Chapter 31: kidnapped

620 29 0
                                                  

×PATRICIA×

Hindi ko sinasadya.. Hindi ko sinasadyang sigawan ang mga kaibigan ko.. Pero anong magagawa ko?! Bestfriend ko ang nawala. Nawala sya ng hindi manlang nagpapaalam, kahit sa panaginip manlang.. Mahal na mahal ko si Lucy, kasi kaibigan ko sya.. Two years na kaminv magkaibigan ni Lucy.. Pero sa hindi inaasahan, bakit ngayon pa sya nawala? Bakit?!

Hindi ko alam, kung bakit nasisi ko kagad si Tory.. Pero hindi ako maintindihan, kung bakit nagka-kutob ako. Nung naalala kong sinamahan ni Tory si Lucy.. Nung bumaba sila ng jeep.. Kinabahan kagad ako. Pero agad ko ring binalewala. Yung kaba na yon.. Hindi ko nagustuhan.. Pero si Andy na ang nauna.

Sinunod nya ang kutob nya.. Habang ako na kaibigan ni Lucy, may kutob ako, pero hindi ko manlang pinansin..

'Lucy, sorry. Sorry kasi hindi kita sinamahan.. Lucy sorry. Hindi ko manlang naisip na ako na lang ang sumama sayo. Tama si Tory,, Dapat ako na lang sumama sayo. Para nakita ko lahat ng nangyari.'

"Patricia.." nilingon ko si Andy. Nginitian ko sya saka binalik ang tingin sa sahig.

Nasa libing nga pala kami ni Lucy ngayon. Ang sinabi namin sa Mommy ni Lucy, ay nasagasaan sya. Medyo nagalit pero naintindihan rin kami.

Tumabi sakin si Andy. "Sorry ha?"

Inangat ko lang yung ulo ko, nakatingin sa picture ni Lucy. Yung ngiti ni Lucy... Mamimiss ko yun. Yung boses ni Lucy... Mamimiss ko yun. Lucy, andyan ka lang naman sa tabi ko diba?

"Sorry saan?" tanong ko.

"Kung kelan wala na sya... Saka lang ako nagpatawad. Saka ko lang sya pinatawad."

Ngumiti ako sabay tingin sa sahig. "Wag sakin.. Kay Lucy. Haha."

"Kinausap ko na sya.. Pinapatawad na raw nya ako. Haha."

"Tss. Mabait sya e.. Papatawarin ka talaga nya.." hanggang sa umiyak na naman ako. Nakapikit mga mata ko, hinahayaang maglabasan ang luha.

Naramdaman ko ang pagakbay ni Andy sa balikat ko kaya napasandal yung ulo ko sa balikat niya.. Dahil na rin yata sa iyak ay napayakap ako sa bewang ni Andy..

"Nagagalit ako..s-sa sarili ko."

"Bakit?"

"tama si Tory... Dapat nga, sinamahan ko si Lucy. Para ako ang nakakita ng lahat.. Nagagalit a-ako sa sarili ko..D-dahil..Dahil hinayaan ko syang umalis.."

Himas himas ni Andy yung balikat ko. "Ssh. Wag mong sisihin sarili mo.. Dahil hindi ka naman sinisisi ni Lucy e."

"Oo nga.." sagot ko ng nakangiti. Kumalas na kami sa pagkakaakbay nya at sa oagkakayakap ko sa kanya, nagaktinginan at nagngitian.

"Salamat Andy.. Salamat kasi.. Kasi kahit papaano, sinunod mo yung kutob mo. A-ako kasi e.. Kinutuban ako.. Pero hindi ko pinansin.. K-kaya yata n-napahamak si Lucy.."

"minsan kasi.. Yung kutob na yun, minsan.. Yan yung nagtuturo sayo ng daan para malaman kung ano ba yung nararamdaman mong yun.."

Tama. Tama sya.

×MIRELLA×

"Tingnan mo si Pat at Andy oh.. Parang may relasyon. Hahaha." natatawang sabi ko..

"Uy, Mirella. Wag ka ngang magbiro dyan. Nagiiyakan lang sila.. Dahil sa pagkawala ni Lucy. Tsk." saway sakin ni Warren.

Inirapan ko sya. "Sakyan mo na lang yung joke ko.. Kung gusto mong magkausap tayo ng maayos."

"E hindi ko kasi gusto yung joke mo e."

"Edi wag mong pansinin!" bulong na pasigaw kong sabi.

"E pag di ko pinansin, baka di ka pa tumigil!"

"tama na. Mirella, Warren." saway naman ni Mirae. Na ewan ko kung tulala lang ba sa kabaong ni Lucy. O talagang, tinititigan lang yun.

"ikaw kasi." sabay turo ko kay Warren.

Napaturo sya sa sarili nya. "Anong ako?! Ikaw--"

"Tama na nga diba?" saway uli ni Mirae, ganun parin. Kung san sya nakatingin.

Lumipat ng upo si Warren. Tumabi sya sa kabilang side. Kaya nasa pagitan namin si Mirae.

"Mirae.."

"Hindi ako okay." putol ni Mirae sa sasabihin ni Warren.

Tumangi tango lang si Warren. Sabay himas sa likod ni Mirae, biglang umiyak naman si Mirae. "Warren, pinaiyak mo na naman.." sabi ko habang nagaano yung parang para sa mga 'lagot ka' na mga tao. Ah basta.

"Tsk. Wag kang magjoke. Tssk!"

Binalik nya ang tingin nya kay Mirae. "Mirae, nasa tabi lang natin yung si Lucy.. -!#*/!*#?@(@#!" hindi ko na pinakinggan pa yung sinasabi ni Warren kay Mirae, nung kuwitin ako nitong katabi kong si Wendell.

"Ha?"

"Samahan mo nga ako, bibili ng tubig sa labas."

"Aish. Wendell naman. Lalaki ka, nagpapasama ka pa sakin. Ano ka chix?" sabay tawa ng mahina ko.

Inis na nagkamot sa ulo si Wendell. "Kainis ka naman. Ang hyper mo." sabay inis na tayo sa upuan papalabas.

Wala naman yatang bilihan ng tubig dito e. O meron?

×WENDELL×

Paglabas na paglabas ko, nakita ko na yung ewan ko.. Pero yung index finger nya nakadikit sa labi nya. Ano yun? Manahimik ako? Yun ba gusto niyang palabasin?

Nagkibit balikat ako at naghanap ng tindahan. Uhaw na uhaw naman kasi talaga na ako e.

Saglit akong napatigil, sabay hawak sa braso ko biglang arte na para bang nilalamig. Nakakatakot yung paglabas ko.. I feel something strange.

Lumingon ako, nakita ko lang dun yung lalaki.. Ang sama ng tingin sakin, pero nakangiti ng parang mabait. Magulo ba ako? Pasensya na. Pero yun talaga ang mukha nya ngayon e.

Napakunot noo ako, pero nagkibit balikat rin ako saka tumalikod na uli para puntahan na yung tindahan na nakita ko.. Kailangan ko pang tumawid e. Ano ba yan.. Anong oras na ba?

Tumingin ako sa relo ko. 5:30 pm na pala. Umuunti na mga tao.

"Wendell, wait!" lumingon ako,

"Akala ko ba. Ayaw mo?" sabi ko sabay ngisi at lagay nung mga kamay ko sa bulsa.

"Uhaw rin ako e."

"Tss. Ed--" pero nagulat ako sa biglang may nagtakip ng bibig atnilong ko gamig yung panyo nya. Napahawak kagad ako sa braso nung gumawa nun at nanlaki mga mata ko.

Pero alam kong si Mirella ang tumawag sakin.. Narinig ko pa syang isigaw yung pangalan ko. Pero, nagdilim na lahat ng paningin ko.. Dahil sa naamoy kong mabaho..

Sino to? Sinong gumawa nito?

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon