🐈🐀12

26.6K 335 39
                                    

CHAPTER 12

Rat Velaroza

"Try some," sabi ko sabay tapat ng tinidor na may hiniwa kong pizza. Kanina pa siya nakatitig sa'kin. Alam ko naman na gwapo ako pero 'wag naman niya ipahalata na gwapong-gwapo siya sa 'kin.

"Please, just taste it. Kasi mata mo lang ang mabubusog sa ka-gwapuhan ko."

She frowned. Natawa lang ako dahil kinain niya ang itinapat ko.

"Oo, masarap nga."

Napangiti lang ako ako sa kanya at hiniwaan siya muli ng pizza. Pagkatapat ko uli sa kanya ng tinidor na may pizza ay kinain niya muli. Gusto lang pa lang subuan, nagpakipot pa.

"Ganda mo pa lang ngumiti no Dok Rat?" nakatitig niyang sabi sa 'kin

Ayan, tama 'yan ako paglihan mo.

"Napaka formal mo naman sa Dok Rat, just call me Rat. Siyempre pwera sa HC. You must call me with my profession there."

Nag-pout siya out of a sudden. Understood na sa pregnancy hormones. Kung hindi sila moody ay may mga bagay silang ginagawa upang magpapansin.

"Bakit okay lang sa 'yo na tawagin kang Rat?" tanong niya.

"Simple because.... nakasanayan na and what's wrong with a name Rat?" balik na tanong ko sa kanya.

The problem with this society. Masyado silang mapangmaliit at madaling magtampol ng lait sa mga maliliit na bagay na akala nila ay masaya.

"Wala lang...kasi you know para sa iba ay para 'yang pangungutya?"

"The rat? Just a cute little creature capable of wrecking your stuff and tearing your house apart. Pretty impressive, if you ask me," I said with a smirk of sarcasm.

Napatitig lang siya sa 'kin. "Oo nga no? Hindi ko naisip 'yon. Pero ayaw ko talaga na tawagin kang Rat lang. Hmmm? How about Ashton na lang?" suhestiyon niya.

Ako naman ang napatingin sa kanya ng mariin.

That name...

Ashton...

"No!" medyo napataas ang tono ko kaya nagulat siya at nabitawan ang tinidor.

"O...okay, hindi na 'yon. Russel na lang." Napalunok siya, halatang takot at gulat.

Mabilis kong ginagap ang kamay niya to make sure na kumalma siya. Hindi ko talaga minsan mapigilan ang pagtaas ng pressure ko kapag naaalala ang taong tumatawag sa 'kin ng Ashton. Even that name ay sinumpa ko na. Kaya ayaw ko na may tumatawag sa akin ng ganoong pangalan.

I looked at her with regret. "I'm so sorry," I said softly.

"Ah, okay lang 'yon, ikaw naman..." Kiming sambit niya at inalis ang kamay sa pagkakahawak ko.

"You better to get rest now. H'wag kang masyadong magkikilos rito dahil araw-araw din akong may ipapadala na maglilinis rito." Habilin ko.

Napatingin siya muli. At kita ko na sa mga mata niya na wala ng takot.

"Sige, hindi na ako kokontra."

Alam niya kasi na i-insist ko lang kapag tumanggi siya. Madali rin naman palang kausap itong si Cat.

Tumayo ako at kinuha ang jacket ko.

"I'll go home now. I'll just check on you here every weekend or whenever I'm not busy. Just always take care of yourself and our baby," sabi ko bago ako tumayo at nagtungo sa pinto.

Napatulala lang siya. Hayan na naman po siya.

"And... don't even think about doing anything ridiculous or silly. Kundi lagot ka sa akin," sabi ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan siyang natulos sa kinatatayuan, parang kandila.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon