Chapter 1

159 6 5
                                    

Chapter 1

Jonalyn's POV

“Jo!” malakas na sigaw ni Mama nang tawagin ako. Bahagya akong napasimangot dahil ang ingay talaga nito. Hindi na natapos sa kakasigaw.

“Bakit po, Ma?” tanong ko nang lumabas sa kwarto. Sanay na sanay na ako sa ingay nito.

“Itong mga damit mo! Hindi mo na naman inayos! Wala ka na talagang ibang alam gawin kung hindi ang manood niyang kpop kpop na ‘yan. Wala ka namang napapala!” reklamo niya sa akin kaya hindi ko mapigilan ang mapasimangot.

“Mama! Hindi ako nanonood ngayon. Masakit po ang ulo ko!” reklamo ko. Masakit na nga ang ulo ko’y mas lalo lang sumasakit dahil sa ina ko. Napatingin naman siya sa akin dahil do’n.

“Kaka-kpop mo ‘yan!” aniya kaya hindi ko mapigilan ang mapasimangot sa kaniya.

“Cellphone pa more!” aniya pa kaya napailing na lang ako. Hindi niya rin ako tatantanan kakasabi niyan.

Hindi niya na rin ako pinansin kaya ginagawa ko na lang ang mga sinasabi niyang kalat ko kahit na ang totoo’y kalat naman talaga ‘to nina Mina at Gwen. Nasaan na ba ang dalawang ‘yon nang makaltukan nga?

“Oh, uminom ka ng gamot at tigil mo ‘yang kakaselpon mo!” aniya sa akin kaya mapang-asar ko siyang tinignan.

“Si Mama, oh, kunwari pa,” ani ko na tinusok-tusok pa ang tagiliran niya kaya ang ending ay sinermonan na ako nito. Nadamay pa ang mga pinanood ko. Natatawa na lang akong bumalik sa pagkakahilata ko. Hindi ko pa maiwasan ang matawa kay Mama dahil sermon man ito nang sermon, pabalik-balik din sa kwarto para silipin kung ayos lang ba ako.

Pinalis ko naman ang luha ko nang maalalang d-word na pala ang x1. Nakakasama ng loob pucha. Hindi man lang namin naranasan ang comeback. Para ka lang pinatikim ng sobrang sarap na putahe kaya sa huli’y hinahanap-hanap mo ang lasa. Ganoon ang x1 sa akin. Kaya kahit ang dami pang dumaan na grupo sa akin, babalik at babalikan pa rin talaga sa kanila. Maghihintay pa rin kahit malabo.

Mapapaisip na kung hindi siguro sila na-disband, they’re probably rocking the k-pop industry right now.

Tangina, sino ba namang hindi magmamahal sa mga ‘yon? Halos lahat all rounder. Wala man lang tapon sa grupo.

Sometimes when I looked at my boys, hindi ko mapigilang maawa. Para bang taong nagmina nang pagkatagal-tagal at nang makahawak ng diyamente, nagpunyagi. Kaya lang sa huli’y bato lang pala.

Tama nga siguro si Mama, kaka-k-pop ko ‘to kaya sumasama ang loob.

Matagal bago ako nakatulog nang gabing ‘yon. Masiyadong maraming iniisip.

“Dorotea Joana Marie!” sigaw ni Mama nang tawagin ako. Hindi ko naman mapigilan ang mapakamot dahil sa ingat nito. Hindi talaga ito nagsasawa kasisigaw. Ang aga-aga’y ginawa nang hobby ang pagiging alarm clock ng kapitbahay namin.

Behind The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon