Chapter 6: Botanical Garden

ابدأ من البداية
                                    


"Grabe ka naman, ganun lang talaga siya."


"Oo na, oo na. Basta hindi siya. Yung unexpected na pagkikita parang nakakita sa mga pelikula, ganun."


Nanaginip na ng gising si Rica, palagi nalang ini-imagine ang ideal guy niya. Ako? Wala naman akong ideal guy, basta yung matatanggap ako kung sino ako at mataas ang respeto sa akin. Swerte ko nga kasi natagpuan ko na siya. At mas swerte ko pa, kasi higit pa sa inaakala ko ang binigay sakin. Bait talaga ni Lord!


Anyway, after that moment ilang sandali pa lang ng daldalan at kwentuhan ay pumasok na kami sa klase namin. Medyo strikto ang professor namin dun tsaka magkalayo kami ni Rica. Nakikinig lang kami dun pero wala kaming natututunan, hindi ko alam kung kami ba ang may problema o siya. After ng ilang class pa namin ay lunch time na. 1:00pm na noon, medyo late na pero 'yun yung ang typical lunch time namin. Pagkabili namin ng food ni Rica, umupo kami sa isang bench sa ilalim ng puno, ilang metro lang ang layo sa botanical garden.


"Oh? Parang ang layo ng tingin mo sissy ha?" tanong ni Rica habang nakain..


"Ah. Wa - wala. Kain na tayo."


Pagkatapos naming kumain ay hindi ko napigilang hindi pumunta sa garden, binalikan ko ang upuan na madalas naming tambayan ni Johan. Kung saan kami unang nagkapalagayan ng loob. Umupo ako sa may duyan, habang si Rica ay hinihintay ako sa labas, sabi ko kasi sa kanya na sa labas na lang ako hintayin kasi gusto kong mapag-isa. Habang inaalala ko ang nakaraan.


"Oh, you're here too."


May boses akong narinig. Pagkalingon ko sa itaas ay nakita ko si Johan kasama ang earphones niya at paboritong libro.


"Ah. Na-miss ko kasi yung pagtambay natin dito."


"Really? Eh, ako? Na-miss mo ba?"


"Oo naman.Teka, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya..


"Uhm."


"Actually, hindi pa." sabay baba sa puno..


"Hala? Bakit?"


"I'm.. waiting for you."


"Bakit?"


"I missed eating beside you. I thought you'll be here kanina."


"Oh." sabay tungo ko..


"Akala ko kasi, may klase ka.."


"Nah. It's okay. I made our food." sabi niya sabay kuha sa bag ng plastik..


Gustuhin ko mang kumain with him pero may klase na kami. Late na kami ng 10 minutes nun.


"Johan. I need to go. See you na lang mayang uwian ha? I love you."


"Ah.. okay, I love you too."


Sabay takbo ko papalabas, sinalubong ako ni Rica, naiinip na yata siya nun.


"Oh? Bakit ang tagal mo."


"Nandoon kasi si Johan."


"Eh bakit 'di mo sinamahan tapos hinayaan na lang ako mag-isa dito? Ganyan naman kayo eh, mangangako tapos 'di tutuparin."


"Sissy, bumalik ako. So, anong hinuhugot mo diyan? Tsaka, may klase na kaya tayo."


"Ay. Oo nga, tara na!!"


Nagmadali na kami nung moment na 'yun. Late na kami eh. After may class, dumiretso ako sa botanical garden. Around 4:00pm. Mahigit 1 hour na akong nakaupo doon pero ni anino ni Johan wala. 5:30pm. Nag-decide na akong umuwi. Inisip ko na lang na nakalimutan niya o baka may lakad siya o may makeup class. Ayun, doon natapos ang araw namin. At sa mga nagtatanong kung bakit hindi kami madalas nagtetext sa isa't-isa? Hindi kasi uso sa amin 'yun. Ayaw naming masakal ang isa't-isa sa maya't-mayang pagte-text at pagtatanong kung nasaan ka na ba o o ano. Hindi sukatan ang text para masabi mong mahal ka ng isang tao. Tiwala ang mahalaga tsaka maturity sa isang relasyon.


One Hundred Days (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن