"Yes. Pero mas maganda sana kung kasama kita. Nagtatampo pa rin ako sayo" pag-iinarte ni Bettina sa harapan ko.
Maya-maya pa ay lumapit ang waiter sa akin at inabot ang "menu".
Luminga-linga ako and there I found the restroom. I smiled.
"Yes, my loves? Bakit ka ngumingiti diyan?"
Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa kanya, "Ah wala naman. Naisip ko lang na namimiss ko rin pala yung tandem natin. Balik na kaya ako sayo?"
Ang lapad ng ngiti ng babaeng nasa harapan ko.
"Sabi ko sayo. Walang makahihigit sa isang Bettina San Roque."
I smiled. But not because sa sinabi niya but because I saw Rita na pilit na nagtatago sa may papuntang CR. Ang cute lang. Buti sinabihan ako ni Lianne. Gumanda ang araw ko na kanina pang sira dahil kasama ko si Bettina.
"What do you want to eat?" pagbaling ko kay Bettina.
"You?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"No, I mean. Ikaw, ano ba oorderin mo?" pagbawi niya. Kinabahan naman ako, "ikaw kung anu-ano pinag-iisip-isip mo dyan my Kennie ha" pagpapatuloy niya pa.
"Steak na lang for two" pagsabi ko sa waiter.
Ibinalik ko ang menu sa kanya sabay pasimpleng tingin na naman si CR. Di ko talaga maiwasang matawa sa itsura ni Rita doon. Napapailing na lang ako para itago kay Bettina yung ngiti ko.
Maya-maya pa ay dumating na ang orders namin.
"Heyy wag mo munang islice yan" pagpigil ni Bettina sa kamay ko nung aktong hihiwain ko na sana yung steak ko.
I looked at her and said, "Why?"
![](https://img.wattpad.com/cover/283673441-288-k484646.jpg)
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Filming Love
РазноеCan you still love him even if he cannot take you out of the camera's limits? Take this another journey with them as I unfold their story behind those lenses. Will it be as bright as the flickers or will it be as dark as the tripods?
Cam 026: Start
Начните с самого начала