Prologue

371 13 2
                                    

Hindi na makayanan ni Mathilde ang lahat ng bali-balitang nakakarating sa kaniya. Ilang taon rin siyang nagbingi-bingihan ukol dito. Dahil sa labis na pagmamahal sa anak ay pinili niyang magkibit-balikat kahit alam niyang mali ang ginagawa nito.

Habang nakasulyap sa hugis parisukat na bintana't nakatanaw sa labas habang hinihintay ang pilyong anak na kilalang-kilala na sa buong barangay dahil sa hindi maawat na kalokohang ginagawa nito.

Habang hinihintay nakatanaw sa bintana't hinihintay ang anak, magkakasunod na katok sa pinto ang bumasag sa tahimik na mundo ni Mathilde. Kaagad niyang itinapon ang tingin sa pintuang pinagmumulan ng malakas na katok.

Tumayo siya't naglakad palapit sa pintuan upang pagbuksan ito ngunit nang sandaling pipihitin na niya ang doorknob ay naulit na namang muli ang malakas na katok na naririnig niya kanina.

"Sandali," pasigaw na sambit niya habang dahan-dahang pinipihit ang doorknob.

Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniya ang babaeng nag-ngangalit sa galit.

"Nasaan si Matthew? Ilabas mo ang walangh'yang 'yon!" Sambit ng babaeng nakatayo sa tapat ng pinto't magkasalubong pa ang dalawang kilay.

"Sino ho ba kayo at bakit niyo po hinahanap ang anak ko?" Nagtatakang tanong ni Mathilde habang magkasalubong na rin ang dalawang kilay.

"Ako lang naman ang nanay no'ng ikinama lang ng anak mo at iniwan pagkatapos niyang pagsawaan! Napaka-baboy niya! Masahol pa siya sa hayop!"

Nanlilisik ang mata nang babae habang sinasabi niya iyon. Diretso ang tingin kay Mathilde. Mabigat ang bawat salitang binibitiwan niya't may paghinga pa ito. Hindi na nakapagsalita pa si Mathilde dahil sa narinig mula sa babaeng galit na galit na nasa harap niya. Gulat na gulat pa siya sa rinig kahit na hindi na naman ito bago sa kaniyang pandinig.

Ilang sandali pa'y muli na namang nagsalita ang babae't sa pagkakataong ito, maka-ilang ulit niya pang dinuro ang mukha ni Mathilde, dahilan para magsimula siyang mainis sa babaeng nasa harap niya.

"Anong klase ba ang ginawa mong pagpapalaki do'n sa anak mo, ha? Sabihin mo sa kaniya na h'wag na siyang maka-lapit lapit sa anak ko dahil hindi na ako makakapayag na saktan niya pa ulit ang anak kong si Marie! Kapag lumapit pa siya sa anak ko, kakasuhan ko siya ng rape at hindi ako titigil hangga't hindi siya nakukulong."

Dahil sa mga salitang binitawan ng babaeng iyon, napabuntong hininga si Mathilde at tsaka nagsalita.

"Anong karapatan mong kuwestiyonin ang pagpapalaki ko sa anak ko, ha? Baka nakakalimutan mong nakatapak ka pa rin sa teritoryo ko! Who gave you the right to say all of it to my son? Anong karapatan mong bastusin ang anak ko sa harap ng nanay niya?"

Napatahimik bigla ang babae matapos marinig ang sinabi ni Mathilde. Ilang sandali pa'y lumabas na rin ang kaniyang ina matapos makarinig ng sagutan mula sa labas.

"Anong nangyayari d'yan?" Sambit nito habang hawak-hawak ang kaniyang tungkod.

Sandali niyang nilingon ang ina at tsaka nagsalita.

"Wala po ito, Inay! Bumalik na po kayo sa loob at magpahinga. Ako na po ang bahala dito!" Sambit ni Mathilde habang ang tingin ay nakatuon sa Ina.

"Sigurado ka?" tanong naman ng kaniyang Ina na nakatingin pa rin sa kaniyang anak.

Tumango si Mathilde bilang tugon. Nang makaalis ang Ina ni Mathilde ay muli niyang itinuon ang tingin sa babaeng nasa kaniyang harapan. Nagbuntong hininga siya at tsaka muling nagsalita.

"Ano pang hinihintay mo? Aalis ka, o kakaladkarin kita paalis at palabas sa village na 'to?" Nakataas ang isang kilay na sambit ni Mathilde.

Napa-iling na lang ang babae dahil sa taglay na tapang na kaniyang nakita kay Mathilde. Hindi niya ito inasahan kaya't wala na siyang nagawa kung hindi ang umalis pero bago iyon ay nagsalita siyang muli bago maglakad paalis.

"Papalagpasin ko itong araw na ito. Pero sa oras na lapitan ulit ng anak mo ang anak ko, pasensiyahan tayo!" Sambit ng babae habang dinuduro si Mathilde.

Hindi na nagsalita pa si Mathilde. Bagkus, tinalikuran niya ito sabay sarado sa pintuan nang pagkalakas-lakas. Nagbuntong hininga siya at tsaka muling bumalik sa kaniyang kina-uupuan upang hintayin ang anak.

Missing Heirs series #6: Kendrix Matthew (Published under TMH Publishing)Where stories live. Discover now