*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Kabanata 11 (Torn Part I)

Magsimula sa umpisa

"F-uck! Kapag hindi mo ako kinausap. I'm telling you Gianna Monika, magwawala ako dito!" Napatigil ako sa pagsigaw niya. Hindi ko namalayang huminto na pala siya sa pagsunod sa akin. Napapikit ako at nilingon siya. Nakita ko pang nakalahad ang mga palad niya sa kawalan. Hatalatang nauubusan na siya ng pasensya.

Mabilis na binalikan ko siya at hinatak at dinala sa garden. Nanaghihinang naupo ako sa isa sa mga bench doon.

"Tell me. Anong problema? Yung nangyari ba? F-uck Gianna. Pagusapan natin hindi yung paghuhulain mo ako sa kung anong nangyayari sayo. Hindi ako manghuhula. Galit ka ba? Ano mag--"

"I'm afraid. Natatakot ako Axel." Biglang nanginig ang boses ko sa kaba.

"Takot saan?" Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko sa lap.

"Axel. Hindi dapat natin ginawa yun. Hindi dapat. Oo mahal natin ang isa't-isa pero hindi dapat tayo napunta sa ganoon." Tumayo ako nagpalakad-lakad ng pabalik-balik.

"Ok. Gianna". Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso."

"Natatakot ka bang may makaalam ng nangyari?" Dahan-dahang tumango ako.

"Axel. Hindi ako mapapatawad ng magulang ko pag nalaman nila iyun. Hindi ka na rin nila tatanggapin kahit kailan." Hindi ko na napigil pa ang mga luha ko.

"Tingin mo ba magagawa kong ipagsabi yun sa iba?" Nahahamigan ko ang pagiging bitter ng tono niya. Napayuko ako.

"Gianna hindi ko yun magagawa sayo. Kahit gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na akin. Hindi sa ganoong paraan. Hindi ako ganoon Gianna" napapikit ako at lalong naiyak. Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko.

"Sshhh.. I'm sorry. I'm sorry. Stop crying Gianna."

"I'm sorry Axel. Sorry kung pinag-iisipan kita ng ganon. Nalilito na kasi ako. Sorry." Nakayuko pa rin ako ng maramdaman ko ang yakap niya.

"Tama na yan Hon."

"Axel." Humarap ako sa kanya pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hindi na natin ulit gagawin yun ha. Magpromise ka." Pero napapikit siya na parang nahihirapan.

"Axel please. Mangako ka. Hindi na natin ulit gagawin yun." Hinawakan ko ang Polo shirt niya.

"O-ok. Hindi na natin ulit gagawin." Kahit hindi ganoon kaconvincing ang pagkakasabi niya ay panghahawakan ko iyon.

"Stop crying Hon." Sinakop ng mga palad niya ang mukha ko para punasan ang mga luha ko.

"I told you. My love for you is greater than anything else. Please stop crying. Kahit mahirap. Pipigilan ko ang sarili ko." Naramdaman ko ulit ang higpit ng yakap niya.

***

"Hindi ko alam kung magtatampo na ba ako sayo o paiiralin ko ang pagiging understanding bestfriend ko sayo eh. Ano na bang ganap sa inyo? Bakit dumadrama kayo kanina sa hallway?" Si Elly. Nandito kami ngayon sa canteen. Si Axel ang umorder ng pagkain namin,

"Wala yun. Ok na kami. Sorry Best ha."

"Haynaku. Pasalamat ka. Happy ako ngayon." Agad na napatingin ako sa kanya. Mukhang may nangyayaring hindi ko alam.

"Aba. Aba. Mukhang hindi lang ako ang naglilihim ha. Anong ganap sayo ha." Para namang kinilig ang luka sa tanong ko. Cute talaga ng babaeng to.

"Eh kasi naman. Busy ka masyado sa buhay pag-ibig mo. Pero ok lang. Kasi ako din naman." Nagkatinginan kami at maya-maya pa sabay na kaming tumili.

"Oh my goshhh! Hindi nga Best? May boyfriend ka na? Sino?!" 

"Sino pa. Eh diba sabi ko nga gagawin ko ang lahat mapasagot ko lang si Uriel?" Nagkatawanan kami ulit sa sinabi niya. Talagang patay na patay ang babaeng to sa Uriel na iyun. Well gwapo naman kasi iyon. Kaya lang katulad ni Axel. Sobrang sungit din sa tao.

"Paano?"

"Secret muna yun Best. Peto magpromise ka na you will support me all the way here" doon na ako nagtaka.

"Bakit?"

"Medyo badshot kasi siya sa bahay. Diba alam mo naman na ex ni Uriel ang pinsan ko at sa sobrang pagkabitter ng loka pinagkalat niya sa mga relatives namin na playboy si Uriel at may pinilit siyang makipagsex at hindi siya pumayag kaya hiniwalayan siya."

"Oh my Gosh. Totoo ba yan? Natanong mo na ba yan kay Uriel?"

"Hindi pa. I'm too happy right now best at ayaw kong mag away kami dahil doon. Pero alam ko naman na darating din ang time na paguusapan namin yun."

Nahinto ang paguusap namin ng dumating si Axel dala ang pagkain namin. Naging normal naman ang buong araw ko. Ok na kami ni Axel at hindi na namin pinag-usapan pa ulit ang nangyari.

"Villafuerte, pinapatawag ka ni Mam Fontanilla sa Principal's office." Hala. Bakit naman ako ipapatawag ng principal namin.

"May kaso ka?" Si Elly. Agad na umiling ako. "Ui wala ah." Pero bigla akong kinabahan. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Axel sa kamau ko.

"Samahan kita Hon?"  Tumango ako. Parang kailangan ko ng makakapitan ngayon. Wala naman akong ginawa pero bigla akong kinabahan,

Naiwan na si Axel sa labas ng office at ako na lang mag-isa. Pagpasok ko pa lang ay sinalubong ako bigla ng yakap ng principal namin.

"Ma'am?" Alangang napangiti ako sa kanya.

"Ms. Villafuerte. I'm so happy right now. Nagbukas ka na ba ng email mo?" Nagtataka man ay umiling ako.

"Not yet mam. Pero bakit po? May problema po ba?"

"Problema? Ofcourse not hija. Ewan ko kung tama bang ako ang magsabi nito sayo pero lumabas na ang resulta ng entrance exam na tinake mo sa Harvard University and you passed it hija. Alam mo bang first time na may nakapasa doon na galing dito sa school natin?" Marami pa siyang mga sinabi pero isa lang ang nasa utak ko ngayon. Pangarap ko ang makapasok sa University na iyon. Isa yun sa mga goal namin ni Elly and we promised each other na susuportahan ang bawat isakung sakali. At nang ipinaalam ko rin yun sa mga magulang ko ay agad nila akong sinuportahan. Hindi nagdalawang sabi si Mom na mag-eearly retirement siya sa pagtuturo para lang masamahan ako sa pag-aaral ko. Pati si Dad ay magpapalipat ng office kung sakali.

Lahat ng iyon ay nakaplano na bago pa man dumating si Axel sa buhay ko.


-----------------------------------------

Super SABAW! SORRY PO.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!