ii.

8 1 0
                                    

This is the original story that I posted a year ago.



"Haven't you heard? Lucien and Diana are dating again." i rolled my eyes heavenwards at my cousin, Lashka.

Lucien Kallean is my dearly beloved ex. Yes, 'ex'. It's been 5 years since we broke up yet I still can't move on.

"So?" tumaas ang kilay ko na ikinatawa ni Lashka ng mapakla.

"We both know na mahal mo pa din ang ex mo. Ipagpapalit ka na nga lang dun pa sa isa niyang ex." inis na sambit nito.

Tama siya, Diana Romero is his ex before me. Pero nag comeback sila kasi pokpok si Diana. Duh.

"I don't care Lash, I don't care anymore."

"Since when did you stop caring?" natigilan ako at nag isip kung ano ang isasagot dito.

"Since the day he broke up with me, I guess." I shrugged my shoulders at her. She just smirked at me before she walks out of my room.

Padapa kong itinapon ang katawan ko sa kama. The moment I closed my eyes, tears started to fall down. May mga katanungan pa din sa isip ko na kahit limang taon na ang naka lipas ay hindi ko pa din mahanapan ng sagot.

Kasabay ng pagpatak ng mga luha ang muling pagbalik ng mga alaalang gusto kong kalimutan.

I was walking in the hallway with my bestfriend, Vixor, nang makita ko ang ultimate crush kong si Lucien pero kasama niya ang girlfriend niya na si Diana.

Ouch lang.

'I'll have you one day, Lucien.'

Sinundan ko sila nang tingin ng dumaan sila sa harap namin. They look good together. Pero mas maganda kung tignan kung kami ni Lucien.

"Ayan na naman siya sa mga pangarap niyang hindi naman matutupad." pang aasar sa akin ni Vixor. Alam niya kasing head over heels talaga ako kay Lucien. Sino ba namang hindi? Gwapo, matangkad, mayaman, matalino, mabait, at talented pa. All in one. Ako na lang kulang sakanya.

"Shut it Xor! Dreams do come true!" singhal ko dito na ikinatawa niya.

"Nightmares are dreams too." pagkatapos non ay tinalikuran na niya at at naglakad papunta sa classroom namin.

Minsan hindi ko ma gets itong si Vixor. Bestfriend ko ba talaga ito? Hindi niya naman ako sinosoportahan sa taong gusto ko.

"Stop pouting, I might kiss you." natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Vixor. He might what?

Nagkamali lang siguro ako ng dinig. Hindi naman pwede yon, aside from we're not couples ay bestfriends lang kami. Tama. Pang aasar niya lang yan.

Habang naglalakad kami ay humiwalay ako ng tinatahak. Papunta sana ako sa cr nang may narinig akong nag aaway.

"Ano bang kulang sakin Lucien? Akala ko ba mahal mo ako? Binigay ko naman lahat ng ginusto mo pero bakit iiwan mo pa din ako?"

"Diana, I told you many times, what happened between us is just nothing. I didn't love you. I never did."

"Pero–"

"No buts Diana. Alam natin pareho kung sino talaga ang gusto ko at hindi ikaw yon."

Halos masapo ko ang bibig ko dahil sa aking narinig. Kung hindi talaga minahal ni Lucien si Diana, edi sino yung babaeng hahadlang pa sa akin na makuha siya? I want Lucien for me!

Lakad takbo ang ginawa ko para makabalik ako agad sa room. Delikado na baka mahuli pa nila akong nakikinig sa usapan nila. Baka maturn off sa akin si Lucien.

Still You, Always YouWhere stories live. Discover now