Chapter 35

56.3K 624 4

CHAPTER 35

JAMES

"James!" Si Pen sa phone.

Kalalabas ko lang ng banyo ng tumunog ang cellphone ko.

"What's wrong?" Sabi ko.

"May ibabalita ako sayo! Hindi ko kasi ine- expect na kakausapin ako ni Mr. Gomez tungkol dito." Sabi niya.

Napatigil ako saglit. Gomez. Ang daddy ni Crystal ang tinutukoy niya.

"So?" Maiksi kong sagot.

"Gusto ka niyang makausap." Sabi niya.

Ilang segundo akong natahimik.

"Bakit daw?" Tanong ko na lang.

Himala. Ako? Gusto niya talagang makausap? Matagal na kaming tapos ng anak niya, hindi naman ako nanggugulo, ano pa bang gusto nila?

"Kung gusto mong malaman, pumunta ka dito sa office niya. Dali na." Sabi niya.

"No." Sabi ko.

Para ano pa?

"Hay naku James kapag hindi ka pumunta, sasamahan ko siya diyan sa unit mo para kausapin ka." Si Pen.

"Can you just tell me why? I don't understand kung bakit kailangan naming mag- usap." Sabi ko.

"Paano mo malalaman kung hindi mo kakausapin?" Si Pen.

"Ano pupunta ka?" Si Pen ulit nung hindi pa rin ako nagsa- salita.

"No." Sabi ko sabay baba ng cellphone.

Wala akong maisip na dahilan kung bakit kailangan kong magpunta at kung bakit ako kakausapin.

Napag- desisyunan kong hindi magpunta.

Kinabukasan habang nanonood ako ng tv ay biglang tumunog ang phone ko. Si Pen.

"Hello." Sabi ko sa kabilang linya.

"Mr. Gomez wants to talk to you." She said.

"I told you-" sabi ko pero hindi niya ako pinatapos.

"Here he is." Sabi niya at kasunod noon ay ang boses lalaki.

"James," sabi ng boses lalaki.

Hindi ako sumagot, naghintay lang ako ng sunod na sasabihin niya.

"I heard what you're going through right now and I want to help you." Sabi sa kabilang linya.

"Sir, hindi niyo po ako kailangang tulungan. Hindi ko po kailangan ng tulong." Sabi ko.

"Please James, I need to talk to you. Magkita tayo. I have something to tell you." Sabi sa kabilang linya.

Hindi ko sila maintindihan, bakit hindi niya pa ako diretsahin sa telepono at kailangan pang magkita. Hindi ba nila alam na napakahirap harapin at makita ang mga bagay at tao na makapagpapa- alala sa babaeng nang- iwan sakin?

Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para makipagkita sa daddy ni Crystal basta ang alam ko ay magkaharap na kame ngayon.

"Alam kong magkaibigan kayo ng secretary ko, kaya I asked her about you. I knew what happened about your family, I'm sorry for that. I am really sorry. " Sabi ng daddy ni Crystal.

"Sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin." Sabi ko.

Ayoko ng maalala lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko.

"I want to help you. I knew na wala ka ng trabaho." Sabi niya.

I smiled with bitterness.

"Bakit? May pakialam pa ba kayo?" Tanong ko.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!