“Andrea!” si papa. Halatang nagalit siya sa ginawa ko. Halatang mahal na mahal niya ang kapatid ko.

Lumapit siya para higitin papalayo ang anak niya mula saakin. Nakakatawang isipin na kung tignan niya ako parang gagawa ako ng masama. Na sisirain ko ang pinakamamahal niyang anak.

Inikot ko ang tingin ko sa buong silid. Lumapit ako sa isang picture frame na naka-display.

“si kuya yan. Ang gwapo niya nu?” si Andie noong high school pa lamang siya.

“mabait yang si kuya. Kaya lang bihira siya umuwi dito. May sarili na nga pala yang business.” Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon.

“sayang nga dahil ayaw niyang palitan ang apelyido niyang Lim. Pero kahit ganun daddy pa din ang tawag niya kay daddy” pagkatapos niyang sabihin iyon nabitiwan ko ang hawak kong frame na dahilan ng pagkabasag nito.

“Wala ka pang isang araw dito kung anu-ano na ang nababasag mo” galit na saad ni papa.  “nasaan na nga ba ang kapatid mong yun?”

“wala pa po sa bahay e. hinihintay pa daw po ang girlfriend niya” huminga ako ng malalim at saka pinulot ang mga basag na salamin ng frame.

“ate hwag mo na yang pulutin! Tatawag nalang ako ng maglilinis” tinanggal niya ang mga nasa kamay ko at saka ako hinigit papalayo sa basag na frame.

“Balak ko siyang ampunin. Kaya kahit hindi kayo magkadugo ituring mo pa ding kapatid ang kuya niyo. Mas matanda siya sayo ng isang taon Andrea” sabi niya ng makalabas na ang kapatid kong si Shiela.

“silang dalawa ang magiging kapatid mo, Andrea. Silang dalawa ang kapatid mo” diin niya.

“mamaya makikilala mo din si Andie at ang kanyang ina. Mababait sila at sigurado akong ituturing ka nilang tunay na pamilya”

Mali ka. Dahil mga desisyon mo ang sisira sa pamilyang ito.

Wala pang alas otso kaya naman pinaghintay muna ako ni papa sa silid na ito.

Masyadong malaki para sa isang tao.  Pero kahit ganun, parang nasu-suffocate pa din ako.

Bawat tunog ng orasan siya namang bilis ng tibok ng puso ko.

Kanina pa din tawag ng tawag saakin si Andie, pero hindi ko magawang sagutin.

“ate bakit ka umiiyak?” hindi ko namalayan ang pagpasok ni Shiela sa loob.

“I am?” pinunasan ko ang pingi ko at tama nga siya. Umiiyak ako. Hindi ko alam kung kailan pero alam ko kung bakit.  “t-this is absolutely nothing” agad akong umiwas ng tingin sa kapatid ko at saka pinunasan ang luha sa pisngi at mata ko.

“tinawagan ko si kuya kanina. Sabi niya mamaya pa daw siya darating  baka daw hindi na siya pumunta kapag hindi niya kasama ang girlfriend niya”

Prove Me WrongBasahin ang storyang ito ng LIBRE!