Hooo, that was epic!
Pabagsak akong humiga sa couch na nasa lobby ng school. Para akong nawalan ng lakas umuwi. Pagod na pagod ang buong pagkatao ko! Putcha! Prelims palang pero ayaw ko ng mag-aral!
Tamad kong binuksan ang phone ko nang tumunog 'to. Paungol akong tumayo nang maalalang may pupuntahan pala kami ni Riker. Agad akong lumabas dahil nasa parking lot na daw siya.
I tap my ID in scanner.
Justice M. Archimedez - Log out
---
Ingay ng motor at nagsisigawang tao ang sumalubong sakin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagkalat ang traffic cones at kahoy sa daan. A race in a closed under construction road. Nasa liblib kaming parte ng Nueva Ejica kaya walang masyadong nadaan dito.
Bumababa ako sa motor ni Riker habang hindi inaalis ang tingin sa kabuuan ng lugar.
"Gusto mong sumalang? Pupusta ako sa'yo" Saad ni Riker pagkatapos niyang kausapin ang isang lalaki.
"Magkano ang makukuha ko? Depende 'yan sa presyo" Tamad ko siyang binalingan ng tingin. Pera na yan kaya payag syempre ako pero sinisigurado ko lang hindi ako mababarat.
"5 percent" Napatango tango ako sa sagot niya. Hindi na din masama. 50/50 kami
"Sure win na 'yan" Saad ko sabay ngisi ng mayabang. Linahad ko ang kamay ko sa likod para makipag apir dahil nasa likod ko siya. He tapped my hand lightly.
---
Sinuri ko muna ang gear ng motor ko. Hinirit ko ang clutch para painitin ang makina habang deretso ang tingin sa daan. 200 meters race. One on one match.
Dating kalakaran parin. Dapat mabuo ang 30,000 na pusta both sides. Depende kung saan sila pupusta. Halos lahat sila pumusta sa kalaban ko. Pag natalo ako, mapupunta sa kanila ang 30,000 na pinusta sa'kin at 'yun ang paghati hatian nila. Ang makukuha nila ay depende kung gaano kalaki ang ambag nila sa 30,000 na kabuoang pusta. Pag ako naman ang nanalo, amin ang 30,000 nila. Tumaya sa'kin ng 20,000 si Riker dahil may nangahas na tumaya sa'kin ng 10,000 kahit na dayo ako at hindi pa subok. Pst, sayang 'yun.
Napatingin ako sa kalaban ko. Pinaharurot niya ang motor niya bago bumalik ulit dito sa starting line— nagpapainit ng makina. Mayabang siyang ngumisi sa'kin. Hindi ko 'yun pinansin, hininga lang ako ng malalim at seryosong tinuon ang pansin sa daan.
Nang marinig ko na ang hudyat ay agad kong pinasibad ang motor! Nangunguna ang kalaban ko. Shet! Ang bilis niya pala!
Tumingin ako sa harap. Kailangan ko siyang maunahan! Binilisan ko pa ang takbo ko. I grip the clutch while my gaze is focused in front. Napangisi ako ng malawak nang mapantayan ko na siya. Naungasan niya ulit ako kaya mas binilisan ko din. Mapangasar niya akong nginisian dahil hindi ko siya maunahan. Pag nauungusan ko siya, bumibilis ulit ang takbo niya palagpas sa'kin. Mas mabilis talaga siya sa'kin! I gritted my teeth out of frustration. Tang*na! Timing Jayce! I need perfect timing.
Nang bahagya ko siyang malagpasan, I maneuvered my bigbike, agad akong humarang sa daan niya para hindi siya makapag accelerate ulit. Gusto ko din siyang mawalan ng momentum. Mukhang 'yun nga ang nangyari dahil kita ko sa side mirror ang gulat at takot sa mata niya. Kamuntikan na kasing masabit ng motor ko ang motor niya. Kahibla nalang kasi talaga ang pagitan ng gulong sa harap ng motor niya at gulong sa likod ng motor ko na konting pagkakamali lang talaga ay sa hospital na ang bagsak namin.
Imbes na matakot ay natawa ako habang naririnig ko ang malakas na tibok ng puso ko. There's always fun in danger! Indeed, everything that kills me makes me feel alive! Para sa'kin talaga ang linyang 'yan.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Collision #1: Fatal Attraction
Любовные романыThe walking trouble Night Alvedo crossed paths with the troublemaker Summer Madrigal. Night Alvedo is a definition of a freaking red light! Summer Madrigal should stop and probably change track, but she was intrigued and puzzled. As hardheaded as s...
CHAPTER 2: Encounter
Начните с самого начала
