ALAS-SIYETE na ng gabi nang dumaong ang barko sa pier ng Davao. Isang tipid na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Nayumi habang pinagmamasdan ang abalang pier.
Ang nagkakagulong mga porter ay nakaabang na sa mga pasaherong bababa; ang mga cigarette at food vendor ay di-magkamayaw sa pagsigaw sa kanilang paninda; ang mga driver ng mga paupahang sasakyan ay naghihintay at isinisigaw sa mga pasaherong nakaabang na sa paglapat ng barko sa pantalan ang lugar na patutunguhan.
Sa tubig ay naroroon ang mga batang hubad na nakasakay sa kani-kanilang bangka, humihingi ng kahit na magkanong barya na ihulog mo at sisisirin nila iyon.
And Nayumi was surprised that they usually got the coin. Ginaya niya ang ilan sa mga pasaherong naghulog ng barya. Sabay-sabay niyang inihulog ang ilang coins sa tubig. And to her fascination, the boys dove expertly and got all the coins before they reached the sea bottom.
"Sorry, wala na akong coins," she mouthed, kasabay ng paglahad ng dalawang kamay.Kasalukuyang ibinababa ng mga tripulante ang anchor sa pantalan. Nanatili siya sa upper deck kahit na isa-isa nang nagsibabaan ang mga pasahero sa lower deck upang abangan ang paglalatag ng andamyo. Hindi niya gustong makisiksik sa mga sasakyang ilalabas ng mga pasahero. Bukod pa roon, naaaliw siyang pagmasdan ang sarisaring eksena sa ibaba. Iyon ang unang pagkakataong tutuntong siya sa Davao.
Hindi niya tiyak kung tama ang ginawang iyon. She had thought it for the umpteenth time when the luxury ship left Manila two and a half days ago.
Umalis siya ng Maynila upang lumayo muna sandali at mag-isip. Muni-munihin ang pangyayari sa buhay niya nito lang nakalipas na mga araw. She felt so vulnerable. Alvaro deceived her. Kahit na nga ba maganda ang motibo, pero ang punto ay hindi ito tumupad sa pangako.
Natuklasan niya ang lihim ng pagkatao niya kasabay rin ng pagkatuklas na ang lalaking inakala niyang maipagmamalaki niya sa pamilya ay hindi naman pala karapat-dapat. It certainly had nothing to do with the pain and guilt she was feeling inside. Hindi pa yumayabong nang husto ang relasyon at damdamin niya kay Ranjo.
And Nayumi hadn't even shed a tear yet. At kung bakit sa Davao siya nagtungo ay hindi rin niya matiyak. Nang huminto ang barko sa Cebu upang magdiskarga, naisip niyang doon bumaba. But she'd been to Cebu a few times since the Navarros had a canning factory in Cebu. At walang magandang lugar doon na hindi pa niya narating.
And Davao was the last port before the SuperFerry sailed back to Manila.Humigpit ang pagkakahawak niya sa barandilya ng barko at wala sa loob na yumuko siya sa tubig. Naroon pa rin ang mga bata pero hindi ang mga ito ang nakikita niya. Sa halip ay tila nagkahugis sa tubig ang larawan ni Ranjo. Handsome and charming Ranjo.
How stupid of her, pero itinuring niyang romantic ang paraan ng pagtatagpo nila. Perhaps one of the reasons why she immediately had taken to him...
Pagkagaling ng parlor ay niyaya niya si Adora saTGIF, isang kilalang bar/restaurant sa Glorietta sa Makati. Pagkatapos niyang ibigay ang order sa waitress ay tumayo siya upang magtungo sa ladies' room. Sa pagtayo niya at paghakbang ay siya namang pagdaan ni Ranjo na marahil ay patungo rin sa men's room. Nagkabungguan sila.
Nabitiwan nito ang bitbit na malaking bag at sumabog ang laman sa sahig. Kasabay ng pag-usal niya ng paumanhin ay ang pagyuko upang damputin ang kumalat nitong mga gamit at tulungan si Ranjo na ipasok iyong muli sa bag. They were sample medicines and prescription pads.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 24 - Ivan Henrick (UNEDITED)(COMPLETED)
RomanceAnim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mula sa tangkang pag-kidnap dito. Hindi nakilala ni Nayumi ang tatlong taong nagligtas sa kanya. Pero...