Kabanata 9

212K 4.5K 93
                                    

[Yuka]

Napatakip ako ng mahigpit sa bibig ko. Pati paghinga ko pinigilan ko 'wag lang nila 'kong makitang nagtatago rito. Lord, gusto ko pang mabuhay ng matagal. 'Wag muna ngayon, please? May narinig akong awkward na tawa. Kilala ko 'yung tawang 'yon. Sigurado akong si Kris 'yon!

"M-Madami yata kayong mga alagang pusa rito?" Omg. Nahalata kaya niyang nandito ako? Pati paglunok ko feeling ko maririnig nila kaya dahan-dahan akong lumunok.

"Walang pusa rito," nakakakilabot na sagot ng isang boses. Yun 'yung blonde na nagsalita kanina. "Check what is that sound."

"Wait." Boses 'yon ni Daryl. "Let's end this fucking discussion now."

"Kayo lang naman hinihintay namin para matapos 'to."

"Okay we'll agree."

"King! Bakit ka pumayag?!" Boses ni Dennis ang sigaw na 'yon.

"Hindi naman yata aprubado sa mga kasama mo?" Nagtindigan na naman ang mga balahibo ko sa pagtawa nito.

"Payag kami," Si kuya John! "If you guys still remember the 3rd rule in this gang world, our brotherhood doesn't just revolve around our respective gangs. Sa sitwasyong apektado ang lahat, kailangan nating makipagtulungan."

Napakirot ako sa pinagtataguan ko nang may malakas na pagsipa akong narinig at may malaking bagay yata ang tumumba.

"Putangina naman kasi, GD! Gagawa-gawa ka ng gusot na hindi mo kayang panindigan sa ibang bansa, pagkatapos babalik ka rito at idadamay mo kami sa katarantaduhan ng gang mo."

"Chill ka lang. Alam mo naman kung bakit galit sa parehong gang natin si Akira."

"That's enough. This deal is now settled and there's no need for you two to argue." Napakaseryoso ng boses ni hubby. Kahit hindi ako 'yung kausap niya kinkilabutan ako. Err.

Narinig kong umalis na 'yung gang ng Bigbang yata na kausap nila tapos tumahimik na. Naramdaman kong medyo kalmado na 'yung paligid kaya nakahinga na ako sa wakas ng maluwag. Or baka akala ko lang...

"Get out of your hiding place."

Hala may iba pang nagtatago kasama ko? Omg. Niyakap ko ang mga tuhod ko at mas itinikom ang bibig ko.

"I said...get out of your hiding place. Wag mong hayaan na hanapin pa kita."

Jusko sino ba 'yun? Bakit hindi pa siya magpakita kay Daryl? Pag ako nadamay pa rito kapag naghanap siya naku pareho kaming malalagot!

"Yuka Coleen!"

Namilog ang mga mata ko. Shems! Pangalan ko 'yon ah?!

"Present!" Tumayo ako ng nakataas ang dalawa kong mga kamay. Galit ang mga mata ni Daryl na tumitig sa 'kin kaya ako napaatras. Si Kris ang lumapit sa kinatatayuan ko.

"Bakit ka sumunod?! Di ba sabi ko hintayin mo lang ako sa sasakyan??"

"Why did you even fucking brought her here in the first place, Kris?! Do you not know it's dangerous?!"

"Sorry," sagot ni Kris.

"T-Teka 'wag ka ngang magalit sa kanya." Tinipon ko lahat ng lakas ng loob na baon ko ngayon. Huhu. Feeling ko ang konti lang ng dala ko dahil takot pa rin akong tignan siya ng diretso. "A-Ako naman ang nagpilit kay Kris na dalhin ako rito."

"What if they caught you here?!"

"Eh hindi naman ako nahuli," nakayukong sagot ko.

"Eh paano nga kung nahuli ka?!" Napatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon