41 "Quits"

45.7K 739 29
                                                  

41

"Quits"

Hmmmmmm. Nakaamoy ako ng masasarap na pagkain. Nakakagutom! Uhmmmm. Nakaka--- Ahhhhhhhh!

Nalaglag pa nga ako sa higaan.

Umaga na pala! Sumilip ako sa kama, wala na dun si Tonsi. Aga pa din nyang nagising ah.

Lumabas ako ng kwarto at sumilip sa room nila papa. Wala pa ding tao. Hindi pa din sila nakakabalik ni tita. Bumaba ako at sumilip sa kitchen. Nakita ko si Tonsi nagluluto.

Nung makita nya akong papalapit, ngumiti sya agad. "Good morning."

Ang ganda nung smile sya. Ang aliwalas ng mukha nya. Parang hindi sya yung naiisip kong Tonsi dati. Yung nakakunot yung noo at laging nakasimangot. Kahit na pagod at puyat na sya may energy pa rin sya para magluto.

"Hoy! Ano? Tulala?" sabi nya ulit.

Hindi ko napansing napatitig ako sa kanya. Ibinaling ko na lang yung mata ko mesa.

"Wow, ang dami nito ah." Kumuha ako ng ham pero pinalo nya yung kamay ko.

"Ako nga hindi tumikip dyan dahil iniintay kitang magising eh. Tapos ikaw mauuna." Pagbibiro nya habang nagtatanggal ng apron.

"Damot mo eh!" umupo na ako sa mesa at tumabi naman sya sa'kin.

Yung plate sa harapan ko eh nilagyan nya ng fried rice. "Anong gusto mo? Ham? Hotdog? Tapa? Ano?" tapos lahat ng sinabi nya inilagay nya sa plate ko.

Tumayo sya at tumingin sa'kin. "Tea? Coffee? Milk? Hot Chocolate?"

Natatawa ako sa kanya kasi parang natataranta sya. Tumayo ako at hinigit ko sya pabalik sa upuan nya. "Akala ko ba sasabayan mo ko kumain? Eh bakit patayo-tayo ka?"

Ako naman ang naglagay ng pagkain sa plate nya. Nakatingin lang sya sa'kin at nakangiti.

"Oh bakit?" nakangiti kong tanong sa kanya. Bigla nyang hinawakan yung kamay ko. Naconscious naman ako at hinigit ko din agad. "Ako ang magluluto ng lunch, okay? Bayad ko yun sa pag-aalaga mo sa'kin." Bumalik na ako sa upuan katabi nya.

Medyo inilapit ko mukha ko sa kanya at tsaka ako bumulong. "Thanks ha."

Bigla naman syang nasamid. Nagulat ata sya sa sinabi ko. Nakakatawa yung itsura nya. Namumula yung buong mukha nya. Ibang-iba dun sa nakilala ko.

After kumain inabutan nya ako ng gamot. "Inumin mo yan."

"Magaling na ako. Hindi ko na kailangang uminom ng gamot." Patayo na ako ng kinuha nya yung kamay ko at inilagay nya ang gamot.

"Gumanda lang ng konti ang pakiramdam mo akala mo magaling ka na!" pang-aasar nya. Tumayo na sya at nagliligpit ng pinagkainan.

Hinawakan ko sya sa kamay para pigilan sa pagliligpit. "Ako naman ang gagawa nyan ngayon."

Ngumiti lang sya at pinagpatuloy yung ginagawa nya. "Inumin mo muna yang gamot mo." Dumiretso na sya sa sink.

Wala naman akong choice kundi inumin yung gamot. Then tinulungan ko na sya.

Nakakatuwa lang na isipin na ang barumbadong tulad nya eh madaming alam at kayang gawin. Naalala ko yung una naming pagkikita sa jewelry store. Nakakainis sya. Pero ibang-iba sya ngayon. Napapangiti ako habang naghuhugas ng plato.

"Anong nginingiti mo dyan?" Iniabot nya pa yung mga huhugasan ko. "Sigurado ka bang kaya mo na?"

"Oo naman. Magpahinga ka na dun sa taas. Ako na lahat muna. Magluluto din ako ng lunch." Then I winked.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon