"Ganito ang maglinis." sabay halik niya sa'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.

Napapikit naman ako at lalaban na sana sa paghalik niya pero bigla niyang pinutol na ikinasimangot ko. Hinabol ko pa ang labi niya pero umiwas siya at natawa.

"Naaadik ka na sa halik ko 'a." tumatawang sabi niya at pinisil ang ilong ko.

Nangunot ang noo ko, "Bakit ako maaadik sa halik mo? Drugs ba yan?"

Napatigil siya sa pagtawa at biglang kinurot ang pisngi ko na ikinasigaw ko sa sakit. Masakit kasi ang mahahaba niyang kuko 'e, daig pa ang babae sa ganda ng kuko.

"Sorry, nanggigigil lang talaga ako sayong slow ft. pilosopo." umirap naman siya.

Napanguso nalang ako. Inilagay namin sa oven ang ginawa namin. Nilinisan din namin ang kalat sa buong kusina, hindi ko pa matapos matapos ang paglinis dahil binabato niya ako ng harina sa buhok tapos tawang tawa naman siya dahil para daw akong matanda. Sa ganda kong 'to, matanda?

Pagkatapos naming maglinis ay siya ding pag tunog ng oven, hudyat na luto na.

"Hoy." tawag ko sa'kanya, napatingin naman siya sa'kin at ngumiti ako.

Idinikit ko ang hawak kong pizza sa pizza niya, "Cheers." natawa naman siya sa ginagawa ko at kumain kami habang nagkukulitan.

"Baby..." napatigil ako sa paghuhugas at napatingin sa'kanya na nakatingin pala sa'kin.

"Baby? Mukha ba akong bata?" napanguso ako at natawa siya.

"Yeah, your my baby." yinakap niya ako galing sa likod at pinag patuloy ko nalang ang pag hugas ko.

"Labas tayo." malambing niyang sambit.

Kumunot naman ang noo ko, "Ano namang gagawin natin sa labas?"

Sininghot muna niya ang leeg ko kaya nakikiliti ako. Hindi pa nga ako naliligo 'e.

"Mag de-date tayo." napatigil ako at napatingala sa'kanya.

Nakapatong ang baba niya sa ulo ko habang nakatingin sa'kin.

"Bakit tayo magde-date?" takang tanong ko.

Napabusangot naman siya, "Naisip ko kasi na hindi pa natin iyun nagagawa. Kaya please, date na tayo."

"Sige, sige!"

Pagkatapos kong makapag palit ng damit ay bumaba na ako. Nakasuot lang ako ng white t-shirt at black silky pants tinernohan ko ng paborito kong white rubber shoes at dinala ko din ang pink shoulder bag ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Ay-Ay na nakaupo ng pang babae habang may binabasa. Magulo ang buhok niya at medyo natatakpan ang mata niya. Nagulat naman ako dahil pareho kami ng suot maliban lang sa maong pants niya. Ang gwapo ng asawa ko!

Tumayo siya ng makita ako at tumakbo naman ako papunta sa'kanya at umangkla sa braso niya.

"Saan tayo magde-date?" excited kong tanong.

Tiningnan niya muna ang suot ko at natawa, "Couple na couple tayo 'a."

Ngumuso ako, "Hindi mo sinagot ang tanong ko."

Ginulo niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.

"Basta."

Gulat akong napatingin sa lugar kung saan kami magde-date. Napatingin ako kay Ay-Ay na nagniningning ang mga mata.

"Sa MCDO tayo?!" sigaw ko.

Natawa siya at tumango. Napa 'yes' naman ako at hinalikan ko siya sa pisngi sa sobrang saya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now