Chapter 50 - Only You

497K 7.2K 354
                                    

To Princess_Almay: Sorry if natagalan... This is for you. ^_^

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

*Patricia's POV*

Ininda ko ang pagod, gutom at init ng araw habang naglalakad ako ngayon sa gilid ng daan. Nauubusan na kasi ako ng perang pampamasahe. Ang totoo, nanghiram lang ako ng pera kay Mamita Mylene, ang nakausap kong kapitbahay nina Kaz at Vivienne. Hindi naman makapal ang mukha ko, napansin lang niya na malungkot akong nagdidilig ng halaman kaya nilapitan niya ako. Nagkausap kami at nalaman ko na siya pala ang tinatawag ng karamihan na Mamita dahil sa sobrang malambing ito sa mga nakilala. Nalaman ko rin na siya si Mrs. Mylene Tamayo na may-ari ng puting mansion na itinuturing pinaka-magarbong mansyon sa buong subdibisyon.

Hindi ko tuloy mapigilang mangulila sa sarili kong ina kaya kahit sandali lang kaming magkakilala ay naisiwalat ko sa kanya ang mapait kong karanasan. Naawa siya sa akin kaya bibigyan niya sana ako ng pera. Ayoko namang tanggapin ito kaya pinasok niya ito sa bulsa ko at sinabing utang ko na lang daw yun.

Kaya mas lalong lumaki ang pas-anin ko dahil hindi lang ako naiilang kina Kaz at Viv na ngayon ay napapadalas na ang away, may utang pa ngayon ako na dapat kong bayaran. Ngayon na nalaman kong binabayaran pala ni Stuart ang mga kompanyang pinag-applyan ko ng trabaho, mas lalo akong nanlumo dahil wala na talaga akong matatakbuhan.

Tatawid sana ako sa daan nang biglang may humarang na sasakyan at bumaba dito ang taong tinakbuhan ko kanina.

"Get in the car!" utos niya habang nakakunot ang noo.

"Ano ba Stuart? Lubayan mo na ako!" napaatras ako.

"Hanggang kailan ka ba magmamatigas, Patricia?" masidhi siyang tumitig sa akin, "halatang pagod ka na kaya sumakay ka na."

"Alam mo naman palang pagod na ako, bakit mo pa ako pinapahirapan?" hindi ko na mapigilang sumigaw sa kanya, "tama na, Stuart. Maawa ka naman sa akin."

"Alam kong mahal mo pa ako, Patricia. Nagalit ka lang pero mahal mo ako," lumapit siya sa akin kaya hindi ko napigilang sampalin siya.

"Sinong ginagago mo, Stuart?" tumulo muli ang mga luha ko, "Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi lang ako galilt. Galit na galit kaya pwede ba," hinampas ko dibdib niya gamit ang shoulder bag ko, "hayaan mo na akong lumayo."

"Pahirapan mo ako, sampalin, hampasin o pahiyain all you want if that will make you feel better just don't forget that you are mine," mariing sabi niya habang ininda niya ang bawat hampas ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang higpit na pagkahawak niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya, "You are mine, Patricia. I have my mark on you and that will stay even in another lifetime. There's no escape, Love, the choices you only have is to love me or to even love me harder."

Pakiramdam ko ay nahihilo na ako kaya inipon ko ang lakas ko para apakan ang paa niya saka tadyakan ang kanyang gitna at para hindi na niya ako mahabol, binato ko pa siya ng sapatos. I never thought I'd be this physical pero naiintindihan niyo naman ako di ba? I can't stay close to him; hindi ko kayang langhapin ang hanging nilalanghap niya dahil mas lalo akong nasasaktan. Mahal ko siya pero hindi pa rin nababago ang katotohanang pinsan ko ang ina ng nag-iisa niyang anak.

Masama na kung masama pero sa pagkakataong ito, mas gugustohin kong iligtas ang sarili kaysa magpaka-martyr muli.

'I am done dying many time for you, Stuart' bulong ko sa sarili ko, 'now is the time for me to live for myself.'

Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon