[Yuka]
"Hoy hoy hoy, bumalik ka nga muna rito."
Napatigil ako sa pag-akyat ng hagdan dahil sa pagtawag sa 'kin ni Auntie. Ibinaba ko ng bahagya ang hawak kong tasa at naglakad pabalik sa kanya. Nasa living room kasi siya nanonood nung mga nagbebenta ng pampaganda sa TV.
"Ano po 'yon, Auntie?"
"Sabado ngayon 'di ba?"
Tumango ako. "Opo. May lakad po ba kayo?"
Iritado niya 'kong tinignan. Kahit malayo ako ay nabibilang ko ang mga guhit sa nakakunot niyang noo. Ano na naman kayang nagawa ko at feeling ko may hindi magandang ipinahihiwatig sa 'kin ang instinct ko. Napalunok ako nang umayos siya ng upo para harapin ako.
"Sabado ngayon eh bakit balak mo yatang humilata buong araw? May pa-kape-kape ka pa!" Matalim na pinukulan niya ng tingin ang hawak kong baso. "Hala akin na 'yan at maglinis ka ng buong bahay! Sinasabi ko sa 'yo kapag ako may nakitang alikabok mamaya, ikaw ag ipanglalampaso ko."
Pinaalis niya 'ko sa harapan niya pagkatapos kunin ang hawak ko. Nagkakamot ng ulo tuloy akong pumunta sa kusina at medyo nagulantang ako sa inabutan ko. Tambak na mga hugasin sa lababo at mga nanigas na pinagkainan sa lamesa na hindi man lang iniligpit. Tumingala ako sa kisame para kalmahin ang sarili ko.
Bago ako natulog kagabi, sinigurado kong wala akong naiwan na kalat dito sa kusina. Tapos ngayon alas-syete pa lang ng umaga, ganito na agad ang itsura rito?? Gaano ba kahirap ligpitin at hugasan ang sarili nilang mga pinagkainan? Ni hindi man lang binabad para hindi ako mahirapang maghugas! Hay naku na lang talaga.
"Yuka, anong almusal?" Nilingon ko ang bagong gising na si Tricia na umupo sa lamesa. Wow bagong hairdo, ah. May mga highlights ang mahaba at mukhang bagong straight din nitong buhok.
"Hindi ko pa alam, eh. Check mo na lang sa ref kung anong meron. Lutuin ko after ko rito." Grabe naman kasi sa tindi itong dumi ng mga hinuhugasan ko! Parang balak akong pagkuskusin buong weekend!
"Bakit mo 'ko inuutusan? Ikaw na kaya para after kong mag-breakfast tuluy-tuloy na lang 'yang paghuhugas mo? Ikaw talaga ginagawa mo pang kumplikado ang mga bagay-bagay." Umiiling na tinignan ako nito bago umalis at ako naman ay nakaawang ang bibig na iniwan niya.
Ako pa talaga ang gumagawa ng komplikasyon?? Eh kung siya na kaya mismo ang magluto ng kakainin niya para mas mabilis siyang makakain? Napapikit ako at dumiin ang pagkuskos ko sa mga hinuhugasan ko. Kung sigurong natuto pa 'kong magluto ng masarap ay baka ako na rin ang inutusan nilang maghanda ng tanghalian at hapunan! Buti na lang hindi ako marunong. Saktong pa-prito-prito lang ang alam ko.
Alas-dose na ng tanghali nang matapos ako sa kusina. Pinakain ko muna kasi ang mga alaga ko at nilinis ulit ang mga pinagkainan nila bago ako naman ang nag-almusal. Buti pa ang aso at pusa kapag pinakain mo, grateful. Eh sila, pinakain at pinagsilbihan mo na, ang sama pa rin ng mukha. Natatawa na lang akong inakyat sa attic ang mga damit nilang sinilong ko. Kailangan kasing plantsahin ang mga ito bago ko ilagay sa mga damitan nila or else ay sabay-sabay na naman silang magiging dragon para bugahan ako ng apoy.
Nasa kalagitnaan ako ng pamamalantsa nang may marinig akong kaluskos mula sa labas ng bintana ko. Napatigil tuloy ako sa pagkanta at pati na rin sa ginagawa ko. Hindi kasi ito simpleng kaluskos lang. Para kasing tunog tumatalon eh wala naman kaming pusa. Napalunok ako at pinatay ang plantsa ko. My heart started beating faster at agad na dinampot ko ang walis tambo sa tabi ko.
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa bintana ko nang biglang bumukas ito at nanlaki ang mga mata ko sa tumambad sa harapan ko.
"Daryl?!"

BINABASA MO ANG
BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)
Romance[Bloodshed Gang Series #1] Secret Trilogy: Secretly In A Relationship With a Gangster (Book 1 of 3) A Gangster secret love story with the most amazing, alluring, adorable and captivating girl in his eyes. You could say he's crazy over her-- but hel...