19. In his arms...

6.5K 123 8
                                    

MY VAMPIRE HOUSEMATE
MessyIntrovert

PLAGIARISM IS A CRIME!

CHAPTER 19.

Lester's POV;

"Kuya?" halos hindi makapaniwalang wika nang kapatid ko ng mapagbuksan niya ako ng gate.

"Hi!" pasimpleng bati ko naman sa kanya.

"Kuya Lester, oh my God you're back!" tuwang- tuwang niyakap niya ako... she really miss me huh? Well, mahigit 2 years din yata kaming hindi nagkita, na- miss ko rin siya actually.

Ginulo ko ang buhok niya, "Si granny?"

"Nasa loob, tara pasok." pumasok kami ng bahay.

Supended ako ngayon kaya umuwi ako samin, yeah right, suspended, gusto ko lang linawin na hindi ako sa eskelwelahan na- suspend, kasi ang totoo, yong pag pasok ko sa eskwela, front lang yon, I mean, isang palabas lang, bahagi yon ng task ko, which is unfortunately, hindi ko nagawa nang tama kaya heto ako, suspended, suspended sa trabaho.

"Granny! Kuya's home!" tawag ni PJ sa lola namin, yes, PJ, that's her name, medyo tomboyish siya pero babae talaga yan.

"Talaga?" nakita ko naman si granny na nagmamadaling bumaba ng hagdan, masaya akong makita siyang youthful parin at her 70's.

"Granny, dahan- dahan sa pagbaba, baka mahulog kayo." nag- aalalang sabi ko at pumanhik ako nang hagdan para salubungin siya, niyakap niya naman agad ako ng makalapit ako sa kanya.

_

Pinagluto ako ni granny ng mga paborito kong lutong bahay, at habang kumakain, nagkwentohan narin kami, it's more on PJ's studies.

Pagkatapos ko namang kumain, pumanhik na ako sa kwarto ko sa taas, sinabi ko sa kanila na magpapahinga muna ako dahil pagod ako sa byahe... at saka na lang namin ituloy ang kwentohan.

Nilapag ko sa sahig ang bag na dala- dala ko sa beyahe, humiga ako sa kama... I miss home, I thought to myself.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog ng biglang sumagi sa isip ko si Aerie...

"Psst! Dude, pahiram naman ng bente dyan o, naiwan ko ang wallet ko e." inutangan niya agad ako nong first met pa lang namin, ni hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't- isa.

hindi ko maiwasang ngumiti pag- naaalala iyon e.

"Aish! Ako ang nauna dito kaya ako ang mauuna okay? Walang bad boy- bad boy sakin." sabi niya don sa estudyanteng siga nong sumingit ito sa pila sa food station sa cafeteria.

Pagbubuhatan na sana ng kamay si Aerie nong lalake nang lumapit ako para pigilan ito, "Pare, ang dumi ng kamay mo, mahiya ka naman." sabi ko.

Hindi ko alam na maging malapit kaming magkaibigan simula non, hindi ko alam na mapapamahal siya sakin, samantalang trabaho lang dapat yon.

Nasaan ka na ba Aerie?

Kahit anong pikit nang mata ang gawin ko, hindi ako makatulog dahil sa pag- alala sa kanya, kung nasaan na siya at kung okay lang ba siya ngayon, hindi ako napapalagay sa tuwing naiisip ko yon.

Anong gagawin ko?

Biglang tumunog ang caller ring tone ko, it's Yam calling.

"Hello?" I answered the call.

"Lester? Anyare? Isang linggo ka nang di pumapasok ah?"

"Nag drop na ako."

"WHAT!?" halata namang nagulat siya sa sinabi ko diba? "Pero... bakit?"

MY VAMPIRE HOUSEMATE [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon