25: Surprise

18.2K 819 352
                                    

| SURPRISE |

LUNA'S P. O. V

Another day with the guys. Nasa kwarto pa rin silang lahat kaya napagpasyahan ko ng gisingin si Ced na mabilis namang nagising.

"Ate, hilamos lang po ako tapos baba na rin po ako," sabi ni Ced saka bumaba ng kama kaya dumiretso na ako sa kwarto ni Kuya Jasper na tinutulugan ng tatlong kumag.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa pwesto nila kaya natatawa akong pumasok.

Si Alexus ang nasa kanang part ng kama at nakayakap sa kaliwang binti ni Lucas dahil nasa paanan niya ang ulo nito at nakayakap sa paa ni Raiven. Si Raiven naman ay nasa kaliwang parte ng kama na halos mahalikan na ang binti ni Lucas.

Kinuha ko ang phone ko kinuhanan ko ng litrato ang sarili ko kasama sila na mga tulog mantika kapagkuwan ay binulsa ko na ang phone ko.

"May sunoooog!" Sigaw ko kaya napabalikwas sila ng bangon. Si Raiven na umikot at nahulog sa sahig, "Fuck!"

Si Alexus naman na pumorma na parang may hawak na baril. "Damn it, Luna!"

At kung tatanungin niyo kung anong nangyari kay Lucas. Well, tulog pa rin siya at naglalaway.

"Bakit ganiyan ang pwesto ni Lucas?" tanong ko sa kanilang dalawa na nagkibit-balikat lang.

"Naging electric fan na naman," sabi ni Raiven saka tumayo at tiningnan ang sarili sa salamin. "Shit! Umagang kay gwapo."

"Umagang kay hangin." Pagtatama ni Alexus. "Goodmorning, Luna."

"Good morning din, Luna." Bati naman ni Raiven.

"Good morning sa inyo," sabi ko saka naglakad papalapit kay Lucas at inalog ito. "Gumising kana Lucas! Wala ng pagkain!"

Napabalikwas siya ng bangon at mabilis na inalis ang kumot sa paa. "Ha?! Ano?! Sinong umubos? Bakit hindi niyo ako tinirhan?! Parang hindi pamilya!"

Nagmamadali siyang lumabas kaya napailing nalang kaming tatlo at sumunod. Nang makababa kami ay nakapwesto na sina Ced at Lucas. Si Ced, halatang hinihintay kami dahil hindi niya pa ginagalaw ang pagkain na nasa harap niya pero si Lucas, nagsimula ng lumamon.

"Thank, God, someone had already tried the food for us," sabi ni Raiven na napa sign of the cross pa bago naupo sa tabi ni Lucas. Naupo na rin si Alexus sa tabi ni Ced.

"Wala lasa pero at least hindi na weird ang luto, hindi tulad dati na niluto niyang sinabawan na adobo." Kumento ni Lucas.

"May sasabihin ka pa ba, Lucas? Kasi p'wede ka namang umalis na." Suhestyon ko saka naupo sa tabi ni Ced at sinalinan ng gatas ang baso niya.

"Joke lang, Lu. Eto naman, hindi mabiro," sabi niya saka muling sumubo.

"Akala ko ba bermuda grass ang kakainin nila, Ate?" Pagtatakang tanong ni Ced nang iabot ko sa kaniya ang gatas niya. Napatingin ako kay Alexus. Masama na ang tingin niya sa dalawa.

"Fuck!"

"Shit!"

"Nasa harap tayo ng pagkain at nandito si Ced," may diin kong sabi kaya humingi sila ng sorry parehas.

"Fine. Continue what you are eating," sabi ni Alexus saka sumandok na rin ng sinangag.

"Thank you, Alexus. Hulog ka tala-" Hindi na natuloy ni Lucas ang sasabihin nang saksakan ni Raiven ang bibig niya ng hotdog. 

"But we'll eat vegetable salad later."

Namutla ang dalawa.

NASA sementeryo na kami at nasa harap ng puntod nina Mommy, Daddy, Ate, at Kuya. Nilagyan namin sila ng tig-iisang bulaklak.

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon