Queenie

"Let's get married."  Muli kong hinarap ang nagsalitang si Francis.  Pagkagaling namin sa ospital ay dumiretso kami sa bahay.

Bago pa ako makababa ng kotse ay nagbitiw siya ng kagulat-gulat na salita.  Teka, parang nangyari na 'to ah.

"Ano?"   Nagtatakang sabi ko.

"I said, let's get married."  Ulit niya.  So, tama pala ang pagkakarinig ko.  Gusto ni Francis na magpakasal kami.  A marriage proposal.  "For real."  Dugtong pa niya at pagkatapos ay tiningnan niya ang mga mata ko ng seryoso.  "Queenie, I love you." 

Sandaling katahimikan ang umiral.  Nakatingin lang kami ni Francis sa isa't-isa. 

Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon.  Ito ang mga salitang gusto kong marinig sa Francis na walang amnesia, na mahal niya ako.  Nasa late 30's na 'ko pero pwede pa rin akong kiligin di ba?

Humahaba na ang katahimikan kaya nagsalita na ako.

"Ewan ko sa'yo."  Sabi ko, ang tagal kong pinag-isipan ang reply na 'yan ah!  Mga fourty eight years!

Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba, kasunod ko'y bumaba din si Francis.

"Wait Queenie!"  Paghabol niya.

Muli kong hinarap si Francis.  "Nagkataon lang ang lahat.  Hindi totoo ang mga hula-hula, chuvanes na 'yan.  Kung meron mang lalaki na magpapakasal sa akin, siguradong hindi ikaw 'yon."

Nabalot ng pagtataka ang mukha niya.  "By any chance, may matandang babae ba na nagsabi sa'yo na may magpapakasal sa'yo na lalaki at 'yon daw 'yong unang lalaking mabangga mo ngayong gabi?" 

"Paano mo nalaman?"  Nagtaka na rin ako.

"So, nakausap mo din pala siya."  Dito na nagkuwento si Francis at labis akong nagulat sa kuwento niya.  "Actually, ito na ang ikalawang beses na nagkita kami noong matanda.  Ang una ay noong araw na magkabanggan tayo.  Remember?  Nabangga kita habang may dala kang mga grocery bags?"

*Flashback*

"Manang sorry po."  Sabi nung lalaking pogi na bumangga sa akin.

Matutuwa na sana ako dahil na-sorry siya pero hindi ko nagawa.  Tatakbo na siya ulit nang hawakan ko ang kanyang braso.

"SINONG TINATAWAG MONG MANANG?!  35 YEARS OLD PA LANG AKO 'NO!"  Sigaw 'yan!  Ewan ko lang kung hindi siya mabingi.

"What?  Pasensya na may hinahabol lang ako."  Aniya saka ulit nagtatakbo.

Nakakainis naman ang lalaking 'yon!  Hindi man lang ako tinulungang damputin ang mga nahulog kong groceries.  Pogi pa naman sana siya kaya lang ungentleman. 

*End*

"Oo naalala ko."  Tugon ko matapos alalahanin ang nakaraan na siya ring first ever encounter naming dalawa ni Francis.

Ang weird na sa pakiramdam itong mga nalalaman ko.  Kung anong ikinuwento ni Francis ay gan'on din ang nangyari sa akin.

"Ikaw ang unang babae na nabangga ko nong araw na 'yon, tapos nagpakasal tayo shortly after."  Pagkukuwento pa niya.  Oo nga, nagpakasal kami dahil sa isang kasunduan.  "Dati, iniisip kong nagkataon lang ang lahat.  Pero after kong ma-meet ulit ang matandang 'yon, sigurado na 'ko..."

Ginawa kong lahat para huwag mangisay sa aking kinatatayuan.  Feeling ko kasi, sasabihin niyang destiny kaming dalawa.

"Na we are destined to each other."  Saad ni Francis habang nangingislap ang napakaganda niyang mga mata.  "Masyado lang tayong pinaglaruan ng tadhana, pero sa tingin ko pagod na siya sa paglalaro.  Mahal mo 'ko, mahal kita, so pwede na tayong maging masaya di ba?"

A Marriage To RememberBasahin ang storyang ito ng LIBRE!