Dedicated to judea14! Nabasa ko yung comment niya na pinapatulog na siya dahil ginabi na siya sa pagbabasa nitong TPV. Thank you 'te! Sana hindi ka nagkaeyebags. Hahaha. XD

Sino pang gustong magpadedicate? Sabihin niyo lang. I-comment niyo, o kaya magpost kayo sa MB ko o kaya PM niyo na lang ako, okay?

Sorry for the typos. Edit ko na lang next time.

------(^O^)------

Chapter 7: You are Cordially Invited

Kisha's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ko. Syempre naman, hindi pwedeng araw-araw na lang akong nasa mansyon ni Van, kawawa naman ang bahay ko hindi na nauwian. =__=

Kung hindi pa nga ako nagpumilit ay hindi niya ako paaalisin. Haaay.

Nanonood ako ngayon, and at the same time ay inaantay ko din si Van kasi pupuntahan daw niya ako at nagdedemand siya ng isang round.>////////< Langyang 'yon!

Kumakain ako ngayon habang nanonood ng Vampire Knights sa laptop ko. Ang gwapo talaga ni Kaname! Pero gwapo din si Zero. Haaaay. Dati iniimagine ko lang na sana totoo si Kaname pero ito ngayon ang pinapangarap ko, nagkatotoo. Hindi nga lang sila pareho. =__= Lagi ko ding pinapangarap ang makasama si Edward Cullen, nagkatotoo naman pero perverted version nga lang niya. Kahawig kasi ni Van si Edward kaya jackpot na ako! Hahaha!

Maya-maya biglang humangin at may nalaglag na maliit na envelope sa lamesa ko...

Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao. >__< Sabagay normal na lang ito sa akin, it's either si Van yun o ibang bampira. Sa lagay ngayon ay hindi iyon si Van, siguro ay isa lamang sa mga bampirang walang interes para patayin ako. >__<

Kinuha ko yung pulang envelope at binasa kung ano ang nakalagay doon sa may card...

"You are cordially invited to the Grand Ball of the Vampire Clan"


Blah...blah..blah...

Bakit naman meron akong invitation eh tao naman ako at hindi kabilang sa clan nila? Siguro ay dahil alam nilang close kami ni Van. Hahaha! 

Inilapag ko muna ang envelope sa may lamesa at nung natapos na ang pinapanood ko ay kumain na lamang ako. Maya-maya siguro ay dadating na si Van, saan kaya yun nagpunta?

Habang nainom ako...

*tsup*

*SPLASH!!!!*

"A-Ano ba! Nanggugulat ka naman eh!"

"Hahahaha! Masama bang halikan ka sa pisngi?"

"Masama kapag nagulat ako!"

Tumabi siya sakin at niyakap ako. >/////<

"May natanggap ka bang invitation?"

"Alin? Yung red?"

"Oo, galing yun sa mga bampirang nag-organize ng Grand Ball at taon-taon yun ginaganap, gusto ka nilang makilala pero ayaw kitang dalhin doon"

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!