Nag-angat ako ng tingin at nakita ko 'yong babaeng maputi na nakatingin pa rin sa akin.

She cleared her throat. "Hi! You are?" Aniya na nakapagpatigil kila Aziel. Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti. Maliit ang kanyang mukha na bumagay sa boy cut niya.

"H-hi! Alexandra Gail Savedra." Nautal ko pa na sagot dito. Shit naman! Nakakahiya!

Tumingin ito kay Aziel, nakangisi, "Nice to finally meet you, Alexandra. I'm Amara and she's Messiah."

Nakangiti pa rin na sabi nito at tinuro pa ang babaeng nakatingin din sakin. Nagtataka ang mukha nito siguro hindi ako napansin. Narinig ko naman ang pag-ismid ni Aziel sa sinabi ni Amara.

"Nice to meet you too, Amara and Messiah. Uh...I'll go first baka 'yong mga kaibigan ko gising na." saad ko dito ng nakangiti.

"Oh. Sama ka sa amin. Dinner lang. With your friends?" nakangiti pa rin na sabi nito sa akin.

Amara, si Aziel ang gusto ko magyaya sa akin....

I nodded. "I think It's okay naman but I will tell my friends first if we can join."

"Sure. I will give you my number and you can text me if your friends agree." ani nito at inilabas ang cellphone. Agad ko rin na binuksan ang cellphone ko para maitype ang number niya. Nagpaalam na ako sa kanila.

"Hatid na kita, Alexandra." Si Aziel. Wala na hindi na talaga nakaahon!

"'Wag na. Malapit na lang naman. Nice to meet you, Aziel." saad ko dito at umalis na. Tangina!

Pagkarating ko sa hotel room namin si Summer at Ellie pa lang ang gising. Si Ellie kalalabas lang ng banyo. Si Summer naman nasa veranda may kausap sa cellphone, nakakunot pa ang noo.

Nakasalubong ko si Ellie na galing kusina at tinanong ako kung saan ako galing. Tumungo na ako sa kwarto para gisingin sila Chelsea. Agad naman silang umangal na masakit pa daw ang ulo nila. Inom pa.

"Oo na! Ingay!" sigaw ni Lexie. Napairap na lang ako at lumabas. Si Summer nasa cellphone pa rin ang atensyon pero nandito na sa loob.

"Ellie, pahatid ka na lang pagkain dito." Utos ko kay Ellie na agad naman itong sinunod. Umupo ako sa tabi ni Summer.

Kahapon iniiyakan ko pa si Aziel pero ngayon kilala ko na siya. Ang saya lang na alam ko na yung pangalan niya at kilala ko na siya pero may parte sa akin na malungkot. Mahal ko siya pero siya mahal ba ako? Ang dami kong katanungan pero natatakot akong malaman kung ano yung mga sagot niya.

Bakit ngayon lang siya? Ipinahanap niya rin ba ako? Bakit parang kilala niya na ako kanina? Mahal niya rin ba ako?

Yung epekto niya sakin grabe. Nakita ko lang siya nagwala agad ang puso ko lalo ng hinawakan niya ako. Ang aura niya na intimidating. Isang tingin mo lang sa kanya alam mo agad na mabait pero may cold aura.

Kumakain kami ng agahan dito sa hotel room namin. Mga may hang-over pa sila kaya ayaw bumaba.

"Guys, may sasabihin ako." panimula ko. Agad namang nag react si Lexie.

"Magiging Tita na ba kami?" sabi nito na ikinatawa namin. Wala nga akong boyfriend.

"Wag na nga muna kayo sumabat. Hindi masabi-sabi e." Si AC at tinanguan ako senyas na magpatuloy ako.

"Nakita ko na si Defuerzo," at naibuga ni Shaina ang iniinom niya. Irita siyang hinampas ni Lexie dahil nabugahan siya ni Shaina. Sila Summer naman nakatingin lang sa akin at gulat ang mukha. Nang makabawi uminom ng tubig si Ellie.

"Nagpakilala siya?" Gulat pa rin ang mukha ni Ellie ng itanong niya sa akin iyon. Kiniwento ko sa kanila ang nangyari kanina mula umpisa hanggang sa nagkita kami.

Perfect StrangersKde žijí příběhy. Začni objevovat