31

235 7 2
                                    

[Zash]

Nage'empake ako ng mga kailangan ko para sa Sleepover na yan. And I bet ganoon din sila. Ayaw ko na sanang pumunta doon kaso may tatapusin kami ni Ethan. I sighed.no choice eh.

Lalabas na sana ako dahil tapos na akong mag-ayos nang may tumawag sa cellphone ko.

Napakunot ang noo ko nang makita kong unregistered number ito.usually hindi ko ito pinapansin Pero sinagot ko parin dahil malay mo emergency, or sina Krish to nakitawag lang.

"Hello?"Paulit ulit kong sabi pero walang sumasagot. Na wrong call siguro to.

"Bahala ka nga!" Ie-end ko na sana kaso may nagsalita.

[Wait!]sigaw ng tumawag. Nalaglag ang panga ko pagkarinig ko ng boses na iyon. It's Zach! Pero may number niya naman ako Ah? Nagpalit siguro?

"B-bakit ka napatawag?"I asked him and silently cursing in my mind. Andito parin ang Kahihiyan sa katawan ko.

[Tatanong ko lang sana if you're in sa sleepover]Kalamado nyang sabi. Mabuti pa siya makalma eh ako? Kamusta naman tong abnormal heartbeat ko?

"Ah oo. Papunta na nga ako doon eh" I said trying to sound like I'm not nervous when in fact I am.

[Great! I'll pick you up.wait there]nanlaki ang mata ko. Aayaw na sana ako kaso pinutol niya na ang tawag.

Hindi pwede. Ayoko siyang makasama! Nahihiya parin ako sa mga pinagsasabi ko at mas Nahihiya ako sa paguusap namin kanina!

Paikot ikot ako dito sa may malapit sa door. Hindi ko alam ang gagawin! Magtatago na lang kaya ako? Pero Teka nga. Hindi niya naman alam kung saan ako nakatira ngayon hindi ba? I smiled. Victory smile. I went out of my unit.

Sumakay ako  sa elevator. Muntik pa akong maiwan. Ang sikip naman!

Nakalabas naman ako sa elevator ng buhay. I went out of the building and hurriedly went to the parking lot. Lalapitan ko na sana yung kotse ko kaso may humarang. I froze.

"Ang tigas ng ulo mo. I said wait for me.tss" it's hiiiiim

............

"Ang tahimik mo ata?"Sabi ni Zach. I ended up in his car. At ngayon papunta kami sa school kasi nga doon ang tambay house nila pero iba ata dinaanan namin kasi medyo Lumayo layo kami. Siguraduhin niya lang na makakarating kami sa school kung hindi lagot siya sa akin.

"Don't tell me, nahihiya ka parin sa akin?"pinikit ko ng mariin ang mata ko. Actually kanina pa siya nagsasalita. Hindi ko siya pinapansin kasi nga diba nahihiya parin ako. Kaso manhid talaga tong ugok na to! Hindi niya ba nararamdaman na ayaw ko syang kausapin?!

"Okay fine"Hininto niya sa gilid ang kotse. Wait why?
"Get out"halos lumabas na ang mata ko sa sinabi niya. Is he serious? Matapos niya aking sundoin!

"Aba't! Gago ka rin noh? Matapos mo akon--" hindi ko pa natapos ang dapat tapusin ng sumigaw siya.

"I said get out!"wait! he's mad? Dahil ba sa hindi ko siya kinakausap? My God! He's unbelievable!

"Oo na! Lalabas na! Leche!"I harshly slammed the door At pinahurot niya na ang kotse niya. Tiningnan ko lang ang kotse niya papuntang impyerno. gago siya! May pa Sundo sundo sa akin yun pala iiwan din ako dito. Baliw siya ! Patayin ko yun eh! Pasalamat siya....crush ko siya!Oo na!

Ano na naman ba kasi ang problema nun?  Anong ginawa ko sa kotse niya? Aba parang hindi lang nagsalita galit na agad? Eh di wow!

Bakit ba kasi dito pa kami dumaan? Ang layo neto sa school eh! Magtataxi na lang nga ako!

The Campus Lesbian Fell In love With a Guy???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon