CHAPTER 5: REID'S PROPERTY

5.3K 175 59
                                    

NADZ' POV

Last day of shoot and almost 35 hours na ko walang maayos na tulog.  Aaaaaah.  I wanna sleep on my comfy bed. I wanna hug my babyyyy.  

"Hi Nadz!"

He's Joseph siya ang leading man ko.  Ewan ko ba kung clingy lang talaga siya oh type ako nito.  Kasi naman todo yan manglandi sakin.  Okay lang naman kasi 'for the team' and isa pa parehas naman talaga kami single. 

Inisod niya ang actor's chair niya palapit sakin.  Sanay na ko na ganyan siya kasi parang bff na rin kami.  We share some secrets and we started almost the same from nobody to stardom. Mabait siya and crush ng bayan.  Lagi kami nalilink sa isa't isa pero I'll tell you never talaga naging kami.  We're just close friends. 

"Totoo bang engaged ka na sa Mr. Reid na yon?"

Nagulat ako ngayon niya lang tinanong sakin ang about diyan. Well,  madami nagtatanong pero wala akong sinasagot ng diretso lagi lang ako nagsasabi na I want to keep it private ayoko naman kasi magsinungaling pa'no na lang diba pag nalaman na nila ang totoo?  At least wala akong dineny or inamin. Sa kakasabi ko nga ng 'private' nagsawa na ang mga tao sa issue at tinanggap na lang siguro nila, may fansclub na nga kami ni James tanggap din naman ng mga fans ko na engaged na ko pati ng mga fans namin Joseph ang nakakatawa lang kahit yung fans ng loveteam namin boto kay James. 

"Bakit mo naman natanong yan ngayon?"  

Hinarap niya ang mukha ko sa kanya hawak niya ang mukha ko.  Inaalis ko naman kamay niya pero di ko maalis!  Ugh

"Umamin ka.  Kilala kita.  Engaged ka na ba talaga?"

Bago pa ako magsalita..

"Yes!  We're engaged."

Tinanggal niya ang kamay ni Joseph sa mukha ko at hinala niya ko palapit sa kanya. Aray ha.  Ano ako laruan? 

"Why the hell are you touching my wife's face?!"

Sigaw niya kay Joseph.  Nagulat naman ako bakit nga pala andito 'to?!

"Dude sa pagkakaalam ko 'ENGAGED' pa lang kayo at hindi mo pa siya asawa."

Oh shet bakit ka pa sumagot Seph?! Nakakatakot pa naman magalit ang monster na 'to! 

"She's mine!"

Uh-oh monster mode.  Naka-fist na ang kamay niya sa galit.  Kaya pinigilan ko siya konti na lang mananapok na 'to!  Haynako naman oh!

"Babe calm down! Seph pwede iwan mo muna kami?"

Lumabas si Seph na halatang galit na rin. 

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?"

Halata pa rin ang inis sa tono niya. 

Huhu monsterrr

"Nagpapahinga."

Tipid kong sagot sa kanya. 

"Nagpapahinga nakahawak pa sayo?"

Haynako jealous monster.

"Bakit nagseselos ka ba?"

Take that! 

"Yes."

Kinilig ako ng slight sa sagot niya.

"Teka nga pala.  Why are you here?"

Change topic!  Haha baka lalo lang 'to magalit eh. 

Finding Mrs. ReidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon