Cheska's POV

"Hoy nerd kong kapatid!! Gumising kana!! Tanghali na kaya, sige ka iiwan kita" patuloy niya parin ako niyuyugyog, nakakainis talaga si kuya ang aga-aga boses niya naririnig ko.

"Kuya pwedeng five minutes pa?" Sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko.

"Bahala ka na nga sa buhay mo!" narinig kong isinara niya na yung door ko kaya naman ay  napatingin ako sa orasan.

"Waaahhh!!!" tumayo ako agad at tumakbo ako papuntang Bathroom.Paano kasi fifteen minutes nalang male-late na ako.

"Anak kumain ka na muna" pagbaba ko nakita ko si mama na naghahanda ng breakfast at si papa naman ay nakaupo sa lamesa at nagbabasa ng newspaper at ang magaling kong kuya ay kain lang ng kain.

"Ma,kailangan ko nang umalis" sabi ko nalang sa hanila.

"Hintayin mo na ako" singit naman ni kuya na punong-puno pa ang bibig niya. Kaya hindi ko mapigilang tumawa dahil sa mukha niya.

"Yah! Anong nakakatawa?" Tanging sigaw niya.

"Bahala ka na nga aalis na ako" akma na akong lalabas ng biglang nagsalita ulit si kuya.

"Diba sabi ko sayo sabay na tayo" napatingin naman ako sa kanya,Lagot mukha siyang monster.

"Ok bilisan mo" wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa alok niya.

Well, close kami ng kuya ko kaso napapadalas talaga ang pag aaway namin minsan, parang mag kaibigan narin kami pero kapag pag dating ka kabarkada niya ay ibang usapan na daw iyon.

"Tara na" tumango lang ako at lumabas na ng bahay.

Pagpasok ko ng kotse niya ay pinaandar naman niya na agad yun medyo may pagka-kaskasero si kuya pero sanay naman na ako.

"Nerd,alam mo napakapanget mo" napatingin ako sa kanya at inirapan siya, talagang pinaalala niya pa ah

"Alam ko" nag smirk lang siya.

"Alam mo little sis. Bakit ang manang mong manamit? Hindi tuloy bagay sa gwapo kung mukha dahil yung kapatid ko ang panget panget,hahahaha "

"Pakealam mo" Nakakainis talaga siya akala ko mabuting kuya siya, sana hindi nalang siya bumalik dito sa pilipinas, HE IS SO ANNOYING!

Pagkarating namin sa school ay bumaba at tumakbo narin ako dahil ayaw kong malate. Tamang-tama lang ang pagkadating ko dahil kadadating lang rin ng teacher at itong mga kaklase ko namang babae ay kinikilig,siguro may transferre na naman.

"Waahhh! He's so handsome" kung makapagbulungan naman sila wagas.

"Kaya nga" hindi ko nalang sila pinansin at nag basa nalang ako ng book.

"Hi! My name is Xavier Maxwell, I'm from korea and I hope we can be friends and Ma'am can I seat next to that nerdy girl"

"Syempre naman Mr. Maxwell" napansin kong biglang tumahimik kaya napatingin ako sa paligid at napansin kong lahat ng girls ay ang sasama ng tingin sa akin, what's their problem? Wala naman akong ginagawang masama ah.

"What?"

Lumapit sa akin yung transferre at umupo sa vacant seat sa may tabi ko, ah kaya pala ganun sila makatingin, hugutin ko mga mata nila eh.

"B*tch" narinig kong bulong nila pero hindi ko nalang sila pinansin at itinuloy ko nalang yung pagbabasa.

Bigla naman ibinaba ni Mr. Transferre yung hawak kong libro na natatakpan na ng panget kong mukha.

"Hey Ms. Ganda, My name is Xavier,You" ano? maganda daw ako o niloloko niya lang ako.

"Hi! Ako naman si Cheska" pagpapakikala ko sa kanya at nag wink lang siya sa akin,yie! Ang gwapo niya talaga.

Being Slave Of Five Evil BoysBasahin ang storyang ito ng LIBRE!