.

Naramdaman ko nalang na may gumagapang na kamay sa katawan ko.

"Ugh." pipigilan ko sana kaso... hilong hilo na ako.

Wala na akong lakas.

Nagulat nalang ako ng maglapat ang labi namin. Hinahalikan niya ako. Sino ba to?

"Hmm... mas maganda siguro kung sa condo mo nalang tayo." rinig kong sabe niya.

Umalis siya sa kama. Rinig kong may tinawag siya. Ramdam ko namang may bumuhat sakin at bumaba kami papunta sa parking lot.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!