Agad na akong tumakbo.

"Dia!"

Dumiretso agad ako sa loob ng ICU.

"Dia! Huwag niyo tanggalin!"nagsisigaw na saad ko.

Napatigil ako nang makita ko ang taong hindi ko inaasahan.

"D-Damon,"mahinang saad ko.Nakasaklay ito.Lumapit ako sa kan'ya.Ang dating kulay asul niyang mata ay kulay itim na ito.

"D-Damon!"napahagulhol akong niyakap ito.

Agad din niya akong niyakap ang isang braso nito sa akin.

"Nandito na ako.Di ba sabi ko babalikan ko kayo,"ani niya na. umiiyak din ito.

"Damon, huwag natin bitawan si baby Alas!"nakikiusap na saad ko sa kan'ya.

"No.Hindi natin siya bibitawan.May mga doktor na pupunta dito, mga magagaling na Doktor,"ani niya sa akin na hinalikan ako sa labi.

Lalo ako napaiyak sa sinabi niya.

"Ate?"

Napatingin ako kay Dia.

Nakangiti ito sa akin.

Hawak-hawak ni Damon ang kamay ko habang nakatingin kami sa mga bagong Doctor ni Alas.Inaayos na nila ang mga aparato ni Alas.

"Gagawin na nila ang pangatlong surgey ni baby Alas.Kahit maubos ang lahat ng pera ko, kapalit naman ay ang buhay ng anak natin,"mahinang saad sa akin ni Damon.Pinunasan niya ang mukha ko na basang-basa na ng luha ko.

"I love you, mahal na mahal kita, kayo ng mga natin,"nakangiting saad niya.

Niyakap ko ulit ito.

"I love you too,"pinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pagdilim ng aking paningin.

"Mary!"

Narinig ko ang pagsigaw nila bago ako nawalan ng malay.

Pakiramdam ko, sobrang bigat ng aking pakiramdam.

"Mary?"agad kong iminulat ang aking mga mata.

"D-Damon?"paos na boses na saad ko.

"Nahimatay ka.Magpahinga kana muna, ako na ang bahala kay baby Alas,"

"K-kamusta ang operation niya,"mahinang tanong ko kay Damon.

Umiwas ito ng tingin.

"D-Damon?"

"Okay naman, ipagdasal lang maging okay na siya,"mahinang saad ni Damon sa akin.

Mahigpit na hinawakan ni Damon ang aking kamay.

"Kailangan mo magpalakas, okay?"hinalikan niya ako sa noo.

Tumango na lang ako.

Lumipas ang linggo.Ganoon pa rin ang sitwasyon ni Alas.Kinuhanan namin ng malaking kuwarto si Alas.Dinala rin namin ang ang tatlong bata sa hospital.

"Mommy?"napatingin ako kay Dos.

Sinusubuan ni Damon si Quatro at Tres.

"Why baby?"malambot na tanong ko.

"I  saw his hand, moving,"

Napatigil ako.

"K-kaninong kamay?"

"Alas,"

Nakita ni Dos na gumalaw na ang kamay ni Alas!

"Damon!

Agad naman tumayo sa Damon lumapit sa akin.

"Damon, nakita ni Dos na gumalaw na si Alas!"masayang saad ko kay Damon.Niyakap naman ako ni Damon.

"Lumalaban rin siya,"umiiyak na saad ni Damon.Agad namin tinawag ang Doctor na galing pa itong Italy.

"Nagreresponce na siya,"ani Doc.

Napaluha naman ako.

"Salamat doc,"ani ko.

Lumipas ang araw nagulat lang kami na paunti-unting bumabalik ang kulay ni Alas.

Sobrang saya ko dahil bumalik na ang kulay ng balat ni Alas.

Wala si Damon.Umuwi ito sa bahay para bisitahin ang tatlong bata.

"Baby? Gising kana, babalik na tayo sa Isla, kasama si Dady,"malambing na saad ko habang hinahaplos ang kahabaan niyang buhok.

"Alam mo ba, ginawan na kayo ng tree house ni Daddy, di ba gusto mo iyon?"

Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at hinalikan ito.

Napabuntonghininga ako.

Si Alas na lang ang kulang.

"Alas? Sana gumising kana, miss kana ng mga kakambal mo.Miss na rin kita,"mahinang saad ko.

Maghihintay kami kahit kailan.Hindi kami maiinip sa iyo baby.Alam ko na magiging okay ka balang-araw.

Halos araw-araw na pumupunta si Damon dito sa hospital at kasa-kasama ang tatlong magkakambal.

Mamayang hapon pupunta ulit ang tatlong bata, sal-itan kami ni Damon sa pagbabantay kay baby Alas.

"Baby, pupunasan muna kita,"ani ko."Alam mo ba na pumasok na sa school ang mga kakambal mo, dapat gumising kana para makasama ka nila,"

Agad ko na itong pinalitan ang damit niya.Abala ako sa pagliligpit ng gamit na ginamit ko kanina nang marinig ang maliit na boses .

"M-mommy,"

Akala ko nanaginip lang ako.Hindi nakatingin ako kay Alas na mulat na mulat ito.

"A-Alas!"

Agad akong lumapit at niyakap ito ng mahigpit.

"Alas!"

She's With LuciferWhere stories live. Discover now