I'm not really a pro at racing pero kaya kong ipanalo. Hindi kasi ako takot masaktan. I can do dangerous sh*ts in the track just to win.
Dahil sa adrenaline rush mas binilisan ko ang takbo ko. I then swiftly maneuvered my big bike without slowing down. Halos sumayad ang paa ko sa lupa. I then bend down and touch the floor. Pagtaas ko, kasama kong tinaas ang kamay ko— showing my middle finger.
Ingay ng tao ang sumalubong sakin pagdating ko sa finish line. Agad kong tinanggal ang helmet ko at huminga ng malalim para sa sumagap ng preskong hangin. Napatigil lang ako nang may bumangga sa likod ng motor ko. Sumalubong sa'kin ang masamang tingin ng kalaban ko kanina paglingon ko, at dahil do'n ay ngumiti ako ng malawak at nilapit sa kanya 'yung kamao ko— initiating a fist bump pero hindi niya ako pinansin. I just shrugged my shoulder in response.
---
Pagkaabot ng pera sa'min ay nagpasya na kaming umuwi dahil lumalalim na ang gabi at ramdam na namin ang masamang tingin ng iilang tao dito. Napatingin ako kay Rike at tinanguan siya bilang pa simpleng pagyayayang umuwi.
Malapit na kami sa motor ni Rike nang biglang may humarang sa'min. Naglahad sila ng kamay sa harap ko. Kunot noo ko silang tinignan. Mga lima silang andito, kasama 'yung Aaron na kalaban ko kanina.
"Balato namin?" Nakangising saad ng matakangkad na lalaki. Napatingin ako kay Riker na nasa likuran ko. Seryoso ko siyang tinititagan, nagtatanong kung bakit may ganito sa harap namin. Nagkibit balikat siya at seryoso tinuon ang atensyon sa harap.
"Magkano ba mga pare?" Tanong niya sa kalmadong boses. My muscles become tense. Alam na alam ko na 'tong pakiramdam na 'to. This is a trouble in the making!
"15,000" Automatiko ang pagkunot ng noo ko. Luge! Hindi pwede 'yun! Mas malaki pa 'yung balato nila kaysa maiuuwi namin? I clicked my tongue. Mukhang nasagasaan namin ang egos nila, dahil natalo sila ng taga labas.
"Pa'no kung ayaw namin?" Okay, that is supposed to be an honest question pero tunog naghahamon. Napapikit ako sa inis. Ayusin mo dila mo Justice!
"Wala kayong choice, hot chick" Ngisi ngising saad ng payat na kasama nila. Yuck! Nagtawanan sila. Nakitawa na din ako dahil mukhang happy sila, pero dahan dahan din akong tumigil at seryoso silang tinignan sa mata.
"Ayaw ko" Madiin kong saad. Punyeta! Halos magpasundo na ako kay kamatayan kanina tapus hihingin lang nila 'yung pera namin?
"Hindi niyo ba alam ang kalakaran dito?!"
Nairap ako. "Hindi talaga!" Balikan sigaw ko din.
"Hindi ba pwedeng 5,000 nalang?" Pakikipag tawaran ni Riker. Napatango ako bilang pag-sangayon pero umiling sila. Tst! Magsasalita na sana ako pero natigalan kami dahil sa malakas na tunog.
Napatakip ako ng tenga! A loud ring echoed in the road. That is a cue! That alarm is cue na cancel ang race dahil may patrol na paparating! Shit! Shit! Hinila na ako ni Riker pero may humigit sa'kin palayo. Agad akong nagpumiglas, inis kong sinipa si Aaron bago tumakbo pabalik.
Shit! Asan na si Riker?!
Nagkakagulo na ang lahat! Nagtatakbuhan, kanya kanyang pulusan! Wala akong sasakyan!
Kay Riker ako naki-angkas kanina and he is nowhere to be found! Napatingin ako sa paligid. Kailangan kong makahanap ng matataguan!
