Ganto kasi ang tayo namin eh...Hans→ako→Aia

"Ha?Ah,oo naman"nakayuko at halod pabulong ko nang sabi

Ewan ko pero ayaw kong malamang magkasama sila lalo na't solo lang sila...Ewan ko,naiinsicure ata ako.

"Talaga?Ayos lang ba talaga?"hinawakan ni Aia ang braso ko at sinilip ako

"Oo naman,dadalawin nyo lang naman ang anak nyo eh"nagpilit ako ng ngiti

Lumapad naman ang ngiti nya at pinagdaop ang dalawang palad"Okay,tutal wala tayong pasok bukas baka pwedeng bukas nalang tayo pumunta?Tapos dun na rin tayo maglunch,ano Hans game ka ba?"masayang sabi ni Aia

"Oo naman"masigla at malapad na ngiti ni Pat

"Oh!Nga pala,Besty gusto mo bang sumama?"

"Wag na kayo nalang.Magpapahinga nalang ako sa bahay"pilit kong ngumingiti

"Sure ka?Pwede ka namang sumama eh"binigyan nya ko ng encouraging smile

"Hindi na,magpapahinga nalang ako.At-atsaka family day nyo na rin yun"alangan kong sabi

*ting*

Okay,nandito na kami.Nakaramdam ako ng relief na sa wakas ay magkakahiwalay na rin kami.Parang ang sama ko pero masaya ako na mapapalayo na sya samen.Hindi naman sa ayoko na sa kanya pero...Aish!Hindi palang siguro ako sanay talaga na okay na kami.

Sunud-sunod naman kaming nagsilabas.Una si Aia bago ako bago si Pat

Nang pumasok kami ay nagtinginan samin ang mga katrabaho namin.Nailang naman ako...

"Sige ah,maya nalang ulit"paalam ni Aia at humiwalay na

Nauna na rin si Pat ng wala man lang paalam kaya wala akong choice kundi ang maglakad mag-isa papunta sa cube ko.

"Gosh,anong nangyayari?Nung isang araw pa sila ganyan"bulong ni Mitch pero abot naman sa pandinig ko

"Ewan ko,siguro ginamit nya ang black magic nya para magkaganyan sila"si Fritz

"I know right!haha!"malakas na sabi ni Erika

Napayuko nalang ako at pinigil ang sarili ko.Kung di lang ako sinabihan ng OB ko na wag ko ng uulitin yung ginawa ko dati eh nakalbo ko na ang mga to...

*-*-*-*-*-*-*-*-*
"Aalis ka na?"tanong ko kasi paglabas ko ng kwarto eh palabas na sya

Kagigising ko lang kasi at sya naman ay nakagayak na at halatang halatang paalis na.Tumango lang sya at lalabas na sana

"Ang aga naman ata?"lumapit ako sa kanya

"Alam mo namang medyo malayo ang sementeryo dito diba?Susunduin ko pa si Marie"binuksan na nya ang pinto at lalabas na sana pero hinawakan ko ang braso nya

"Iintayin kita ah?At...mahal ka namin ng anak mo.Tandaan mo yan"nakatingin sa mga mata nya kong sabi

"Alam ko na yan,sige na aalis na ko"hinawakan nya ang pisngi ko tapos ay ngumiti at hinaplos din ang tyan ko.at aaminin ko kinikilig ako

At nung nakalabas na sya ay may bigla naman akong naisip kaya hinabol ko sya

"Sandali,pwede ba kong sumama?"kunot noo nya kong tinignan

Pero nawala din yun"Tatawagan ko lang si Marie"simple nyang sabi

Tumango naman ako at hinugot na nya ang phone nya sa bulsa nya at nagdial.Ilang saglit lang ay may kinausap na sya,ai Aia na ata yan.Nang matapos ang tawag ay hinarap nya ko at"Okay,bilisan mo nalang gumayak"

Mabilis naman akong tumango at nagdiretso na agad sa banyo.Quick bath lang ginawa ko.At simpleng maternity dress lang ang sinuot ko.Paglabas ko ng kwarto ay parang inip na inip na si Pat kaya naman lumapit agad ako.

"Okay lang ba?"

"Okay na yan,di naman party pupuntahan natin"yun lang at lumabas na sya

Nawala naman ang ngiti ko pero sinundan ko pa rin sya.Ginamit namin ang kotse ko at syempre sya na ang nagdadrive.May license naman sya

Buti di masyadong mahaba ang traffic kaya nakarating agad kami kina Aia.Nasa labas na sya at parang kanina pa sya dun.Ngumiti naman sya ng makita kami.

"Akala ko bukas pa kayo dadating"sabi nya at sumakay na sya sa likod,sa tapat ko

Nakita ko naman ang pagngiti ni Pat kaya napatingin ako sa rearview mirror.Nakangiti si Aia sa kanya ng malapad.Nainsicure naman ako kasi hindi ngumingiti ng ganyan saken si Pat.Bigyan man nya ko ng ganung ngiti pag lang humahawak sya sa tyan ko kapag nagalaw ang baby namin.

"Hans!Hulaan mo kung anong niluto ko!"energetic na sabi ni Aia sabay tapik sa basket na dala nya

"Ano?"ubod ng lapad ng ngiti na tanong ni Pat

Buti pa si Aia kahit nasa likod nagagawa nyang tignan sa rearview mirror samantalang ako na katabi nya hindi man lang nya malimusan kahit konti.

"Syempre yung paborito mong Kare-Kare!"

"Talaga?Wow,ang tagal ko nang di nakakakain nyan!"

"What?Ches,di mo sya pinagluluto nito?Di pa naman nakokompleto linggo nyan kapag hindi nakakakain nyan"talagang dinungaw pa nya ko

Ngumiti nalang ako kahit pilit"Di ko naman kasi alam eh"

"Bakit di mo alam?Syempre diba ikaw na nga ang asawa nya ngayon,so responsibility mo ng alamin ang mga gusto at ayaw nya"di ko naman naiwasang uminit ang ulo

Anong gusto nyang ipoint out?Na mas may alam sya kesa saken kaya dapat sya na ulit ang asawa?

Pinilit ko namang hindi ipahalata ang inis ko at mas ngumiti kahit pilit"Di kasi nya sinasabi na ganun sya eh but don't worry aalamin ko na para naman maging mas masaya sya"di ko napigilan ang bunganga ko

Tumingin sa labas,malapit na rin pala kami.Buti naman.

Nasa may padulo pa ang puntod ni Annika kaya syempre naglakad pa kami paloob.Hindi naman sya katulad ng ibang sementeryo na masikip at kung minsan eh butas pa ang mga nitso.

Dito organized,mabilis mong makikita kung nasan ang kapamilya mo..Tumigil na kami sa tapat ng maliit na puntod.

Annika Grace C. Dela Fuerte...ang pangalang nakaukit sa puting marmol...

"Annika"mahinang sabi ni Aia pero ramdam mo ang kalungkutan nya

Lumuhod sya at tinanggal ang ilang dahong nakatakip sa gilid ng puting marmol.Nagsindi rin sya ng kandila na ginawa rin ni Pat.

"Bakit?"sa tanong na yun ni Aia ay nag-unahan nang tumulo ang mga luha nya

Niyakap naman sya ni Pat at parang hinahatian nya ito sa lungkot na nadarama and at the same time eh pinaparamdam nyang di ito mag-isa.

Nakaramdam ako ng guilt bigla.Hindi naman ako ang dahilan kung bakit sya namatay pero feeling ko ako.

Nasasaktan din ako sa nakikita ko,sila na magkayakap.Alam ko namang parehas silang malungkot sa nangyayari at inaalo lang nila ang isa't-isa pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan.

Pakiramdam ko parang panggulo lang ako dito.Feeling ko hindi dapat ako nandito.Feeling ko ako ang dahilan ng lahat ng to.

Oo,ako nga.Pero mahal ko sya eh at hindi ko rin naman hahayaang mabuhay ang anak ko ng walang ama,na may kahati syang iba.Gusto ko amin lang sya...

Pero sa nararamdaman  ko ngayon at nakikita parang mali na papasukin at tanggapin ko si Aia.

Pero anong magagawa ko?Feeling ko kasi sa ginawa kong yun wala na akong dapat ikatakot.Hindi na mawawala saken si Pat,ipinaubaya na nya nga sya saken ng tuluyan diba?

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now