ORF-27(The Jealous Wife)

Magsimula sa umpisa

"Miss me,sweety?" Tanong niya.Hindi na namin tuloy napansin si Xenia.

"Di no. Alam kong nami-miss mo ako kaya pumunta na ako dito.Kaso,BUSY ka eh." Diniinan ko ang salitang busy.Narinig ko pa ang pagpalatak niya.

"Eherm...excuse me ha.Alis na ako." Biglang singit ng haliparot na babae.

Ok! Go to hell!Inggit much?Mamatay ka sa inggit!

"Ok sige, bye Xenia.Thanks ha." Nakangiting paalam nito kay Xenia.Aba,ang mokong na ito kung makalandi sa harap ko.
Wow Jasmine, makalandi talaga?Parang wala naman.

Ano pa daw yun? Thanks?Thanks saan?Grrrr...Hirap talaga kapag buntis. Naghahanap ang asawa ng ibang babae. Pero no,di yan oobra sa akin no.

Sa kakaisip ko,di ko na namalayan na nakalabas na pala si Xenia.

"Aray!" Inis na sigaw ko at humawak sa nguso ko na pinitik ng Kevin na ito. "Bakit ba namimitik ka?" Singhal ko.

"Kanina ka pa kasi naka-nguso eh." Kumindat pa ito sa akin.Hmp! Akala niya madadaan-daan niya ako sa pakindat-kindat niya.

"Ano ang ginagawa ng babaing iyon dito?" Tumayo ako at nagpamewang pa.

"So selos ka naman misis?" Tumawa pa ito at saka ako hinila paupo sa lap niya.
Anebeyen Kevin?Naaamoy kita eh.Hihi!

Haist...nilalandi na naman ako ng asawa ko.Pero di talaga oobra sa akin yan.

"Pinadala ko lang dito ang ibang gagawin ni Zacharias sweety.Alam mo namang nasa hospital siya di ba? Kaya dapat akong tumulong.Isa pa,alam ko rin ang iba niyang trabaho kasi nagtrabaho na rin ako dati sa kanila di ba? Noong pinalayas ako ni daddy kasi bawal ang gwapo doon sa amin." Paliwanag niya at niyakap ako.Grrr...bumibigay na naman ako.

Hmmm...umayos ka Jasmine ha.Buntis ka na.

"At isa pa sweety,kailangan niyang ipaliwanag sa akin ang mga gagawin." Bulong niya sa akin.Shete naman oh.Bibigay na talaga ako.Ok, isa pa Jasmine.

"Ah talaga lang ha?Ok. Wala ng problema kay Xenia.Pero ang secretary mo, mayroon." Inis kong sabi.

"Ha?Anong mayroon sa secretary ko?Jasmine naman eh.Lahat na lang ba ay pagseselosan mo?" Reklamo niya.Biglang uminit ang ulo?

"Oo. Kasi nga babaero ka naman talaga Kevin di ba? At isa pa,wag mong ibahin ang sa secretary mo ha?Bakit paiba-iba iyon?Ano yun, para paiba-iba rin ang ..." Ano ba ang idudugtong ko?

"Paiba-iba ang mai-kama?" Siya na ang sumagot.Ouch ha.Di ko nga naisip yun, tapos siya ay naisip.Tumayo ako mula sa lap niya.Naiinis talaga ako sa tanong niya. Parang umuusok na ang ilong ko sa galit?

"Bakit totoo ba? Ha?!Dahil ba sa malaki na ang tiyan ko kaya ka naghahanap ng iba?" Parang maiiyak na tanong ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit palagi na lang ako naging emosyonal.

"For pete's sake Jasmine. Ginagawa ko yan na papalit-palitan ang secretary ko kasi lahat sila ay halos maghuhubad na sa harapan ko.Lahat sila gusto akong akitin.Kaya kailangan ko silang palitan.Naman Jasmine. Kung ano-ano na ang iniisip mo. Sa palagay mo, magagawa ko pa ang mang babae sa dami ng trabaho ko?At isa pa,nandiyan ka na. Kayo ni baby." Mahabang paliwanag niya.Bigla naman akong natauhan at nakonsensiya sa mga sinabi niya.

Sumobra ba ako?Mali ba ang magselos?Siguro nga. Kasi baka nai-insecure lang ako dahil buntis na ako.

"Ok. Sorry naman." Nahihiyang paumanhin ko.

"Halika nga ulit dito." Hinila niya ako ulit at ikinalong. "Jasmine, mahal kita. Kaya wag mong pagselosan ang lahat ng babaing nakapaligid sa akin.Kinalimutan ko na ang pagiging Casanova ko.Dahil bumangga na ang puso ko sayo.Pero di ko talaga maiwasan na may hahabol pa rin sa akin kasi inborn na ang kagwapuhan ng asawa mo. Kaya tanggapin mo na lang sweety." Tumawa siya sa huling sinabi niya.

"Yabang." At hinampas ko siya.

"Hmmm...dahil nandito ka na rin lang sweety,..." Ngumiti ito ng pilyo. "Stand-up first." Dugtong pa niya.Tumayo naman ako.Naglakad siya papuntang pintuan at ini-locked ito.Bumalik siya sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

Alam ko na ang ipinapahiwatig ng mokong na ito. Kahit ba naman sa opisina niya?Kungsabagay,di lang naman ito first time na gagawin namin ito dito.

May malaking sofa naman kasi dito.

"Ngayon sweety,ipaparamdam ko sayo na di ka dapat magseselos." Sabi nito at agad akong binuhat.

Our Ridiculous Fate (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!