Tinanggal naman ni Lysa ang kamay ni Micko.

"Micko, basta kahit anong mangyari, makahanap ka man ng mas better pa sakin, mas perfect pa saakin, tandaan mo hinding hindi ako magbabago, mamahalin kitang patago kahit masakit dahil alam kong masaya ka"

"pero Lysa, alam mo bang sayo lang ako sasaya ng ganito? ikaw lang ang makakapagpadama saakin ng ganito" sabi ni Micko.

"Micko, mahal na mahal kita.. hindi kita masisisi kung may makita ka pang iba, basta tandaan mo kapag dumating yung araw na yun, piliin mo siya. Kasi hindi ka naman magkakahanap ng iba kung kuntento ka na sa isa" sabi ni Lysa.

"alam mo ba kahit makahanap ako ng iba ikaw pa din ang pipiliin ko" sabi ni Micko.

"ha? bakit?" nagtatakang tanong ni Lysa "pero diba kaya ka nga nakahanap ng iba kasi di mo na ako mahal"

"sino bang naging daan ko para makahanap ng iba? diba? ikaw din, kaya kung makahanap man ako ng iba, ikaw pa din ang pipiliin ko. Dadaan lang yun sa buhay ko in the end ikaw pa din ang pipiliin ko"

Ngumiting konti si Lysa.

"basta ako, hindi na ako maghahanap pa ng iba, dahil nang makita kita hindi nga kita hinahanap pero dumating ka, kaya bakit pa ako maghahanap eh ikaw lang sapat na"

"I love you" sabi ni Micko sabay kiss sa cheeks ni Lysa.

"I love you more, more and more" sabi ni Lysa "sige na, baka dika pa makauwi"

"bye" 

"bye"

Pagkaalis ni Lysa.

Pumasok na siya sa loob.

"HAROYYYYYYYYyyyyyyyyyyyy! kanina, away-away ngayon sweet-sweetan na? bukas kaya???" salubong ni Camille.

"hay bes talaga, tara kain na nga lang tayo" sabi ni Lysa.

"ayoko! diet ako" sabi ni Camille.

"ayaw mo? okay gagawa pa naman ako ng maki, mainvite na din si Jay" sabi ni Lysa.

"maki-jay?"

"JAYYYYyyyyy!" natatawang sabi ni Lysa.

"I mean MAKI!"

"huli ka na, wag na i-deny okay?" sabi ni Lysa.

"wag kasi bes, alam mo namang may gusto pa sayo yun, ayokong maging rebond!"

"C'mon bes! antagal na nun, mabuting magkaibigan na talaga kami ni Jay ano! sayo na siya Mille"

" WOW! parang nagpapamigay lang ng tuta ah, buti kung cute" sabi ni Camille.

"cute naman si Jay ah"

"cute nga" nadulas na sabi ni Camille.

"NO COMMENT nagugutom na ako" tawa ng tawang pumupunta si Lysa sa kusina.

 "UY! bes naman. ayoko kasing sakin mang galing" sabi ni Camille.

"ha? ano?" sabi ni Lysa sabay kuha ng mga ingredients sa ref. "mango? o berries?"

"both" sabi ni Camille at umupo "eh, basta bes. ayoko sakin mang galing na gusto ko siya, haha"

Kinuha ni Lysa ang phone at may tinawagan.

"JAY!" sabi ni Lysa "hi JAY MY LOVES, punta ka dito kena Camille"

"eto eh oh" comment ni Camille.

"sige-sige! we'll wait okay? ingat.. SEE YOU LATER" sabi ni Lysa at kumindat pa kay Camille.

"LOKARET KA!" sabi ni Camille.

"bakit?" sabi ni Lysa "ikaw, alam mo? kapag nalaman yan ni Micko, ay! ewan ko lang talaga! baka ikaw naman yung kumakatok katok sakanila"

PA-FALL GUY (FAN-FIC) (ON GOING)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!