"What?"

Salubong na naman ang kilay nito. Napatitig naman siya sa binata. Suplado ito, hindi maginoo at misteryoso pero nakakatawang isipin na bumagay iyon sa binata. Nakakaintriga ang personalidad ni Hunter pero aaminin niyang isa iyong malaking atraskyon sa kahit na sinong babae.

"Bakit hindi mo tinatago sa akin ang totoo mong pagkatao?" mahinang tanong niya.

Tumitig ito sa mga mata niya.

"Kilala mo na ako, so what's the use of hiding it from you?" tugon nito.

"Paano kung sasabihin ko ito sa iba?" tanong niya.

Natigilan ito at kapagkuwan ay ngumisi. Napaatras siya nang humakbang ang binata patungo sa kinaroroonan niya.

"What if I tell them your condition? Should I tell them that you're sick and seeking my help, wanting me to have sex with you?"

Napasinghap siya sa narinig. Takot na hinawakan niya ang laylayan ng damit nito.

"H-Huwag, pakiusap..." kaagad na pakiusap niya.

Ramdam niya ang pamumutla sa takot na malaman ng mga tao, lalong-lalo na ng lola niya, ang kondisyong meron siya ngayon. Ayaw niyang malaman ito ng lola niya. Ang lola niya ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya. Ayaw niya itong makitang nasasaktan dahil sa sakit niya.

Maluha-luhang tiningnan niya si Hunter sa mga mata. Kahit hindi pa niya ito lubos na kilala, alam niya at ramdam niyang hindi ito nagbibiro.

Umangat ang sulok ng labi nito sabay hapit sa beywang niya. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Pigil na pigil niya ang hininga kasabay ng mabilis na kabog ng puso.

"Hindi mo ako mahahawakan sa leeg. I could see that you're smart, Miss Seiranel. You even understand my words and my language. Kung inaakala mong hawak mo na ako sa leeg dahil pumayag akong ipahiram ang katawan ko sa'yo, nagkakamali ka," anito sa mariing boses at marahas siyang binitiwan na halos ikawala niya ng balanse.

Mabilis niyang naibalanse ang sarili at sinamaan ito ng tingin. Ngumisi lang ito sabay talikod.

Napabuntong-hininga siya at sinundan ito. Nakabalik sila sa isla na hindi na nag-uusap pa. Halos hindi na siya nito tinitingnan. Ni hindi na nga siya nito tinulungan na makababa sa bangka. Dire-diretso lang itong bumaba, ni ayaw siyang sulyapan.

"Suplado. Bastos. Walang modo," mahinang bulong niya habang bumababa mula sa bangka.

"I can hear you," anito.

Nakasimangot na tinalikuran niya ito.

"May ideya ako kung anong klaseng sakit meron ka. Pina-doktor mo na ba 'yan?"

Natigil siya sa paglalakad nang marinig ang sinabi nito. Lumingon siya sa binata at tumango.

"Kaya nakakabili ako ng gamot ko," aniya.

"Regular ka bang pumupunta sa doktor mo?" Muling tanong nito.

Hindi siya nakasagot kaagad. Kinagat niya ang ibabang labi.

"Hindi. Nasa Maynila ang doktor ko. Isang beses lang akong pumunta roon para ipatingin ang kondisyon ko," aniya at tuluyan na itong tinalikuran.

Kinagabihan ay pumunta siya sa lugar kung saan ay naging paborito na niyang tambayan tuwing gabi. Sumandal siya sa batuhan at tumingala sa kalangitan.

Inangat niya ang dalang bote ng gamot at tinitigan iyong mabuti mula sa liwanag ng buwan. Ilang taon na siyang umaasa sa gamot na ito pero hindi pa rin sapat para tuluyan siyang gumaling.

Gusto siyang ipagamot ng mas maayos ng ate Kathy niya pero ayaw niyang gastusin nito ang pinaghirapan nitong ipunin. Alam niyang hindi lang siya ang nagdurusa. Dalawa sila ng ate niya ang nagdusa mula sa nakaraan. Hangga't maaari, ayaw niyang ipakita sa nakakatandang kapatid na nanghihina siya. Gusto niyang ipakita na malakas siya. Gusto niyang ipakita na maayos lang ang kalagayan niya.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now