Season 1|21| >>#PanlolokongInako

97.7K 1.1K 119
  • Dedicated kay Amabelle Panganiban
                                    

Leo's POV

Shit.

Buti na lang at nakaalis kaagad si Jade, dahil kung hindi baka naabutan pa siya ni Jesse.

"Labs, kakagising mo lang?"

Crap.

Ano ba ang magandang isagot sa kanya? Naaabutan niya kasi akong nakaboxers lang, walang sando at patayo palang sa pagkakahiga.

Nako, patay tayo niyan, sinabihan ko pala siyang madami akong ginagawa.

"Ah...eh... Naka-nakatulog kasi ako...Oo! Tama! Nakatulog kasi ako, sa sobra ko kasing daming ginagawa napagod ako kaya ayun natulog ulit."

Napaniwala ko kaya siya? Medyo makatotohanan naman ang pagsisinungaling ko hindi ba? Totoo naman napagod ako sa ginawa ko ah!

Kaso, bigla akong nakaramdam ng pagkakaba ng hindi siya sumagot at tiningnan lang ako na parang nagtataka siya at pagkatapos nun nilibot niya ng tingin yung buong kwarto ko.

Fvck. Please lang wala sanang naiwan si Jade ng kahit ano dito.

Oo, inaamin ko, niloloko ko nga si Jesse.

Hindi naman sa hindi ko siya mahal. May nararamdaman pa naman ako sa kanya kahit papaano kaso nga lang minsan nasasakal na ako.

Alam ninyo yun? Yung parang sa akin lang umiikot yung mundo niya? Yung bawat galaw niya ipinapaalam sa akin tapos dapat ganun din ako sa kanya.

Minsan nakakaumay na ngang kasama siya, kasi puro na lang tungkol sa kanya ang pinaguusapan namin. Wala na siyang ibang bukang bibig kung hindi tungkol sa kanya at sa pamilya niya.

Eh puta, sino ba ang niligawan ko? Sino ba ang minahal ko? Ang pamilya niya ba? 'Di ba hindi?

"Labs, ano 'to?"

Tiningnan ko naman kaagad yung hawak-hawak niya. Kinabahan ako bigla ng makita ko lipstick ang hawak niya.

D-amn.

"Labs...."

"Nangbabae ka na naman ano?! Kaya siguro ayaw mo akong papuntahin dito kasi ayaw mo na mahuli ka, tama ba?!"

Sht. Yan ang isa sa mga ayaw ko sa kanya. Napaka selosa niya.

Ang pinaka ayaw pa naman ng isang lalaking katulad ko ay ang mga selosang babae. Nakakasakal ang mga ganoong tipo.

Kahit dati na hindi pa ako nagloloko, ganyan na siya. Kahit anong paliwanag at pagpapaintindi sa kanya, aba! Hindi siya nakikinig.

Nakakapagod kaya yung ganoon. Wala kang ginagawang masama tapos pagdududahan ka na lang basta basta.

Mas mabuti pang gawin ko na lang ang lahat ng binibintang niya sa akin di'ba? At least pag ginawa ko yun may karapatan na siyang magalit at magbintang sa akin.

Kaya kapag may lumalapit sa aking mga babae sa university ay wala na akong inaksayang oras pa. Lalo naman kanina nang makita ko si Jade, hindi ko na inisip pa ang mangyayari sa amin ni Jesse.

(FLASHBACK)

Sunday ngayon at napagpasyahan kong mag starbucks muna, nang mapansin kong may nakatingin sa akin sa may dulo. Syempre dahil lalaki ako tiningnan ko naman kung may itsura ba yung tumitingin at ngumingiti sa akin.

She half smiled at me while combing her short hair.

Nagulat ako ng makita ko si Jade Montero na nakasmirk sa may direction ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon