Suka #101

148 6 2
                                    

Kelan nga ba ako huling nagsulat dito? Putek hindi ko na rin alam.

Tangina ba't andaming nagbago sa Wattpad? Di ko na alam san pupunta o anong iki-click o tanginang whatnot. Oo, sexy na siya tingnan ngayon. Marami nang curves at styles. Nagbago na rin ang user interface. Pero parang mali eh. Parang mali lang sa feeling.

Ewan ko sa inyo. Limang taon na 'ko rito, ngayon lang 'to nagkaroon ng napakalaking pagbabago. Parang nawalan ako ng gana pagpunta ko rito pagkatapos ng 48 years. Hindi na kagaya noon na basta ba iki-click ko ang My Works at iki-click ang New Part, super fucking excited ako as in. Ngayon, itong entry na 'to, sa Notepad ko na tinype. Ika-copy-paste ko na lang to sa My Works. Ewan. Lecheng change is constant whatnot.

Kamusta ka na? Oo, ikaw, silent reader. Anong bago sa buhay mo? Masaya ka ba ngayon? Ano nang pinaggagawa mo d'yan? You livin' the life, niggah?

Napa-type ako ngayon kasi feeling ko dapat ko 'tong ipalabas. Hindi, hindi. Hindi ako magdadrama (ulit). Magra-rap ako, niggah. Fliptop shit.

Tangina umiyak ako sa harapan ni sir last week. Fucking sem-ender. Music video class namin, isi-screening na sana mga output namin. Kaso bigla siyang nag-rant dahil mali-mali ang format ng mga index card namin. Tangina, tol, dahil sa index card. Nag-rant si prof for three fucking hours. Tinuligsa niya buhay namin. Tinuligsa niya kami isa-isa. Sabi niya "Fuck you all" sabay ng dalawang malulutong na fuck you sign. Tapos nagtanong siya "Who's going to speak up? Speak up and let me hear your side."

So, ayun. Tumayo ang nigga niyo, pumuntang harapan, dala-dala ang index card ng group namin. Tinanong ko si prof.

"Sir, have you ever tried killing yourself?"

"What? Killing myself? Never. Why?"

"I had tried, sir. Twice."

Tumutok ako sa napakalaking screen sa harap (na supposed to be doon ipapalabas ang mga music videos namin).

"Sir, I tried killing myself twice. Una, nilunok ko lahat ng pills sa medic box ng bahay. Pills pang-high blood. Tablets pang sakit ng ulo. Pills and shit. Di ko na mabilang ilan lahat yun basta nilunok ko lahat. Tapos uminom ako ng tubig. Tapos natulog ako. Sabi ko sa sarili ko na pagkagising ko, either si San Pedro o si Pikachu sasalubong sa 'kin. Basta natulog ako. Kaso, tangina, pagkagising ko buhay pa pala ako. Nasa ospital na. Umiiyak si mama. Tuliro si papa. Nakatitig sa 'kin si lil bro.

Pangalawa, classic suicide. Lubid plus upuan. Nakagapos na sa leeg ko yun eh. Nakagapos na. Nasa CR ako. Isang kick ko na lang sa upuan, goodbye world na yun eh. Kaso dumating si mama, tinatawag ako. Tangina, isang kick na lang talaga. Kaso di ko magawa. Tumatawag si mama."

"Where are you going with this?"

"Sir, I tried killing myself twice because my life was so fucked up. Do you know what saved me?"

"What?"

"Nakalimutan ko may pangarap pa pala ako. Gusto ko pong maging filmmaker. So one day, gumising ako, pumasok ng school, dala-dala ang pangarap kong 'yun. And here you are trying to crush my dream, sir, dahil sa index card. Valid pa po ba ang dream ko? Gusto ko lang pong makita ang output ng group namin dito sa big screen. Gusto ko pong i-critique ninyo ang gawa namin para sa susunod alam na namin kung anong mga dapat at hindi dapat gawin. Ipagkakait mo pa ba 'yan sa 'min dahil lang sa index card? Fuck us, sir? No, fuck you."

So, ayun niggas. Nabalik sa ulirat si sir. Kumalma. Tinanggap mga output namin kaso hindi na raw isi-screen. Siya na lang manunuod mag-isa sa kanila. Putek, ang flash drive ko nasa kanya pa pala. Shit.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon