Chapter 34

34.4K 256 1

CHAPTER 34

JAMES

"What!? Saang hospital? Okay papunta na ako." Sabi ko sa kabilang linya.

Tumawag ang kasambahay namin. Ayon dito ay nakita na lang daw nilang nakahandusay si Mama sa kama niya habang nagkalat ang mga bote ng gamot.

Dali- dali akong nagpunta kung saang hospital siya dinala. Iniwan ko muna lahat ng mga papeles na kanina pa nakatambak sa lamesa ko sa office.

Nung makapasok ako ng hospital ay halos takbuhin ko na ang kuwartong kinaroroonan ni Mama.

"Sir!" Tawag ng kasambahay namin habang umiiyak.

"Di ba sabi ko bantayan niyo si Mama!?" Sabi ko at hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

"Matutulog lang daw po siya pero nung ilang oras na ang nakalipas ay umakyat na ako para katukin siya sa kuwarto. Wala pong nagbubukas kaya po ginamitan na namin ng susi iyon nga po ang nakita namin. Pura bula na po ang bibig niya. Patawad po."

Hindi na ako nag- salita. Gusto ng pumutok ng utak ko kakaisip sa mga masasamang nangyayari ngayon sa buhay ng pamilya ko. Hindi ako mapakali. Paikot- ikot ako habang hinihintay ang sasabihin ng doktor.

"Sige na, bumalik ka na sa bahay." Sabi ko sa kasambahay.

"Sige po sir."

Maya- maya ay ibinalita ko kay Penelope ang nangyari.

"James!" Si Penelope pagkakita sakin.

"How's your mom?" Si Penelope pagkalapit.

"Sino 'yung kamag- anak ng pasyente?" Napalingon ako at agad lumapit sa doktor na nagsalita.

"Ako po. Doc, how's my mom?" Sabi ko.

"Ikinalulungkot ko," sabi ng doktor.

"Doc, ano pong ibig niyong sabihin?" Si Penelope.

"Wala na ang pasyente."

F*ck! Napahampas na lang ako sa pader. Hindi ko na naintindihan ang iba pang sinabi ng doktor at hindi ko na napansin ang pag- alis nito. Kusa na lang tumulo ang luha ko at napahagulhol.

Malas ba ako? Halos lahat na lang sila iniwan ako. I feel so lost. F*ck! Hindi ko na alam kung paano mabuhay ulit. Nawala na ang mga mahal ko sa buhay, una ang babaeng pinakasalan ko, pangalawa si Papa tapos ngayon si Mama naman! Pati kompanya nanganganib na rin mawala.

Sa paghahabol ko kung paano maiangat ang kompanya ay lalo itong bumagsak.

5 months later..

PENELOPE

Sobrang naaawa na ako sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko ba siya bibigyan ng mas maraming oras kasi kailangan ko rin naman ng trabaho. Natatakot lang ako sa kung anong maisipan ni James kasi solo lang siya sa condo unit niya ng ganun ang kalagayan. Depress, tuwing pupuntahan ko palaging may hawak na alak. Ni hindi man lang nakakapag- ahit ng balbas at bigote. Para na nga siyang ermetanyo eh.

"As usual.." Sabi ko pagkapasok ng unit niya.

Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. As usual, may hawak na namang beer.

"Kailan mo ba maiisipan na hindi solusyon 'yang pag- iinom mo sa problema mo? Maygad, James okay lang sana kung magpapalipas ka lang ng sama ng loob kaya ka mag- iinom pero 'yung gawin mong almusal palage 'yang alak hindi na makatarungan! Maawa ka naman sa sarili mo." Sabi ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita. Kung noong mga nakaraang araw hinahayaan ko lang mabelawala ang pagbubunganga ko sa kanya, ngayon hindi na.

"Sabi ko naman sayo iwanan mo na rin ako." Sabi ni James. Hindi pa naman siya lasing pero halatang nakainom na.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!