Napudpod na ang daliri ko kaka-dial sa number ni Daryl hindi pa rin siya sumasagot. Nakakabwisit talaga 'tong lalakeng 'to! Alam naman niyang naiinis ako kapag hindi siya sumasagot na gan'to, eh! Gaano ba kahirap i-slide ang screen ng phone niya?! Tapos 'pag ako naman 'yung hindi sumagot sa kulang na lang pasabugin niya 'yung cellphone ko.
"Hoy, Yuka. Bakit 'di ka pa umuuwi?" sigang tanong sa 'kin ni Derek sabay kalabit sa likod ng ulo ko. Ang weird din ng isang 'to. Minsan bumabait, pero minsan parang nababaliw na. Buti nga huminto na siya sa pagbubunot ng mga buhok ko tuwing may exam.
"May hinihintay lang ako."
"Sino? Yung imaginary boyfriend mo?" mapang-asar na sabi nito na sinundan pa ng mga kapatid kong nagsulputan si likuran niya.
"S'yempre sino pa nga ba?" Tumingala si Trisha. "Mukhang umuulan pa naman. Sana sinabi mo sa imaginary boyfriend mo na magdala ng payong na hindi imaginary."
"Ang bad mo, sis!" kunwaring pinalo ni Trixie ang kakambal. "Tara na nga at baka abutan pa tayo ng ulan. Nasa parking na si mommy mag-shopping daw tayo omg!"
"Teka wait," pigil ko sandali sa kanila.
"Oh baket?" Tinaasan ako ng kilay ni Trisha. "Wag mo sabihing makikisakay ka? Hindi pwede at baka mangamoy 'yung car."
"Hindi naman ako makikisakay. Itatanong ko lang kung sa bahay kayo mag-di-dinner." Baka mamaya magluto lang ako ng para sa 'kin tapos magalit sila kapag dumating sila ng walang pagkain.
"S'yempre hindi. Duh? Anong tingin mo sa amin? Iuuwi pa muna ang gutom pagkatapos naming mapagod later sa mall? We're not stupid," singit na sagot ni Trixia.
"Ah okay. Sige 'yun lang naman. Ingat kayo sa byahe." Nakangiti akong nag-ba-bye sa kanila pero inirapan lang nila 'ko bago tinalikuran.
Maulanan sana 'yang mga mata niyo at hindi na tumigil sa pag-ikot. Hehehe. Joke lang po sorry, Lord! Sumakay na ako ng tricycle pagkaalis nila at hanggang sa pag-uwi ko ay tinatawagan ko pa rin si Daryl. Muntik pang masunog 'yung itlog na nilalaga ko sa kakaisip ng paraan kung paano ko siya mahahanap. Pati buong gang niya hindi ko ma-kontak! Tiyak na may ginagawa na namang kalokohan 'tong anim na 'to.
Kinabukasan napairap na lang ako sa mga text niyang puro sorry. Nagkayayaan daw silang uminom kasama no'ng frat group na mga kaibigan nila at nakatulog agad siya pagkauwi. Uminom pala tapos ngayon lang siya nagsabi?! Inis na itinaob ko ang phone ko at bumalik sa pagtulog. Weekend ngayon at may lakad na naman ang pamilya ko kaya ako lang ulit mag-isa dito sa bahay. Aayain ko pa naman sana siyang magkita kami kahit sa Silver Cage lang tapos babadtripin niya ako. Hmp!
Bumaba ako para magluto ng makakain dahil nakaramdam na 'ko ng gutom. Kaso sa kinamalas-malasan ko ay walang kahit ano sa ref! Oo nga pala't katapusan na ng buwan ngayon kaya kailangan na naming mag-grocery, Kaso ay wala namang iniwang pera si Auntie. Huhu. Nakanguso at haplos-haplos ko tuloy ang tiyan ko na umakyat pabalik sa attic.
Kinuha ko ang bag ko at chineck ang pera ko sa wallet. May pangkain pa naman pala 'ko kaso nanghihinayang akong gumastos. Huhu. Wala naman 'to sa budget ko ihh. Kapag gumastos ako ngayon tiyak na sunod-sunod na at hindi ko na mamamalayan na wala na 'kong pera ulit. Gano'n ako eh. Matipid pero kapag nagsimulang gumastos ako sa pagkain, parang nag-ma-magic at nag-di-disappear na lang bigla yung mga pera ko. Wow mga pera. Parang ang dami nun, ah?
Naligo at nagbihis ako para lumabas. Wala naman akong choice or else ay gusto kong magdusa sa gutom hanggang sa maisipan nilang kailangan na naming mag-grocery. Wala pa man ding mga karinderya rito sa amin—hindi uso. Kailangan ko pa tuloy mamasahe papunta ro'n sa pinakamalapit na mall.
"Hay naku naman talaga ang aga kong minalas ngayong araw," bubulong-bulong ko sa sarili ko habang isinasara ang gate.
"Where are you going?"

BINABASA MO ANG
BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)
Romance[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazing, alluring, adorable and captivating girl in his eyes. You could say he's crazy over her-- but hel...