Prologue

11.5K 232 10
                                        

"Makasarili ka! You just want everything to yourself kahit nakakasakit ka na sa ibang tao! You are selfish, Azari! Isa kang sakim!"

Paulit-ulit na tumatakbo sa utak niya ang mga binitawan ng kaniyang kapatid. Mapakla siyang tumawa at uminom mula sa basong may lamang tubig na hawak niya, kasabay ng paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata.

Tinatanaw ang madilim at walang hanggang karagatan mula sa bintana ng kaniyang kuwarto, nakabukas ito kaya ramdam niya ang paghampas ng malamig na hangin sa kaniyang balat. Bahagyang tinatangay nito ang kaniyang mahabang buhok at ang suot niyang puting seda, tinutuyo ng hangin ang kaniyang luha ngunit laging may panibagong lumalandas sa kaniyang magkabilang pisngi.

"Azari!" malakas na sigaw ng boses sa kaniyang pangalan.

Napatingin siya sa may pintuan ng kaniyang silid nang marahas itong bumukas at humampas sa pader ang seradura na naging dahilan ng malakas na ingay, marahan niyang binitawan ang hawak na baso sa center table at hinarap ang taong walang sabing pumasok.

Her father was looking at her furiously, breathing hard and clenching his hands na para bang handang-handa na siyang saktan dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata nito.

She wasn't shocked at all dahil inaasahan na niyang makakarating ang naging usapan nila ni Ayara sa kanilang ama.

"Is it true?" his voice was full of danger, urging her to tell the truth.

Kahit alam niya kung ano ang tinutukoy nito ay pinili niyang 'wag sagutin at mag-maangan.

"A-About what, Dad?" hindi na niya mapigilang hindi mautal dahil sa kaba, bumundol ang takot sa kaniyang dibdib dahil sa mga posibilidad na puwede nitong gawin.

Marahas na naglakad ito palapit sa kinatatayuan niya at walang pag-iingat na hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat, napangiwi siya sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniya.

"Don't lie to me, Azari! Sabihin mo sa akin ang totoo! Are you pregnant?" he asked with so much rage.

Naramdaman niya muli ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng mga mata niya dahil sa luhang nagbabadyang bumuhos pero pinigilan niya ang mga itong tumulo kahit gusto nang sumabog ng dibdib niya dahil sa sari-saring emosyon na gustong kumawala sa kaniya. Tumitig siya rito, ginantihan ang nanlilisik na tingin sa kaniya.

Why is he furious at me? Masiyado bang nasaktan ang anak niya kaya halos pagbuhatan na ako ng kamay?

She felt something warm fell through her cheek because of that thought, too late to realize that she's already sobbing.

"Tell me!" yugyog nito sa balikat niya. Pumikit siya ng mariin at hinawi ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang balikat.

"Yes, Dad. I am damn pregnant!" buong puso niyang sigaw na para bang 'yon lang ang paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Her heart felt so painful. Naninikip ang kaniyang dibdib and she doesn't want it. Napaatras siya nang umangat ang kamay nito para saktan siya ngunit para itong natauhan sa gagawin, his hand hanged in the air.

"A-Ano?" takot niyang untag. "Sasaktan niyo a-ako?" hindi makapaniwalang tanong niya, still crying hard.

"Sino ang ama ng dinadala mo?" he asked again, ignoring her questions.

Hinawi niya ang ilang hibla ng kaniyang basang buhok dahil sa luha na humarang sa kaniyang mukha at sinalubong ang galit nitong mga mata.

"Your daughter's fiance." she heartlessly admitted. "Is that what you want to hear, Dad? Oo! Anak ng magiging asawa ng anak mo itong dinadala ko! Si Gregor ang ama ng pinagbubuntis ko!" napapaos na niyang sigaw.

"H-How could you do this to your sister, Azari?" basag na boses nitong tanong sa kaniya, hindi makapaniwala at hindi matanggap ang kaniyang ginawa. His eyes were filled with disgust and disappointment.

It hurts her. Umiling siya at pinilit na ngumisi, she stepped back to distance herself from him. He's asking why she did all of these shits? He has the guts to ask why she hurt his oh-so-precious daughter pero sa kaniya pagkatapos ng ilang taon wala siyang natanggap na kahit tanong man lang mula rito! He didn't even ask how or what she's been through with all those fucking years!

I hate you so much!

"No, Dad. How could you. How could you do this to me? Hindi ako magiging ganito kung hindi dahil sa'yo! Sa inyo! You all made me like this, Dad! You fucking made me do this!" sigaw niya, gusto niyang mawala ang poot na ilang taon nang kinimkim.

Sakit na matagal na niyang gustong mawala!

"You're unbelievable—"

"Fuck, I am." putol niya sa sasabihin nito, her father was just looking at her. "But you know what? I don't want this child inside me. I want to fucking get rid of this baby!"

Lies, kahit siya mismo ay parang sinasaksak sa kaniyang mga sinasabi. It's the only way to save her baby, ang ipakitang wala siyang pakialam.

I am so sorry, baby.

"I am glad that you already know what to do." he spat.

Muli siyang napahikbi sa narinig. At hahayaan talaga nitong patayin ang anak niya?

Mga walang puso!

"Of course, Dad. I k-know what to do. You want me to abort this baby, right? Para kahit papaano ay maituloy ang kasal ng anak mo at maging masaya siya?" muntik nang pumiyok ang kaniyang boses dahil sa sakit na nararamdaman. May kung anong batong nakaharang sa kaniyang lalamunan kaya tila hirap siyang magsalita.

He wants me to abort my child for her daughter's happy ending. Great!

Hindi ito sumagot sa kaniyang tanong.

"I will leave and go somewhere far from you. And this baby will disappear, as what you want." pinunasan niya ang kaniyang luha at mapait na ngumiti rito.

"Azi—" she cut him off sa pamamagitan ng pagtaas ng kaniyang kamay.

Shes doesn't want to hear anything from him. Pagod na siya, pagod na pagod na.

"I will disappear in you life like you always want me to do." tanging sambit niya at tinalikuran na ito.

This is what she got, baka ito na nga ang sinabi ng kaniyang isang kaibigan na magiging karma niya. At tama nga ito.

Vengeance seized her soul.

And now, she's dealing with all the pain.

Vengeance Seized Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon