*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Candy's POV

"Kanina ka pa ba?" napalingon ako sa nagsalita.

"Medyo. Maaga kasi natapos ang klase ko." He nodded and led me to his car.

He started the car. "San mo gusto pumunta?" tanong niya.

"Park? Yung madalas natin puntahan dati." sabe ko sa kanya. He nodded. At pinaandar na niya ang kotse.

.....SILENCE.....

Grabe, ang awkward naman. Ngayon nalang ulet kami makakapunta sa park na yun.

Simula kasi nung nagbreak kami e, hindi na ako ulet pumunta sa park na yun. Dun kami madalas tumambay kaya maraming memories dun.

Ilang minuto lang e nandito na kami. Napangiti ako sa laki ng pinagbago ng park. Di na siya ganun kadumi. Hihihi.

Bumaba na kami ng kotse. Agad naman akong pumunta sa swing. Sumunod naman siya at umupo sa katabing swing.

Bigla nalang ako kinabahan. Di ko alam kung ano ang mga itatanong niya sakin.

"Dee..." napakagat ako sa labi ng banggitin niya ang tawagan namin. Hay...

"Dee, I know nasaktan kita. Pero yung nakita mo sa bar... that was a set up. Hindi ko talaga ginusto yun. I was drunk that time. Parehas kami ni Rain nun. And suddenly yung dala----"

"Teka ha. Masyado kang atat! Di mo manlang ako tinanong kung gusto ko bang marinig yang explanation mo!"

"Bakit, hindi mo ba gustong marinig? E alam ko namang yun ang kinagagalit mo."

"Na-ah-ah. Pangalawa lang yun. Di yun ang main reason kung bakit ako galit sayo." sabe ko sabay cross arms. Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

"Ha? E ano yang main reason na yan?" tanong niya.

"Wag na muna. Sige kwento mo na ulet." sabe ko sabay upo ng maayos.

"Grabe ka ha. Pinatigil-tigil mo ko tapos---"

"Dalian na! Puro dada pa e." inis kong sabe. Napa tsked naman siya.

"Okay. Simulan nalang natin sa umpisa."

FLASHBACK

Lucas' POV

"Dude, magiinuman daw sila Mark sa bar mamaya. Sama tayo." sabe ni Rain.

"Ha? Sige, paalam lang ako kay Dee." sabe ko sabay kuha ng phone. Pero bigla naman niyang hinablot.

"Wag na! Alam mo namang di ka papayagan nun e. Diba pinagbawalan ka na nun magbar." napakamot naman ako sa ulo.

"Okay. Anong oras ba yun?" tanong ko.

"Mga 8 daw. Sunduin mo nalang ako. Tinatamad ako magdala ng sasakyan." sabe niya. I nodded.

"Hoy, sinasabe ko sayo. Wag tayo masyadong uminom. Baka malagot tayo kanila Dee." paalala ko sa kanya.

"Oo. Alam ko yun. Ayoko ngang magalit sakin si L." sabe niya.

***--***

"Grabe. Bat parang ang daming tao?" tanong ko pagkababa namin sa sasakyan.

"Ewan ko. Ang sabi magiinuman lang daw sila e." kibit balikat na sabi ni Rain.

Pumasok na lang kami sa loob. Ang dami ngang tao. Bat ganito?

Nilibot namin ang mga mata namin hanggang sa makita namin sila Mark.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!