A black bigbike catches my attention. Nagsusuot ng helmet 'yung may ari, nakatalikod sakin 'yung lalaki kaya hindi ko kita ang mukha. Hindi 'yun kalayuan sa pwesto ko kaya tumakbo ako palapit doon. Agaran akong umangkas at kumapit sa likod ng motor. Naramdaman ko na bahagyang natigilan siya.
"Dali!" Inis kong utos dahil kita ko na ang motor na gamit ng mga barangay patrol. With stealth moves, he maneuvered his bigbike swiftly. Ang bilis ng patakbo niya. Shemay, gusto yata akong netong ilaglag! Yumakap ako sa kanya dahil kung hindi malalaglag ako!
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Siguro dahil sa takot o adrenaline rush, panick or excitement. I'm somewhat excited about the possibility of being caught by cops! Shuta! That's insane!
Nakahinga lang ako ng maluwag nang hindi ko na rinig ang serena ng patrol. We are now safe! Malayo na kami doon. Tinaas ko ang kamay ko para damhin ang hangin.
"Whoaaaah!" Sigaw ko. Hindi ko mapigilang matawa. Muntik na kami doon! Tumingala ako sa langit. Ang ganda ng gabi! Bilog na bilog ang buwan at ang daming bitwin. "That was fun" I whispered with a small smile.
Naramdaman ko ang bahagyang pagbagal ng motor na sinasakyan ko. Papasok na kami ng Metro Manila. That's a good thing! Buti nalang manila boy 'yung inangkasan ko. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang motor niya. A bigbike with a sleek black aesthetic and neon green highlight. Kawasaki Ninja. A sexy beast in a bike form.
"Ang sexy naman ng baby mo" Pagkausap ko sa lalaki, pertaining to his bigbike. Hindi siya kumibo.
"This is not street legal, you know"
"This is Ninja H2, street legal version" Tipid niyang sagot. His voice is deep with a bit of rasp.
"Baba" Nanlaki ang mata ko sinabi niya.
"H-ha? Pero wala pa ako sa bahay" Hindi siya kumibo at nanatiling nakatigil ang motor niya sa gitna ng daan. Napatikhim ako. Ang kapal pala ng mukha ko sa parteng 'yun. Napatingin ako sa paligid, familiar naman na sa'kin ang lugar kaya agaran akong bumaba dahil nakakahiya. Mag e-LRT nalang ako.
Aalis na sana siya pero agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan.
"Salamat" Saad ko. Hinawakan ko ang helmet niya sabay haklit paalis sa ulo niya. Bahagyang tumagilid ang ulo at nagulo ang buhok niya dahil sa marahas kong pag hablot ng helmet niya. Napatitig ako sa mukha niya. Deretso at seryoso ang tingin niya sa'kin. Napaayos ako ng tayo at bahagyang napalunok. Small face, define jaw, upturned nose and 'that' sleepy looking eyes again. The messy quiff hair that complemented his small face. His cold expression and the cold aura around him are still there! Pucha! Siya 'yung lalaki sa bar! 'Yung finakyuhan ko!
Hinablot niya sakin 'yung helmet at binalik sa ulo niya bago pinaharurot paalis ang motor niya. Naiwan ako magisa sa gitna ng daan, tulala.
What the fvck? And his wrist...
Napasadahan ko ng tingin 'yung bagay na nakasabit papulsuhan niya. At sigurado ako, hindi ako pwedeng magkamali.
His bracelet... A howling wolf bracelet. And it's oddly familiar.
Hindi ko lang malaman kung saan ko 'yun nakita.
YOU ARE READING
Collision #1: Fatal Attraction
RomanceThe walking trouble Night Alvedo crossed paths with the troublemaker Summer Madrigal. Night Alvedo is a definition of a freaking red light! Summer Madrigal should stop and probably change track, but she was intrigued and puzzled. As hardheaded as s...
CHAPTER 2: Encounter
Start from the beginning
